Chapter 29: Announcement

218 10 1
                                    


Amaranthe's POV






BINUKSAN ko ang invitation card, sinabi nito na magkakaroon ng Ambassador's Party ang kompanya ng Twistolar.






"Kailan dumating ang imbitasyong ito?" tanong ko kay Kuya An.






Nakapamewang siya sa gilid habang nakasandal sa mesa ng salamin niya. Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Who cares? It's just a low-level party, and besides wala tayong koneksyon sa Twistolar kaya it's just a waste of time."







"Of course, the both of you never been to a lowly party like this before pero ako oo," react ko.







"Then you go," tugon niya.







"May kutob din akong may kinalaman ito sa unti-unti pagkakabagsak ng kanilang kompanya, since kalaban din nila ang Crystal," Ako. Inilagay ko ang invitation card sa gray sling bag ko.






"Updated ka na yata sa mga nangyayari sa labas, you've never pay attention to something like this before," Kuya An.






Tiningnan ko lang siya habang napa-isip rin ako kung bakit nga ba ako nagsasayang ng oras sa issue nila eh kung tutuusin mas malaki pa ang problema namin sa pamilya namin. Twistolar is just a company I secretly admire but I have no connection with any of them. Just like Kuya An said, it's just a waste of time.






"Kung wala akong gagawin, ako na ang aattend sa party na ito," tugon ko.






"As you wish. Let's go outside, marami na ring mga bisitang dumating," tugon din niya.






Umakyat na kami tungong rooftop sakay ang elevator. Nang nakaapak na kami, iba't-ibang reaksyon ang bumungad sa amin. Nakita ko ring naka-grin lang si Alkerson katabi ni Dad at nakangiti naman si Mom.






"Ngayon ko lang nakita ang anak na babae ng DF, rinig ko hindi siya pinapalabas ng poder nila."






"She's beautiful."






"Mana siya sa mama niya."






"Akala ko mga lalaki lang ang anak ng DF."






"Ngayon lang yata siya nakapunta sa South no?"






Halos lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. Umupo na ako katabi ni mom at ang katabi ko naman sa kabila ay si Mr. Sua. Walang media ngayon dahil ginawa itong private event.





Rowss' POV




NASA GITNA kami ngayon ng pagpupulong. Sa halip na si dad ang uupo sa chairman's chair sa gitna ay ibinigay niya ito sa akin. I've made a lot of proposals na inihanda ko since last week and I've finally decided to move our Ambassador's Party next year instead of this coming October. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalaki ang lacking ng kompanya namin in less than a year.







"Mr. Young President, kailangan niyo pong makipag negosasyon sa Crystal Corp. it's for the best," suhestiyon ng isang board member.






"Para na ring sumang-ayon tayong maging isang tuta sa kalaban natin, iyon ba ang gusto mong iparating?" tanong ko.






"Mr. Young President we also have to take a risk because that is what business is all about," suhestiyon din ng isa.







The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon