iv. Perfect Timing

1.1K 71 10
                                    


"Sigurado kang dito mo patutulugin si Cas?"

Napatingin si No. 99 sa tabi niya. Nagbuntonghininga muna siya bago sagutin si Joseph na kasalukuyang nakatingin kay Cas na nakatulog na sa medical ward gawa ng gamot na ibinigay rito.

"She's hurting herself," sabi ni No. 99 at inilipat ang tingin kay Cas na namamaluktot sa hospital bed nito. "Exposed siya magulong environment at may sell shock pa rin siya until now. The Zordicks should have treated that earlier."

"Malala ba?" pang-uusisa ni Joseph dahil tunog delikado ang binabanggit ng kaibigan.

"May suicidal tendencies si Cas, mahirap ayusin 'yon, especially here, ang dami niyang trigger. Probably, disappointments and pressure did that to her."

"Kinausap ni Daddy yung Daddy niya. I don't know." Nagkibit-balikat si Joseph. "Naiintindihan ko naman kung ayaw mong maging ama ng magiging anak niya. Naiintindihan naming lahat."

Napatingin lang sa ibaba si No. 99 at nabalisa. Lagi niyang naririnig ang salitang iyon na naiintindihan ng lahat kung saan siya nanggagaling, pero ang taong gusto niyang makaintindi sa kanya ay hindi siya naiintindihan. At nangingibabaw ang katotohanang may sarili rin kasi itong dahilan na simbigat ng dahilan niya.

"Kung hindi ka papayag, tatanungin ko siya kung puwede ba ako," walang kaabog-abog na sinabi ni Joseph na nakapagbigay ng masamang timpla sa mukha ni No. 99. "It's just a kid. I can be a father to her child. Kaysa naman ibang tao pa ang ikainit ng ulo niya." Nilapitan ni Joseph si Cas at hinawi ang buhok nito na humaharang sa mukha.

Biglang tumalim ang tingin ni No. 99 kay Joseph na nakangiti lang kay Cas habang hinahagod ang buhok nito. "What about Anjanette?" tanong niya.

"Richard can be a good brother to Cas' child, if ever. He'll be here three years from now."

Napabuga ng hininga si No. 99 at napaisip nang mabuti. Matalik niyang kaibigan si Joseph Zach, pero pag si Cas na ang pinag-uusapan, wala na siyang tiwala rito.


****


Bagong umaga sa Citadel, at ang oras ng almusal ay oras ng almusal para sa ibang nagtatrabahong Superior sa loob ng Citadel. Minsan ay tatlo lang silang kumakain, minsan ay lima, dahil karamihan ng mga Superior at nagtatrabaho sa labas ng Citadel para sa mga external affair—mga kailangang makipag-usap sa iba't ibang organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo.

Bagong umaga at bagong mapupuna na naman kay Cas dahil kapansin-pansin ang benda sa braso niya. Hindi tuloy siya tinantanan ng tingin ng Fuhrer dahil hindi pa tapos ang atraso niya tungkol sa kawalang-galang kay Lady Li Xiao Ye sa oras ng meeting.

"Cassandra, pinairal mo na naman ba ang katigasan ng ulo mo?" pang-umagang sermon ni Adolf Zach at napagbalingan na naman si No. 99. "Ano ang inutos ko sa 'yo, Hwong Yoo-Ji? Nagampanan mo ba?"

Napatungo lang si No. 99 at tinanggap ang sermon ng nakatatanda sa mesa.

"Dad, aksidente lang—"

"Joseph Maximillian Zach, sinabi ko bang magsalita ka?"

"Pero, Daddy—"

Umalingawngaw ang tunog ng pagbaon ng butter knife sa mesa kaya't wala nang nagsalita pa sa mga sandaling iyon maliban sa Fuhrer.

"Patawad, Lord Adolf, kasalanan ko ang lahat," paghingi ng paumanhin ni No. 99. "Hindi ko nagampanan nang maayos ang tungkulin ko."

Ang rahas ng buntonghininga ni Joseph at naiinis na sumandal sa mesa niya saka tiningnan ang kaibigang panay ang panghingi ng tawad sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Napapailing na lang siya at napapaikot ng mata. Naiinis talaga siya kapag nasesermunan sila sa mga bagay na wala naman sa kanila ang ginustong mangyari iyon.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon