Chapter 21

12 3 0
                                    

NAGLALAKAD si Cali papunta sa Casa Lit, nag-commute lang kasi sya at hindi nagpahatid kay Lean dahil alam nyang nasa opisina pa ito.

Pupunta sya ng Casa Lit hindi para sa project kundi para kitain si Ryan. Sinabi nya kay Lean na makikipagkita sya dito upang ibalik ang mga ibinigay ni Ryan sa kanyan noong sila pa. Hindi sana papayag si Lean dahil nag-aalala ito, ngunit napapayag din nya ang kasintahan. Humiling pa nga ito na sa Casa Lit na lang nya kitain ang ex, para kahit anong mangyari e kampante ang kasintahan dahil tiwala sya sa mga staffs nya. Kaya naman, doon nya napagdesisyunan na kitain ang dating kasintahan.

Hindi naman kasama si Lean sa pagkikitang iyon. Gusto kasi nyang makapag-usap si Cali at ang ex ng masinsinan at hindi iyon mangyayari kung alam ni Cali na nasa paligid lang sya.

Heto na nga, pumasok na si Cali sa restaurant at naaninag na nya si Ryan sa hindi kalayuan.

Nilapitan nya ito at doon nya nakita na naka-order na ito ng pagkain. Hindi man lang tinanong kung anong gusto nya. Tsk.

"Hey" aniya at umupo sa upuang nasa harap nito.

"Hi" sagot naman ni Ryan.

Umupo si Cali at uminom sa inorder ni Ryan na hot chocolate para sa kanya. Hindi naman nya ayaw ang hot chocolate but she prefers coffee.

"You look..." napatingin sya kay Ryan ng magsalita ito. "...normal"

Napakunot naman ang kanyang noo. Normal? What does he mean by that? Tinignan nya ang sarili. She is wearing simple denim jeans and a plain v-neck black shirt. At never syang nagsuot ng simple sa tuwing makikipagkita kita kay Ryan.

Palagi syang pinagsasabihan nito kapag ganun ang suot nya, noon. But now, he has no right to do that anymore.

She sip into her drink before responding. "This is one of my most comfortable outfits. At wala naman masyadong ganap ngayon kaya eto ang suot ko"

"You're not meeting your boyfriend today?" tanong ni Ryan. Aba curious ang loko. Kapag normal ba ang itsura at normal ang suotan ibig sabihin walang karapatan na makipagkita sa kasintahan o walang karapatang makipag-date?

Napangiti na lang si Cali kahit deep inside napapailing sya. "Magkikita. Araw-araw naman kami nagkikita. Pero wala naman syang sinasabi sa suot ko. We even meet kahit na nakapambahay ako"

Malamang! We're neighbors.

Hindi kumibo si Ryan.

"...Anyway, I asked you to meet me because of this" ani Cali at ibinigay sa binata ang dala-dala nyang paper bag.

Sinilip iyon ni Ryan at nakita ang mga leather boxes na ang laman ay anim na set ng jewelry (necklace, bracelet at earrings). Yun ang mga ibinigay nya kay Cali sa tuwing anniversary nila.

"Bakit mo binabalik? I already gave this to you"

"Well, alam kong sasabihin mo yan. I am not planning on returning the gifts that you gave me before. Kasi bigay mo nga yun. Pero naisip ko na dapat ibalik ko ang mga jewelry. May use pa yun for you. Pwede mong ibenta, pwede mo ding isangla. It's too precious for me to keep"

"Pwede mo naman gawin yun. Ang ibenta ang mga ito. Hindi mo na kailangang ibalik"

"No Ryan. Ayoko ng magkaroon na naman ng rason ang mga magulang mo para paghinalaan ako. They might think na ginagamit talaga kita para sa pera" Mataray na ani Cali, sa muling pagkakataon, hindi kumibo si Ryan.

Cali stilled. Hindi iyon ang ipinunta nya doon. Hindi sya makikipag-away kay Ryan. Dahil ang pinunta nya doon bukod sa pagbabalik ng mga alahas, ay closure para sa kanilang dalawa.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon