Amaranthe's POV
TWO MONTHS HAVE PASSED.
Ang dali lang ng panahon, magmimidterm na kami. Since wala kaming pasok ngayon dahil holiday, magkasama kami ngayon ni Stephanie sa kwarto niya. Nagriritual na naman ang isang 'to.
"Ame, have you ever loved someone with all you heart and soul?" tanong niya habang nakatitig sa lover's painting na nakadikit sa pader ng kwarto niya.
"Ha? No, in my 22 years of existence, never," tugon ko.
Tumingin siya sa akin. "Really? You've never been in love?"
"Well, I did love someone but he broke my heart, iyon na sana ang kauna-unahang pagmamahal na matatanggap ko sa buong buhay ko. He can give me everything I want but the only thing na hindi niya maibigay sa akin ay ang bagay na hinahangad ko nang sobra, iyon ay pagmamahal mula sa kaniya," tugon ko ulit.
"That's sounds sad, sino iyan?" Steph.
"My dad," ako.
Noong maliit pa lang ako, 4 or 5 years old, at ang mga kuya ko nun ay 11 years old. Parati kami pinapasyal ni mom sa amusement park as our family bonding time, pero wala parati si dad sa tabi namin. He was always busy at walang time sa amin.
Pinakapaborito ni dad ay si Alkerson, dahil matalino iyon, palaging top sa klase at sobrang galing sa lahat ng bagay. At si Anarson naman ang palagi kong kasama noon kahit saan magpunta, siya ang nagturo sa akin kung paano uminom at siya rin ang kasama ko noong una akong nakipag-away dahil sa kalasingan. Dad was really disappointed of Anarson dahil naging bad influence raw siya sa akin.
Yun ang problema ni dad, pagkakamali lang ang palaging nakikita mula sa amin. Hindi niya nakikita ang achievements ni Anarson kahit na sa maliliit na bagay.
"You never mentioned anything about your family Ame, pwede mo ba akong kwentuhan?" request ni Steph.
Nanlaki ang mga mata ko. Oops. Clears throat. "Well, simple lang naman ang family ko talaga, si mama ang pinakamalapit sa akin, palaban din iyon at mapag-alala, si papa ko naman ay masungit at parating galit sa mundo."
"Lola already told me about those things, sinabi din niya na hindi ganoon ka intriga ang story ng family mo, pero hindi binanggit ni lola na hindi pala kayo close ng papa mo, that's why I'm asking," react niya.
"Oo nga naman, wala ngang special sa family ko, mas interesado pa nga ako sa istorya ng iba," ako.
"Alam mo Ame, noong una mong dating dito sa subdivision, akala ko talaga masungit ka, napakapoker face mo lang kasi ta's parang ang laki ng galit mo sa lahat ng tao," Steph.
"Ganito lang talaga ang mukha ko, sanay na akong sabihan niyan," ako.
Pumunta na kami sa kusina para mag-bake ng cupcakes. Ibibigay niya raw ang iba kay Lenz. Swerte talaga nung hayop na 'yon.
"You really like that guy no?" ako.
"Yes Ame, I will do whatever it takes for him to love me," tugon niya.
"Ayoko lang talagang sabihin ito but since you're really pushing yourself into it, I will help you, and that also mean you should start changing your style," ako.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...