"YES JEN, Deliver the files to me here. Dito ko na din pipirmahan" ani Lean sa kausap nya sa cellphone. Rinig na rinig iyon ni Cali dahil nasa sala lang sya at naglalaro Plants Vs. Zombie sa kanyang cellphone. Hindi na masyadong sikat ang larong iyon ngayon, pero natutuwa talaga sya doon dahil ang ku-cute ng mga star na plant. Nasa roof level na kasi sya.
Habang naglalaro, patuloy padin si Lean sa pagkausap sa sekretarya. "Yeah, set a meeting by friday. Kasama lahat ng department heads. Pero for now, idaan mo muna dito sa condo ang mga kailangan kong pirmahan"
After that, he ended the call. Lumapit naman
si Lean kay Cali at umupo ito sa sofa habang ang dalaga sa sahig nakaupo dahil gusto nito abot na abot ang lamesa."Pupunta ka ng office sa friday?" Paglilinaw ni Cali sa kasintahan.
Tumango naman ito. "Yes, gusto mong sumama?"
Umiling-iling sya. "No. Pero pwede bang puntahan ko si Eri sa bahay nya? Doon muna ako habang wala ka" pagpapaalam ni Cali, miss na miss na din kasi nya ang kaibigan. At nag-aalala talaga ito sa kalagayan nito dahil hindi pa sila nagkikita ng personal.
"Okay sige, ihahatid kita dun tapos susundin kita pagkatapos ko agad sa office"
"Okay"
Inubos lang ni Cali ang oras sa paglalaro sa cellphone. Nalaro na nya ang Plant Vs. Zombies, Diner Dash at maging Mobile Legends. Habang ang kasintahan nya nakaupo din sa sahig at nakaharap sa laptop. He's doing work, as usual.
Nang matapos ito sa trabaho, naligo ito. At habang nasa banyo, biglang may nag-doorbell.
Agad nyang tinungo ang pinto, pero hindi agad yun binuksan. Kailangan nyang masiguro na kilala nya o ni Lean ang kanilang bisita. Sumilip sya sa peephole at nakita ang sekretarya ni Lean na si Jen ang nasa harap ng pinto. Kaya naman, agad nya itong binuksan.
"Hi Jen!" Masayang bati nya.
Nanlaki naman ang mata ng babaeng kaharap. "Architect Cali? Kayo po ba ang girlfriend ni Sir De Castro?"
Oh shoot. Hindi pa nga pala nito alam na nagdi-date na sila. Pero wala na syang choice, she slipped and she needs to admit it already.
"Y-yes"
🌸
"GRABE Architect, hindi talaga ako makapaniwala na kayo ang girlfriend ni Sir" tuwang-tuwang ani Jen habang sila ay nasa sala, umiinom ng kape at nagkukwentuhan. Si Lean naman nasa kwarto, doon nya inaaral ang mga papeles na dala ni Jen."Well hindi naman namin tinatago yun pero hindi rin naman namin bino-broadcast" ani Cali.
"Okay na din yun Architect, madami din kasing judgemental sa paligid." Ani Jen. Sabagay may point din naman sya. "Basta mahal nyo ang isa't-isa, okay na yun"
"Tama ka nga, pero paano mo nga pala nalaman na may girlfriend si Lean? I mean, hindi nga namin bino-broadcast yun except kila Eri at Joan, ibig sabihin sinabi nya sa'yo?"
Umiling-iling ang babaeng kausap. "Hindi sinabi sa akin ni Sir, pero yung kilos nya halatang may girlfriend sya"
Napakunot ang noo nya. "Kilos?"
"Opo, tulad nung dati, inutusan nya ako na kontakin ang Guevarra Jewelries, magtanong daw ako kung merong mga hair ties na binebenta doon. Yun ang unang beses na bibili si Sir ng gamit pambabae. Lalaki ang kapatid nya at siguradong hindi naman nya bibilan ng tali ang mommy nya. Naghinala na ako na baka para yun sa girlfriend nya o sa gusto nyang babae" paliwanag ni Jen.
Napaisip naman si Cali ng marinig ang Guevarra Jewelries. Isa kasi yun sa mga sikat na kumpanya sa larangan ng alahas at iba't-ibang palamuti sa katawan. And this is the company kung saan nakuha ni Lean ang mga hair ties? At teka, meron nga bang hair ties doon? As far as she can remember, pure jewelries at watches lang ang ino-offer ng kumpanyang iyon.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
عاطفية"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...