Amaranthe's POV
PEACEFUL NIGHT AT EMERALDA'S SUBDIV.
"Lola, bakit n'yo naman hinahayaang makapasok ang gagong 'yon sa subdivision natin?" inis na reklamo ko kay lola. "And you didn't even tell me last week."
I'm still bothered kasi sa sinabi ni Rowss na hindi siya titigil, wala rin akong panlaban sa kaniya dahil full-time surveillance si lola sa mga kinikilos ko, kung papauwiin ako sa Northern Sector nang maaga, mawalan ng saysay ang pagtitiis ko at masisira ang plano ko.
"Huwag mong ipasa sa akin ang usapan Ame, bakit ka nagboboyfriend nang hindi nagpapaalam sa akin? And for Pete's sake isang linggo pa lang ng klase tapos may boyfriend ka na?" lola.
Napafacepalm na lang ako. Hindi ko na kasalanan kung matigas ang ulo ng lalaking 'yon. "Again, he is not my boyfriend."
"Hindi naman kita pagbawalan eh, sabihin mo sa akin kung anong pinag-gagawa mo roon sa labas, ayokong naglilihim ka Amaranthe, I am just trying to protect your reputation and privacy, hawak mo pa rin ang pangalan ng DF Co. kaya be mindful of your actions," sermon na naman ni lola.
"Argh! Ghad! Bakit ba pareho kayo ni Dad? Hindi kayo nakikinig sa side ko eh, mga pagkakamali ko lang ang nakikita n'yo, hindi n'yo rin ba iniisip kung anong nararamdaman ko?" sagot ko.
"You're being a brat now missy, how many times do I have to tell you--," lola.
"--lola this is who I am! Sawa na ako sa sistema ng pamilya natin, lumaki na akong ganito, I don't care about my reputation nor privacy, I just want freedom," ako.
"Nakalimutan mo na kung kaninong laban ito Ame, this is also about your family, stop being a child and start facing the reality now," lola.
Para na akong puputok sa inis, kaya kinalmahan ko na ang sarili ko. "Lola, ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo, pero sana naman intindihin mo rin ang side ko."
Napabuntong hininga lang si lola. "I know Ame, naiintindihan din naman kita talaga, hindi naman sinadya na maging parte ka ng pamilyang ito and there is always a reason, being a Del Fiorre means to have a big responsibility, ginawa ko lang naman ang paghihigpit ko sa'yo para sa kapakanan ng kompanya natin from your lolo Aristopher, your relatives outside doesn't know that you're the daughter of the richest family in the country, I did that for your sake, hindi mo maiintindihan sa ngayon but you'll understand everything soon, for now nakapokus ka lang kasi sa sarili mo kaya ang hirap ipaliwanag," malumanay sa sambit ni lola. Nabigla ako nang niyakap niya ako't hinalikan ang noo ko. Sa isang taon ko rito ngayon lang 'to nangyari.
"Lola, matutulog na ako," agad kong iwas para hindi halata na naaapektuhan ako sa damdamin, ayaw kong ipakita na may weakness ako.
Umakyat na'ko tungong kwarto at sinubsob ang mukha sa higaan. That lola's forehead kiss just reminded me of how my parents used to love me when I was a little kid. Muntik ko nang makalimutan ang pakiramdam ng pagmamahal.
MANY DAYS HAVE PASSED.
Umagang-umaga pero ang tamlay kong pumasok sa paaralan, mas lalo akong tumamlay nang nahawaan ako sa katahimikan ng klase.
"When you're planning on making your own business someday, then there's only one thing that you must apply in order to achieve it, it's Action. Ano namang magagawa ng mga pangarap at plano mo kung hindi mo rin gawan ng paraan? Let's talk about Action with a Mind," lecture ng major professor namin.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
Любовные романыAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...