Chapter 43: Self-control

196 9 0
                                    


Amaranthe's POV


"Mas lamang ka ng dalawang puntos kay Anarson," rinig kong sabi ni Dad pagkapasok ko sa kaniyang opisina sa bahay. Nakita ko ring naka-upo sa harapan niyang sofa si Alkerson.





"It's still risky dad, kakampi niya si Amaranthe, and anytime pwede siya mag-invest kay Anarson sa bahagi niya."





Sabay nabaling ang tingin nila sa akin nang mapansin nila akong papalapit sa kanila. Agad na isinara ni dad ang hinahawakan niyang hard copy of data ng family's current share ng kompanya.





"Anong kailangan mo Amaranthe?" awtoridad na pananalitang tanong ni dad sa akin. Dahan-dahan naman akong napalingon saglit kay Alkerson na nakataas lang ang isang kilay sa akin habang bossy na nakasandal sa sofa at nakapamatong ang mga binti.





"Dad, aalis po muna ako, pupunta ako South for a week, alam kong alam niyo na po ang dahilan, magpapaalam lang sana ako nang maayos sa inyo."





Bigla siyang umiling-iling at tinitigan ako ng matalas sa aking mata. "Hindi mo ako naiintindihan, ang ibig kong sabihin ay ano ba talaga ang kailangan mo? Nalaman kong magkasabwat kayo ngayon ni Anarson sa pagpapataas ng porsyento niya sa kompanya. How about we make a deal? i-offer ko sa'yo ang bagay na sigurado akong makukuha mo talaga mula sa amin."






Napakunot ang aking noo. Alam ko kung anong ang gusto niyang ipahiwatig. He wants me to invest to Alkerson instead of Anarson.





"You want me to invest to Alkerson, right?"






"It's too obvious na mananalo si Alkerson dito, so it's a bonus for you, we will grant you one request, in exchange for not doing anything at all hanggang sa darating ang succession day ng kompanya natin, you can do whatever you want as long as hindi mo papakialaman ang kompanya."





"And if I won't agree?" tugon ko.





"Kabaliktaran ang mangyayari, once Alkerson wins, everything you and Anarson have right now, will be transferred to Alkerson's account."






Lumabas ako ng opisina na galit na naman ang ekspresiyon, tapos nakita ko ring nakasandal si Anarson sa pader ng hallway at pinagsusuntok ito. Sa tingin ko, narinig niya ang pinag-uusapan namin. Naaawa na ako sa kaniya, parang kinuhanan na siya ng karapatan bilang anak ng Del Fiorre rito.





"Kapag mananalo si Alkerson, tiyak akong katapusan na rin ng kompanya natin, bakit hindi nila makita ang totoong problema rito? Mga hangal!" Singhag niya sa harapan ko.






"Gagawin talaga nila lahat para lang makuha ang gusto nila," ako.






Umalis ako. Moving on, pinaghandaan ko na ang flight ko tungong South, nagdala lang ako ng medium luggage bag na kulay gray at gray sling bag din. Nagpahatid na ako tungong airport ngunit nakuha ang atensyon ko sa isang jewelry shop na nadaanan namin. May nakalagay na Twistolar kaya bumaba muna ako para tingnan ang nasa loob.





They designed the shop well, at napaka aesthetic ang dating.





"Hello ma'am, welcome to our store, how may I help you?" bigay-galang ng isang saleslady sa akin at yumuko para mag bow saglit. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti kaya medyo na impress ako sa pagkaka-train sa kaniya. Deep in my mind, I want to tell Rowss a job well done.





"Ngayon ko lang napansin na may shop ang Twistolar sa North, kailan lang ito nag open?" malumanay na responde ko sa kaniya.






"Last year lang po mga around month of april," tugon niya.




"Ah, nagpunta ba rito ang may-ari ng Twistolar sa North para pagplanuhan ang pagpapatayo nito?" bigla kong narealize na ang tanga ng tanong ko.





"H--hindi ko po alam ma'am pasensya po," nakangising tugon niya.





"May bago bang disenyo na ni-release ang Twistolar ngayon?" agad kong iniba ang tanong para makabawi.






"May irerelease pa lang po sila next week para sa seasonal edition," tugon niya.





"Okay, well then, babalik nalang ako next week," nakangiting tugon ko.





"A--ah sige po ma'am, aasahan ko po ang pagbabalik n'yo," nag bow na naman siya sa akin. Papalabas na sana ako nang biglang may sumigaw na costumer sa malayo. Agad namang nilapitan iyon ng babaeng saleslady na kausap ko kanina. What a scene.






"What the heck?! Bakit ninyo hinahayaang may makapasok na bata na kumakin ng ice cream sa shop n'yo?!" sigaw na reklamo ng customer. Namantsahan ang kaniyang palda ng chocolate ice cream dahil sa batang kumakain nito na mukhang 6 na taong gulang pa lang.





"Pasensya na po, pasensya na po, hindi na po ito mauulit," pagpapaumanhin ng saleslady.





Napanguya ako nang masaksihan kong si Merci pala ang dinapuhan ng kamalasan ngayon, talk about bad karma HAHA. Hindi muna ako lumabas at inaabangan ko kung anong susunod na mangyayari habang naka-cross arm.





"Hoy! Ikaw! Diba ikaw ang saleslady rito? Punasan mo! Mga iresponsable kayo!" mura niya sa mabait na saleslady.





Kinuha ng saleslady ang panyo niya sa kaniyang bulsa at akmang pupunasan ang palda ni Merci ngunit pinahinto siya. "No, ang ibig kong sabihin ay punasan mo gamit ang mukha mo."





Nanlaki ang mga mata ng lahat ng customer na nandito at pati ang mga kasamahan ng saleslady ay nagulat rin sa kagustuhan ni linta. Biglang tumayo ang sungay ko nang lumuhod ang mabait na saleslady kaya umeksena na ang manager nila pero bago pa man nakapagsalita ang manager ay inunahan ko na siyang sumagot kay Merci. Subalit, hindi nila ako nakilala dahil nakasuot ako ngayon ng sunglasses.





"Huwag, tumayo ka," utos ko sa saleslady.





"Sino bang susundin mo? Bilisan mo na! Punasan mo na gamit ang mukha mo!" suway ni Merci.






Mas tumayo ang sungay ko nang mas sinunod ng saleslady si Merci, mukhang kilala yata niya ang pamilya ni Merci kaya natakot siya.





"I can file a lawsuit for this, tandaan mo 'yan!" banta ni Merci.






Sinamaan ko siya ng tingin. "Your family must be rich, kaya mong mag file ng lawsuit agad agad." Tinanggal ko ang sunglasses ko, "I can also file a lawsuit for your immeasurable bad deeds that even your family didn't know about."





Nagulat siya, "AMARANTHE!"





"So anong pipiliin mo? Lawsuit for Twistolar? O just a $3 laundry?" napa-poker face akong nakatingin sa kaniya.





"You're really are a bitch Amaranthe Del Fiorre!" sigaw niya ta's nag walk-out.






Bigla akong pinalakpakan ng mga tao sa loob, mga hibang! Para doon lang? Sus.






"Ma'am maraming salamat po talaga," nag bow na naman siya sa akin.





"Okay lang, next time huwag kayong magpapaapi sa mga walang utak na customer kagaya nun, I'm sure matutuwa ang may-ari ng kompanya ninyo kapag nalaman nilang palaban ang mga empleyado nila."






Tuluyan na akong lumabas at sumakay ulit sa sasakyan.





END OF CHAPTER 43.
ITUTULOY...

The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon