Chapter 26: Ame's Devilish Attitude

237 13 0
                                    


Amaranthe's POV





Pagdaan ng ilang araw. Napansin kong matamlay na naman si Stephanie. Papunta na ako ng paaralan pero nakapambahay pa rin siya, wala yata siyang balak na pumasok nang maaga ngayon. Ah oo nga, pumapasok lang siya nang maaga dahil kay Lenz.





"Ame," wika ni Steph.





"Kung tungkol na naman 'yan kay Lenz, huwag na, huwag mo na siyang banggitin, nakakairita na ang gagong 'yon," tugon ko.






Nakasimangot pa rin siya. "Ameee."






"At isa pa, huwag ka ng makipag-usap sa lalaking iyon ah? Okay?" dagdag ko.






Hindi lang siya kumibo pero sana nakuha niya ang punto ko. I've never been concerned to anyone kaya sobra ako kung mag-alala. Para rin naman ito sa kapakanan niya and besides I already treated her as my sister.






Paglabas ko sa gate, nakita ko si Rowss na nakasandal lang sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan niya at umalis na kami.






"It's already month of September babe," wika niya.





"Eh ano naman ngayon?" taray ko.






"Wala lang, I just want September to be exciting for us," nakangiti niyang tugon. Nang makarating na kami sa paaralan, hindi niya ako pinababa sa entrance, pinasama na niya ako sa basement parking lot kung saan niya palaging pinaparada ang sasakyan niya at sabay kaming pumasok. Bumungad naman sa amin ang chismisan ng mga kaklase namin.






"Crystal really rose up higher no? They beated Twistolar," wika ng isang estudyante.






"Pinakamayaman ngayon ang Crystal dito sa South."






"I feel bad for Twistolar eh."






"Yeah, I heard kinokopya raw ng Crystal ang products ng Twistolar?"






"Naniniwala pa rin akong magiging okay ulit ang Twistolar."






"Plan daw ngayon ng Crystal ay magiging number 1 sa bansa."






"Eh imposible naman, hindi madaling lagpasan ang Destiny Fond diba?"





"Oo, pinakamayaman ang DF sa bansa."





Nanindig balahibo ko nang marinig ko ang tungkol sa Destiny Fond. DF Company is now popularly known as Destiny Fond but back in lolo's time tinawag itong Del Fiorre, and for me it still stands for Del Fiorre.





Naging tahimik si Rowss ngayon.





Tanghalian, nasa cafeteria kami nang makita kong malungkot na naglalakad si Stephanie sa labas, mukha siyang losyang ngayon at pati buhok niya ay buhaghag. Nawala ang pagiging blooming niya.





"Is Stephanie okay?" Tanong ni Rowss.





"I--I'll catch up with her later after class." Nagpatuloy ako sa pagkain. I act like it doesn't bother me pero naaawa na ako sa pinsan ko.





Kinahapunan, bago ako makalabas ng gate ng school narinig kong may mga babaeng pinag-uusapan ngayon si Stephanie. Hindi ba talaga sila titigil sa sakit nila?






The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon