Amaranthe's POV
"Sino kayo?" Unang lumabas sa bibig ni Rowss paggising niya. Napakunot ang noo ko dahil nalilito ako sa pangyayari.
Nagtinginan kami ni Stephanie, hindi ko alam kung anong irereact ko, matatawa ba ako o maiinis.
"Nasaan ako? Sino ba kayo?" Ulit niya.
"Hindi mo maalala? Ako si Amaranthe," pagpapakilala ko.
"Amaranthe sino?" Tanong niya.
Kinabahan na naman ako. Ganito ba ang dapat maging epekto sa pagpapaka-hero mo Rowss? At ngayon, wala ka nang maalala? Ano pa bang kailangan mong mawala ha?
I knew it, isa lang akong burden sa buhay niya. Hindi na sana ito mangyayari kung hindi kami nagkakilala eh, sana sa ibang school nalang ako nag-aaral.
"Hindi mo ba talaga kami maalala Rowss?" Tanong ni Stephanie.
Napakamot lang ako ng ulo, trying to figure things out. Masaya na sana ako dahil gumising na siya pero bakit magiging ganito pa?
"Stephanie, tawagin mo ang doctor, sabihin mo gumising na si Rowss pero wala siyang maalala," utos ko.
"S-sige," tugon ni Steph at papalabas na sana ng pinto nang magsalita ulit si Rowss.
"Sinong Amaranthe? Amaranthe ba na girlfriend ko?" Dagdag niya.
Unti-unti akong napalingon sa kaniya. Binigyan niya ako ng ngiti habang nakatitig siya sa akin. At natatawa pa talaga siya sa prank niya.
Tumawa rin si Stephanie nang maintindihan niyang pinaprank lang kami ni Rowss. "Ano ba iyan Rowss pinapakaba mo talaga kami."
"Did you wait too long?" Rowss. He's still looking at me, pero ako naluluha na sa kaniya.
Talagang pinipigilan ko ang sarili kong maiyak sa harapan niya. Sobrang saya ko deep inside na okay na ulit siya. Sa halip napayukom lang ako at agad na binigyan ng suntok ang braso ni Rowss.
"Bwesit ka," react ko sa kaniya.
Pero ngumiti lang siya. "Nag-aalala ka ba babe?"
"I-I'll get the doctor ah, saglit lang," wika ni Stephanie at tuluyan ng lumabas ng room.
Nakatayo pa rin ako sa tabi ni Rowss at tinitigan siya. He then offered his hand to me. "Maaari ko bang mahawakan ang kamay ng babe ko?"
Shet. Nakakagaan nang makita ko ulit ang mga ngiti niya. Ang ngiting Rowss na palaging nangungulit sa akin. I can't explain this weird feeling inside me.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. At doon ako tuluyang umiyak para hindi niya makita. Naalala ko lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin, gusto ko siyang pasalamatan as well as sermonan pero walang niisang lumabas sa bibig ko.
"Sorry kung pinag-aalala kita, sa totoo lang hindi ko naman inaasahan na mag-aalala ka talaga sa akin eh," wika niya.
"I'm just glad you're okay now," tugon ko.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
Storie d'AmoreAmaranthe, Rowss, and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity yet he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good...
