Chapter 47: Rest House

233 10 0
                                    


Amaranthe's POV

KINABUKASAN. Tinawagan ako ni Mr. Sua. I'm still half awake. Iba talaga 'pag makatulog ako sa kwarto ko sa bahay ni lola. Hindi ko kasi kailangan bumangon nang maaga. Pero pagkababa ko, laking gulat ko nang may pagkaing nakahanda sa dining room.






"Yes Mr. Sua?" sinagot ko ang tawag.





"Miss, papunta na sa South ang may-ari ng Hallister Jones na isang Canadian International Company, may balak silang bilhin ang rest house ngayon," tugon niya.






"Ano?! Anong oras sila darating?" tanong ko.






"In an hour po," Mr. Sua.





Putangina. Kakagising ko lang ta's ito bubungad sa akin. Dali dali na akong naligo at nagbihis para puntahan ang rest house agad agad. Wala pa ako sa katinuan pero bahala na, ang importante ay mapigilan ko sila.






"Oh pinsan, gising ka na pala," ani ng kakapasok na si Stephanie.





Laking gulat ko naman nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito? Sino ang nagbabantay ni lola?" tanong ko.






"Si papa lang muna ang nagbabantay roon, pinaghandaan na kita ng pagkain dahil sinabi ni Warren na intense daw ang ginawa mo kagabi sa harap ni Rowss," nakangising tugon niya.






"Ah okay okay, pero kailangan ko ng magmadali, may gagawin pa kasi ako," sabi ko naman.





"Bakit? Sa'n punta mo?" tanong niya.





"Sa rest house namin," ako.






Papalabas na ako ng pinto pero may pahabol pa siyang tanong. "Anong address ng rest house niyo?"






Isinuot ko na ang sapatos ko. "Ah, tingnan mo nalang sa itaas ng ref may calling card diyan, may address din ng rest house, alis na ako Stephanie ah bye!"






Agad akong sumakay ng sasakyan ko at lumabas na ng subdivision, hinihiling ko nalang na sana walang traffic ngayon.





Stephanie's POV




Naging yelo lang akong nakatingin kay Ame na nagmamadaling umalis ng bahay. Pagkatingin ko sa mesa ay hindi man lang niya ginalaw ang pagkain na inihanda ko. Hays.






"Ame! Nakalimutan mong kumain!" sigaw ko pero hindi na niya narinig.






Tiningnan ko sa itaas ng ref ang calling card na sinabi niya, may calling card nga sa rest house at may nakalagay din na address. So it's time to call someone. Hehe.





calling Rowss Blaze Sanchez...





May number ako ni Rowss dahil binigyan niya ako ng calling card three months ago, for future purposes, at ngayon ang future na 'yon. He-he-he.






"Hello? Stephanie?" sagot niya.






"Hi Rowss, hindi ba mahal mo ang pinsan ko? Puntahan mo siya sa address na itetext ko sa'yo, nanganganib buhay niya," tugon ko at agad na ibinaba ang call.





The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon