Amaranthe's POV
LUMIPAS ANG MAHIGIT ISANG BUWAN at napansin kong kakaiba na ang kinikilos ni Rowss. In fact, nagsimula na siyang maging cold sa akin. He won't call me anymore, hindi na rin niya ako sinusundo, like he's really changing from sweet Rowss into a stranger again.
"So lahat ng pinambili mo sa akin dati, sarili mong pera iyon?" tanong ni Stephanie. Nakarating nalang kami ng unibersidad, hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita. Halos isang buwan siyang ganito, hindi pa rin siya naka-move on sa pagkatao ko.
"Oo nga pala, speaking of Mr. Sua, kaya niya talagang manghack ng mga gadgets and everything? Ang cool naman nun pinsan, paano ka naman niya palaging namomonitor dito sa South eh hindi ba nasa North siya?"
Itinaas ko ang phone ko para mapansin niya. Sumagot ako na walang gana sa kaniya. "It's my phone, may tracker sa loob nito at nakikita niya lahat ng ginagawa ko rito sa South, siya ang pumoprotekta sa akin kapag nasa peligro ang buhay ko. Kontrolado kaming lahat sa sistema ng kompanya namin. Kaya nga minsan hindi ako gumagamit ng phone ko."
"Wow, hindi ko inexpect na relative pala namin ang may-ari ng DF, ang pinakamayaman sa bansa," dagdag niya.
Hindi ko maabsorb lahat ng pinagsasabi ni Stephanie dahil na-bother ako kay Rowss. "Pinsan, sa tingin mo nagbago ang pakikitungo ni Rowss sa akin?" tanong ko.
"Rowss? Speaking of.. he really did, hindi ko na napansin na magkasama kayo lately, may nangyari kaya?" Stephanie.
Naghiwalay na kami ng landas pagpasok namin sa loob ng school. Pagpasok ko sa classroom, wala pa si Rowss at sa tingin ko wala na naman siya ngayon. So I decided to look for Mr. Carter, ang prof na tumulong kay Rowss regarding his shortening of classes.
"Sir, nakausap niyo po ba si Rowss nung mga nakaraang araw? Hindi na kasi siya masyadong pumapasok sa school, could it be nagsimula na ang shortening of classes niya?" tanong ko.
Busy siya sa pagpipirma ng mga dokumento pero pinansin niya pa rin ako. "Actually Rowss canceled his shortening of classes due to personal reason daw, and I think he also said na hindi na siya mag-aaral simula next sem. Balita ko kasi malapit na ang succession day niya sa kompanya nila, and Rowss, I think Rowss doesn't need to study anymore since napansin naman natin na he was naturally intelligent talaga."
"What? Hindi na siya papasok next sem?" gulat na kompirma ko.
Bakit ganoon? Parang mas mauna pang mawawala si Rowss kaysa sa akin. What is really going on? Tawagan ko nalang kaya siya.
It took 10 minutes and 5 missed calls before he answered my call.
"Hello? Babe?" sagot niya.
Damn, I feel so happy hearing his voice. Narealize ko na namimiss ko lang siya kaya para akong praning kakahanap sa kaniya.
"Bakit hindi ka na pumapasok?" agad na tanong ko.
"Aaah---busy lang kasi ako sa trabaho babe, I need to prepare for the Ambassador's Party kasi," tugon niya.
"Where are you right now?" Ako.
"I'm at Twistolar, why?" Rowss.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...