11 DAYS ng nasa Bohol si Cali. Dapat uuwi na sya sa ikatlong araw ngunit nagkaroon nga ng super typhoon at na-stranded sya dun. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon, sumunod doon si Lean dahil nag-aalala ito sa kanya. Ikatlong araw hanggang ika-siyam na araw na patuloy-tuloy lamang ang ulan. Tumila na ito kahapon at hanggang ngayon. Kaya naman nag-book na sila ni Lean ng flight pabalik ng Manila bukas.
Sa loob ng pananatili nila doon, walang CEO na nagpakita sa kanya at wala ding CEO na kumontak sa kanya. Pero sinabihan sya ng receptionist na ang CEO na daw ng Casa Amelia at Casa Lit ang sasagot sa lahat ng gastos nya sa hotel. Paano naman nalaman ng CEO kung nasaan sya? Baka dahil kay Eri.
Hindi talaga yun ang kinababahala ni Cali, dahil mas inaalala nya na babalik na nga sila ng Manila bukas. Argh! Hindi pa ako nakakalibot tapos babalik na kami ng Manila bukas! Naiinis na ani Cali sa sarili. Bakit ba kasi napaka-swerte nya, kung kailan sya nakapunta ng Bohol tsaka naman bumagyo. Gustong-gusto pa naman nya makita ang chocolate hills at gusto din nyang makakita ng tarsier. Nakakainis talaga.
Habang nagmamaktol padin, narinig nyang may kumatok sa pinto kaya agad nyang binuksan iyon at nakita si Lean.
"Gusto mong mamasyal? Naka-rent kasi ako ng sasakyan dito sa Hotel. Baka lang gusto mong mamasyal nga—" yaya ni Lean ngunit hindi pa man nya natatapos ang sinasabi ng biglang um-oo agad si Cali.
"Oo!" Answered Prayers!
"O sige, hintayin kita sa lobby"
"Sige sige, mabilis lang ako promise"
Pagkasara ng pinto, nagtatalon na si Cali sa tuwa. Sa wakas malilibot ko na ang Bohol!
Wala pa mang tatlumpung minuto, bumaba na si Cali ng lobby at doon nga nya nakita si Lean na nakaupo sa waiting area.
The guy is wearing a v-neck longsleeve chocolate colored shirt, gray khaki shorts and goldenrod sneakers. Si Cali ay isa sa mga tao na hindi fan ng color brown and yellow, pero ng makita nya ang outfit ni Lean. Shit! Nagbago ang pananaw nya. He looks so handsome.
Samantalang sya, puro pale colors ang palaging suot. At ngayon nga, she is wearing a blue denim jeans, maroon round neck shirt at black sneakers.
Who cares? Eto ang gusto kong suotin e. ani Cali sa sarili at nangingiti dahil pumapasok sa isip nya ang salitang date.
Pero teka bakit nga ba nya iisipin yun? Hindi iyon date at isa lamang yun pamamasyal.
Basta hindi ito date!
"Something wrong?" tanong ni Lean ng mapansing hindi mapakali ang dalaga kaya nilapitan nya ito.
Umiling-iling na lang sya. "Nothing, tara na?"
"Okay Let's go" anito at sinundan nya ang binata papunta sa sasakyan na nirentahan nito.
Dahil wala silang kaalam-alam sa mga tourist spots sa Bohol bukod sa chocolate hills, nag-research si Cali sa internet at sinundan nila ang isang travel blog na binabasa. Pupuntahan nila ang mga lugar na nakapost doon at aasa sa tulong ng gps para hindi sila maligaw.
At dahil malayo din ang unang destinasyon nila, nag-drive thru nalang sila sa Jollibee ng kakainin sa byahe.
At dahil din si Cali ay fan ng burger na walang tomato ketchup, ang inorder nya ay Bacon, Egg, And Cheese Breakfast Sandwich at ganun na din ang inorder ni Lean.
Habang nasa byahe, si Cali ang tagal-unwrapped ng burger ni Lean dahil hindi naman nito magamit ang mga kamay na nakahawak sa manibela.
Para tuloy silang magkasintahan na inaalalayan ng girlfriend ang boyfriend na nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Dragoste"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...