Amaranthe's POV
AFTER THE MAJOR SUBJECT. Napasandal ako sa pader ng female's comfort room habang tinitingnan ang sarili. Malapit ko ng hindi napigilan ang panggigigil ko sa lalaking 'yon dahil ginawa pa naman akong katatawanan sa harap ng klase.
I don't want to flash it back, nakakahiya kasi.
Kung hindi lang para kay lola, kanina ko pa sana binugbog ang pagmumukha nun.
"Ikaw ang kauna-unahang taong hindi ko nagantihan Rowss Blaze Sanchez," I said furiously while glaring at the mirror.
Pumunta na ako sa cafateria para mag lunch, they have two cafeterias in this school, isa rito at isa roon malapit sa library at department ni Stephanie.
"Hi Amaranthe!" tawag ng pamilyar na boses. Ang gago na naman.
Umupo siya sa kabilang side ng table ko and he started talking to me na parang wala siyang ginawang kasalanan sa akin kanina. "Why does your name sounds so dangerous? Parang sa anong oras ay may bombang sasabog sa akin. Haha. Ehem. How about a nickname? Let's be more than friends from now on-- Babe.."
Napasimangot ako sa kaniya. He only decides everything for himself at dinamay pa talaga niya ako sa kalokohan niya.
"Ows, huwag ka naman ganiyan makatingin sa bagong boyfriend mo, Babe. Nakalimutan mo na bang girlfriend na kita simula nung activity kanina?"
Chill lang self. Hindi ka maaaring mag-eskandalo kahit pa gustong-gusto mo. This is all for lola, remember? Huwag kang papadala sa hayop na 'yan.
Pinagchichismisan na kami ng mga tao sa paligid namin. "Who in the world are you anyway? Are you a celebrity or just an attention seeker? Kulang ka lang talaga siguro sa sapak?" pang-aasar na tanong ko.
He smiled. "Good one, but I am both, it's unusual someone doesn't know me? Where are you from anyway? Are you living under a rock?" tugon niya.
"You don't know me either," tugon ko rin.
"Babe,--" pagsasalita na naman niya.
"I don't care kung sino ka pa, lubayan mo ako hangga't maaga pa," ako.
Tumawa lang siya sa akin na parang ipinapakita niya sa mga nanonood sa amin na we are having a very great conversation. Pota. "That's because pinahiya mo'ko kanina, at since inunahan mo, panindigan mo na, I'm already attached to you, and you have no right to go against me."
"Are you threatening me?" ako.
"Of course, ikaw lang naman ang kauna-unahang babaeng sumasagot sa akin," tugon niya.
"Ugh, nawawala na ang appetite ko sa mukha mo," tumayo ako't lumabas ng cafeteria.
"Hey babe! Wait!" tawag niya saka sumunod sa akin.
"You're really pushing it," isang tulak nalang sasabog na ako sa inis. Tapos siya naman ay ngumiti lang sa akin, ngiting pang-aasar.
Pero nahinto ang pagbabaga ng aura namin nang may tumawag sa kaniya, isang lalaki na may suot ng sash na president ng Commerce Department.
"Hey Rowss!" Lumapit siya sa amin.
"O Kade, what's up?" tugon ni Rowss.
"I heard the rumors, meron ka na ba talagang girlfriend?" tanong ng president.
"Yes, totoo," Rowss added. He then put his arms on my shoulder, proudly smiling at the president.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...