Amaranthe's POV
IT'S SUNDAY pero feeling ko hindi ito chill day para sa akin. I'm wide awake so early in the morning. And just like last week, pumasok na naman si Stephanie sa kwarto ko bigla.
"Hoy babae, huwag mo sanang hintayin na i-lolock ko na ang kwarto ko ah, huwag kang sugod nang sugod sa kwarto ko nang napaka-aga." Singhag ko habang nakacross arm sa kaniya.
"You look wide awake though, anyway damayan mo nalang ako sa pagiging malungkot," tugon niya.
Tumabi siya sa akin sa paghiga at nagsimulang umiyak. "Ang sakit naman, iniiwasan na ako ni Lenz ngayon. Kapag nagkasalubong kami sa hallway, he just acts like we're strangers," wika niya.
"Stephanie, kung ganoon na ang lalaki sa'yo edi bitawan mo na, sayang lang ang ganda mo sa walang kwentang lalaking 'yon," ako.
Yumakap siya sa akin at nagpatuloy sa pag-iyak. "Tinatawanan na ako ng ibang tao dahil dito."
"Kaya nga," ako.
"Ano bang gagawin ko Ame?" Tanong niya.
"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Sabi ko ngang i-let go mo na siya, don't hurt yourself too much," ako.
Bigla ding pumasok si lola sa kwarto ko na nakasuot ng whole dress na pambahay. "Babaita, may bisita ka sa baba."
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Huh? Sino namang pupunta dito nang ganito kaaga? Papa-rehab ko talaga," react ko.
"Si Rowss," lola.
"Mas ipapa-rehab ko kung siya talaga," ako.
Bumaba na kami ni Stephanie at nandoon nga sa living room nakaupo ang lalaking my so-called boyfriend.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko habang humihikab.
"To ask you out, with lola's approval." Rowss.
"Sana all." Stephanie.
"Huwag kang pumayag 'la," sabi ko kay lola pero she just gave me a grin. Aba naman?
"Lola already agreed," Rowss.
Sinamaan ko ng tingin ang lahat, wala na akong kakampi sa bahay na'to. Umagang-umaga pa at Sunday sana pero hindi ako makakapag relax?
"Umalis na kayo," wika ni lola.
Napakunot ang noo ko kay lola, hindi ba pagbabawalan niya ako sa mga ganito pero ngayon parang itinatakwil na niya ako ah. At si Rowss naman inaabuso ang kabaitan ni lola. Ewan ko nalang kung anong mangyayari sa lowkey life ko.
Kinalaunan ay umalis na kami ng bahay habang ako naman ay nakasuot ng black mask.
"Bakit ka ba nakasuot ng black mask?" Rowss.
"Pake mo ba? Dahil gusto ko, isipin mo nalang na may ubo ako at ayokong mahawaan ka," ako.
Tapos dinala niya ako sa isang sikat na mall ng Central Zone dito sa south. Sa Central Zone kadalasang makikita ang mga kompanya na naging shareholders namin, mostly ay mga sikat na kompanya, at nandito rin ang isa sa paborito ko, ang building ng Twistolar Company.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...