Chapter 10: Young President

282 16 0
                                    


Rowss' POV





KINABUKASAN, gumising ako na sobrang sakit ng aking ulo. Marami nga ba talaga ang nainom ko kagabi? Bumababa na ba ang tolerance ko sa alcohol? Mojito lang naman yung ininom ko ah.





May kumatok sa pintuan. "Sir Rowss, pinapatawag ka po ni Madam." Malumanay na wika ng matandang boses. Si Manang Ema na yaya ko simula bata pa ako.




Dahan-dahan akong napamulat, sobrang bigat ng aking mga mata para maidilat ko nang husto. Ang huling naaalala ko lang ay nag-inuman kami nina Anastacia kagabi sa bar, wala naman sigurong nangyari pagkatapos nun hindi ba? Bumangon na ako't inayos ang sarili para sa almusal namin. Sinuot ko na ang asul na suit na inihanda sa akin ni Manang Ema kanina.





"Binatang binata ka na talaga Rowss, tingnan mo oh mukha kang isang ginoo na aakyat ng ligaw," wika ni Manang.





"Sa tingin mo ba manang kapag aakyat ako ng ligaw na ganito ang hitsura ko, sasagutin ba ako?" tukso kong tanong sa kaniya.





"Aba'y oo naman, sino ba namang dalaga na hindi magkakagusto sa'yo iho, nasa iyo na ang lahat," proud na proud pa siyang banggitin iyon.




"Si Manang talaga," ako.





"Sana nga makakahanap ka ng babaeng aalagaan ka't hindi ka iiwan Rowss, alam ko ang sitwasyon mo ngayon iho pero ang payo ko lang sa'yo ay piliin mo talaga ang taong sinisigaw ng puso mo, at maging masaya ka sa piling niya, isa lang ang buhay natin kaya huwag mo sanang itaya ang kaligayahan mo kapalit ng kaligayahan ng iba ha," Manang.




Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat, so grateful to have someone like her. "Opooo manang, don't worry."





Pumunta na ako sa dining room namin kung saan nakaupo na si mama, ngumiti ako at bumati sa kaniya. "Magandang umaga ma."





"Rowss, you will be joining your father later sa Chairman's Meeting sa kompanya ha, have you read this month's report already?" Mom.





"Yes mom, nakakadismaya nga sa part ko na hindi ko man lang natutulungan si dad sa mga problema sa opisina dahil busy ako sa pag-aaral ko," tugon ko.




Natahimik kami nang dumating si dad. "Huwag mo muna akong alalahanin anak, binigyan kita ng kalayaan na gawin ang gusto mo hangga't hindi pa tuluyan na ibinigay sa iyo ang kompanya, kaya lubus lubusin mo na." Nakangiti siyang sinasabi iyon. 





Sabay na kaming umupo at sabay na nag-almusal.




Sa gitna ng aming hapagkainan, bigla kong nabanggit ang tungkol sa ratings ng kompanya namin. I'm also curious. "Hindi ko lang inaasahan na babagsak ng ganoon ang sales ng kompanya, Dad, sabihin mo nga ang totoo sa'min kung ano ng kalagayan ng kompanya?"





Huminto sa pagkain si Dad at pati si Mom ay napatingin din sa akin.





"Anak, nasa hapagkainan tayo, mamaya na iyan," hinang sermon ni mama.





Pero pinigilan siya ni dad na parang sinabi niyang sasagutin niya ang katanungan ko. "Malapit ng mabankrupt ang kompanya Rowss, hindi na tayo ang pangatlong pinakamayaman sa bansa, iyan ang katotohanan," sagot ni Dad.






"A-ano?" Ako.





Umiwas na ng tingin si dad, I can't help but to jump over to conclusions.




The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon