Chapter 36: Kidnapping

198 9 0
                                    


Amaranthe's POV

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Napansin kong nasa isang warehouse ako na puno ng mga karton at styro sa paligid tapos maalikabok pa. Nasaan ba ako? At bakit ako nakatali sa isang upuan.






Hindi ko maalala kung bakit ako napunta rito, last na naaalala ko ay nasa Vintage Bar sana ako eh. Gusto kong kumawala pero ang higpit ng tali sa kamay at paa ko. May duct tape rin ang bibig ko. Maliit lang ang bintana ng kwarto pero napansin kong ang taas na ng sinag ng araw.






What is happening? Who's behind this?





Biglang may pumasok na tatlong lalaking nakamaskara at naka-itim ng suot. Nakatingin lang sila sa akin pero ramdam kong nakangiti sila sa likod ng kanilang maskara.





"Ano ng plano boss?" tanong ng isang lalaki sa likuran.






"Hintayin nalang natin ang bayad, tapos papatayin na natin siya kinabukasan," tugon ng lalaking mas malapit sa akin.






So mayroon nga talagang taong may pakana nito? O---Okay lang 'yan Amaranthe, Mr. Sua will help you. Oh no, w--wait, where's my phone? Did I just--? Naalala ko na sinira ko ang phone ko kagabi at itinapon sa kung saan. BULLSHIT! Am I really going to die in here?






"Boss, katayin nalang natin ang katawan niya, bata pa 'yan, mabebenta pa ang mga lamang loob niyan," wika naman ang isa.






Sumisigaw na ako pero hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa duct tape. How am I going to survive in this situation? Nanginginig na ako sa takot, hindi ko mapoprotektahan ang sarili ko nito.






Rowss Save Me!!






"Manahimik ka!" hinampas ako ng lalaki nang napakalakas, at dahil nanghihina na ako, grabe ang epekto ng hampas niya na naging malabo ang paningin ko.






Umalis sila, lumabas, samantalang ako napaisip sa mga ginawa ko kung bakit nangyari sa akin ang ganito? What did I do to deserve this? Is my life really going to end? Ayaw ko pa naman sanang mamatay. Pero naalala kong namatay na ang puso ko simula kahapon. Nakakapanghinayang, unti-unti akong nagkaroon ng pagsisisi sa buhay ko, kung bakit naging selfish ako for 22 years, kung bakit sarili ko lang ang iniisip ko, kung bakit sinusuway ko ang mga magulang ko. I've come to realize that dad put me in here not to punish me like what I always thought, this wasn't a punishment after all, this was a reward, to have my own freedom and to learn from things.






Ang taas lang talaga ng pride ko, parati kong iniisip na ayaw kong matalo, na dapat masusunod lahat ng kagustuhan ko, but after what happened yesterday it was my first lost and loss, it was my first heartbreak, and it was my first time to give way of something just for the happiness of others.






Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang umiiyak. Kinagabihan, bigla akong hinagisan ng malamig na tubig sa buong katawan ko kaya nagising ako. Shet, sobrang lamig.






"Hoy, gumising ka na," wika ng lalaking nakaupo na nakapatong sa isang malaking kahon sa harap ko. He's still wearing a mask.






Pero wala na ang duct tape sa bibig ko kaya makakapagsalita na ako. "N-Nasaan ako?"






Tumawa siya, ang pangit ng pagkakatawa niya. "Mawawala na ang sabik kapag sabihan kita, handa ka na bang mamatay bukas ha?"






Hindi ako sumagot, napalingon-lingon ako sa paligid kung may madadaanan ako para makatakas. Pero isa lang ang pintuan, iyon ang malaking gate na nasa likod ng lalaki. Feeling ko maraming nagbabantay sa labas na mga kidnapper din.






"Sino ang may pakana nito? Sabihin mo!!" sigaw ko. Pero nag-uunat unat lang siya sa kaniyang leeg.






"May sasabihin ka ba sa mga minamahal mo?" aniya niya tapos nagsimulang kumuha ng video sa phone niya.






"Mister, hindi n'yo yata alam kung sino ang kinidnap niyo, hindi ba kayo natatakot na baka mas huling araw niyo na bukas kaysa sa akin? Ganito nalang, sabihin mo sa aking kung magkano ang ibinayad sa inyo ng taong may pakana ng lahat ng 'to," tugon ko.






"Sasabihin ko nga ba talaga?" tugon niya.






Tumahimik siya bigla habang pinaglalaruan ang kutsilyo niya. Sinamaan ko lang siya nang tingin. Pero nagsalita ulit siya. "Nagkakahalaga kang 50 milyon, ikaw na ang may pinakamahal na bayad sa lahat ng nadukot namin."






Nanlaki ang mga mata ko, "ANO?! 50 MILYON?! 50? SINGKWENTA?? Putang-ina, ganoon ba talaga ako ka cheap sa paningin ninyo kung kaya't singkwenta lang ang presyo ko? Kung tutuusin kaya kong higitan ang bayad na iyan, ano na? Bibigyan ko kayo ng isang bilyon basta papakawalan ninyo ako."






Tumayo siya. "Manahimik ka! Hindi mo ako madadaan sa ganiyan!" Lumabas siya.






Edi sayang lang, hindi pa naman sana ako umaatras sa isang kasunduan, mga bobo kayo na kidnapper, tssss.






Biglang sumakit ang puson ko, para na akong nasusuka pero hindi ako makasuka. Sa sobrang dami ng nainom ko kagabi parang hindi ko yata nailuwal iyon kaya ang asim ng sikmura ko. Hindi yata ako mamamatay sa kamay nila eh, mukhang mamamatay ako sa gutom.






Alam kaya nina lola na nawawala na ako? Hindi pa kasi ako umuuwi simula kagabi. Pero kahit na malaman nila hindi naman nila ako matutunton dahil wala ang tracker ko, ang phone ko na sinira ko kagabi dahil sa katangahan ko.







"Lola, Stephanie, sorry kung pinag-alala ko pa kayo," bulong ko. Napapangiti nalang ako habang naiisip kong nag-aalala na ngayon si lola dahil hindi pa ako nakauwi, naiisip ko ang mukha niya ngayon, tapos ang marupok ko namang pinsan ay malamang tawag nang tawag sa phone kong hindi na makontak.






Ipinikit ko ang aking mga mata habang umiiyak, umiiyak na naman, ang lamig ng gabi dahil basang-basa ang damit ko tapos nagugutom pa ako, wala na akong natirang lakas para makipag-suntukan sa mga kidnapper o kahit man lang igalaw ang bibig ko.






Natulog ulit ako, iniisip ko na sana panaginip lang ito lahat. Na sana sa pag-gising ko nasa isang malambot na higaan ako tapos pinagluto ako ni lola ng napakasarap na almusal.






Sana nga talaga panaginip lang ito lahat.






END OF CHAPTER 36.
ITUTULOY...

The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon