Chapter 53: Del Fiorre

293 12 0
                                    


Amaranthe's POV


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bahid pa rin ng pagkakagulat ang reaksyon ni dad nang ipinagtanggol ako ni lola sa bingit ng pagkakabigo. Wala naman talaga sana akong balak na angkinin ang kompanya dahil sa tingin ko ay isa lang itong mundo na magbibigay ng mapait na direksiyon ng buhay ko.






"Ladies and Gentlemen, the new CEO of DF Company is Ms. Amaranthe Del Fiorre."





Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan ng bisita, katabi ni lola. I--I got it, I got it lolo, Anarson, and to everyone who's rooting for me to be in this place. Malaking pasasalamat ko sa mga taong tumulong na hindi ko inaasahan. Lalo na si Rowss.






"Kung kagustuhan ng Chairwoman, edi boto rin kami doon," sigaw naman ng isang bisita na may-ari rin ng isang international company.





She is indeed a very well-respected in the company and to our shareholders. It's been eight years since she appeared in front of our people in DF Co.






"I'm glad na naisipan mong palitan ang pwesto ni Anarson, Ame. You have just to say yes in this position and it will be yours," bulong ni lola. Bigla akong kinilabutan, wala kasing niisang tao ang nagsabi na sa akin pala ibinigay ni lolo ang kompanya.






Kinalaunan, nagsilabasan na ang mga bisita pagkatapos nilang makipagkamay sa akin bilang pagbati.






"Congratulations Ms. Del Fiorre, looking forward to be partners in business with you," bati ng isang german na may-ari ng pinakamalaking kompanya roon. Ngumiti ako at nagpasalamat, ganoon din sa ibang mga bisita.





"Wimon, may I talk to you for a sec?" request ni lola kay dad.






Nang lumabas na ako ng room ay nakasalubong ko si Alkerson sa hallway, napahinto ako sa harapan niya kaya huminto rin siya at tiningnan ako, ang tingin niya ngayon ay walang bahid ng galit o selos, sa halip ay tingin na para pang nagagalak sa resulta. Bigla siyang ngumiti at tinapik ang kanang balikat ko sa kaniyang kaliwang kamay.





I was expecting na magagalit siya sa akin.






What's that supposed to mean?





"Alkerson, you--," wika ko.






Pero hindi siya lumingon pabalik at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakapamulsa.





"Miss Amaranthe, may I escort you to your office?" bungad ni Mr. Sua sa akin. Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. I am the CEO now and I have to be responsible for everything from now on.






Bigla kaming huminto sa opisina na matagal nang hindi ginagamit ng pamilya namin, ang opisina ni lolo, ang dating Chairman ng DF Co. Nang nakapasok na ako ay napakalinis ng paligid tapos may pangalan ko na nakalagay sa mesa. The room was painted white and everything looks aesthetic just like my style.






Agad akong lumingon kay Mr. Sua. "Pero bakit nakahanda na ito lahat?"





Tumawa saglit si Mr. Sua. "Dahil alam naman namin na mananalo ka Miss, that is why your dad led you to South to keep away from the company's succession day."





"A--ano?" Ako.






"The Chairwoman asked me not to say anything about this or even give you a hint Miss, gusto niya na ikaw mismo ang magpapapukaw sa sarili mo na angkinin ang kompanya nang buong-buo," Mr. Sua.






The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon