lvii. Playground

814 70 23
                                    

May kanya-kanyang paraan ng pagmamahal ang mga magulang sa mga anak nila, at sinasalamin ng mga haligi ng Citadel kung paano nila salungatin ang batas, mapabuti lang ang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Kahit pa hindi sila naroon para sa pamilya kundi para sa trabaho lamang.

Hindi naiintindihan noon ni Cas kung bakit sinabi ni Xerez na kayang isugal ng Fuhrer ang mundo para lang kay Joseph Zach dahil bilang siya na nagmamahal dito ay buhay lang niya ang kaya niyang isuko. Iniisip niyang paano iyon gagawin ng Fuhrer samantalang ito mismo ang kumokontra sa lahat ng gusto ng anak nito. Na hindi lang daw nila ito naiintindihan kaya nila iyon nasasabi.

Noong nailuwal niya ang anak, doon niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin niyon. Kung kinakailangan niyang patayin ang lahat ng gagalaw sa anak niya, gagawin niya kahit sino pa ang mga iyon sa mundo. At ang hindi niya naiintindihan noon na ginagawa nito ay siya ring ginagawa niya ngayonm

Sila lang ni Joseph Zach ang nagkakaintindihan sa Citadel. Alam nito kung gaano kasakit sa kanya ang paglayo ng mag-ama niya. Ngunit si Joseph na rin ang nagsabing naiinggit ito kay No. 99. Dahil kung maibabalik lang niya ang oras ay gagawin niya ang ginawa nito. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag ang sitwasyon at ano ang iisipin sa kanya ng anak niya. Pakiramdam niya, pinabayaan niya ito dahil lang inisip niyang wala siyang magagawa kahit mayroon naman pala.

"Kumusta pala si Ricardo?" mahinang tanong ni Joseph habang binabaybay nila ni Cas sa kalagitnaan ng gabi ang kakahuyan sa Vorotta IV kung saan may daan patungo sa gubat na karugtong ng teritoryo ng mga Hwong.

"Nalaman ni Thompson ang modus ni Anjanette," balita ni Cas habang tutok-tutok sa madahong lupa ang maliit niyang flashlight. "Maayos naman yung anak mo. Matalino. Nagtatrabaho yung bata."

"Nagtatrabaho?" gulat na tanong ni Joseph dahil aapat na taon pa lang ang anak niya para magtrabaho.

"Binabawi ni Thompson si Ricardo. Ginagamit ni Anjanette yung anak mo sa trabaho niya. Hindi yata nagustuhan ni Thompson na sinisindikato yung bata."

Sumabay sa daluyong ng malamig na hangin ng gabi ang buntonghininga ni Joseph. Apat na taon pa lang ang anak niya.

"Paanong magtatrabaho yung bata, Cas?" maluha-luhang tanong ni Joseph na naghalo na ang inis sa sitwasyon at sa sarili. "Ano'ng alam n'on?"

"Exactly," nanatili ang kalmadong tinig ni Cas. "Walang alam ang bata. Utusan man siya ni Anjanette, ang iisipin niya, iyon ang tama. She's conditioning your son to do bad deeds. Mas malala pa siya sa ama ko."

Napakamot tuloy ng batok si Joseph dahil ang alam niya ay nasa mabuting lagay ang anak niya. Bigla tuloy siyang nainis sa napangasawa niya. Kung ano-anong kabulastugan ang ginagawa sa anak nila.

"Don't worry, kinausap ko si Anjanette. Nagpadala ako ng Guardian na babantay sa kanila hanggang kunin next year. I made a deal with Thompson about that. They're safe."

"Ah, thank you so much, Cassy. You're the best." Nayakap niya ang kaibigan sa kanang gilid nito at siya na ang humablot sa dala nitong flashlight para mauna.

Hindi na nila napag-uusapan ang tungkol kina No. 99 at sa anak ni Cas dahil talagang mas masuwerte ang mag-ina kompara sa lagay ng mag-ina ni Joseph. Kahit paano ay nababantayan ni Cas ang lahat ng balita sa anak niya. Alam niya kung kailan may sakit, kung nasa maayos ba, kung malusog, o kung nabibigyan ba ng kompletong bitamina.

"Hindi ba unfair sa 'yo na tinutulungan mo 'ko ngayong makita ang anak ko?" usisa ni Cas habang nakatingin sa likuran ni Joseph. "Puwede mo namang gawin ito sa mag-ina mo kung gugustuhin mo lang."

Nakarinig si Cas ng mahinang tawa kay Joseph. "Natatakot na nga akong makita ang anak ko. Baka bigla akong umiyak. Malay ko ba, baka bigla akong itakwil, napakawalang kuwenta ko pa naman."

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon