Amaranthe's POV
KINAGABIHAN, pagkatapos ng fashion line ni Yasumine, hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na ako sa kanila pero hindi muna ako umuwi, sa halip ay pumunta muna ako sa isang night club para maglasing, gusto ko lang ibuhos ang sakit ngayon.
Nakita ko namang nag-iisang naka-upo si Anarson sa counter table at umiinom. Tumabi ako sa kaniya at nagsimula na ring uminom.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tuluyan na akong umiyak. "Ah grabe, ang sarap ng alak ngayon ah, napaiyak ako sa sarap." Napahagulhol na rin ako.
Tiningnan ako ni Anarson na parang naweweirdohan sa akin.
"Kuya! Isang beer pa nga!" request ko.
"Yes ma'am!"
Uminom lang ako nang uminom. Hindi ko na pinansin si Anarson sa tabi ko, kung dadamayan niya ako bilang Kuya ko edi mas maganda, kung wala siyang pake sa akin edi wow.
"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya. Natigilan ako nang namalayan ko ang estilo ng pananalita niya ay kakaiba, doon ko na realize na hindi si Anarson ang nasa tabi ko kundi si Alkerson. Magulo kasi ang buhok niya ngayon kaya hindi ko nakilala agad. Perks of having identical twin brothers.
"Eh ikaw, ano bang nangyari sa'yo ba't mag-isa ka ngayon rito?" ibinaling ko ang tanong sa kaniya.
"Napag-isip isip lang, ang dami kong pinagsisisihan sa sarili ko," tugon niya.
Seryoso akong napatingin sa kaniya. "May pinagsisisihan ka rin pala?"
Bigla niyang binuhusan ang baso ko ng alak. First time na ginawa niya ito sa akin. "Oh uminom ka pa para makalimutan mo lahat ng sasabihin ko sa'yo."
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nangyari sa aming dalawa ito, na siya ang nag-alok sa akin na uminom.
"Iinom lang ako ngayon dahil brokenhearted ako, hindi dahil gusto kong marinig ang sasabihin mo," tugon ko at uminom na naman.
Lumipas ang ilang oras, nakaubos na ako ng isang case ng beer, pero lasing na ako. Ayaw ko na ng pangalawa dahil noong huling wasted ko, nakidnap ako sa mga hinayupak na taga South. Mga putangina, huhulihin ko talaga ang may gawa no'n!
"You should share your shares to me instead of Anarson," mahinang wika ni Alkerson.
Lasing na akong napatingin sa kaniya tapos inakbayan siya. "Alam mo bro, wala namang masama talaga kung mapunta sa'yo ang kompanya, --peeerooo ang ayaw ko lang ay ang mga nakakatangang paraan mo, hehe.. matalino ka, oo, kaso bobo ka rin sa practicality, choowr practicality haha!"
"Kung iyan ang sagot mo edi wala tayong magagawa, maglalaban pa rin kami ni Anarson sa posisyon," tugon niya.
I scoffs. "Edi magsuntukan kayo! Mga lalaki naman kayo dibaaa, one on one fight! Ang K.O. out!"
"Ame, lasing ka na," Alkerson.
"Tss! Baket? Ngayon mo lang ako nakitang ganito ha? Brokenhearted ako! Babalik talaga ako sa South ta's sunugin ko bahay ng kabit ng hayop na 'yon!" ani ko.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...