xxxiv. Third Party

620 66 36
                                    

Nagdaan ang tanghalian at hapunan na kaswal lang ang pakikitungo nina Cas at Joseph sa isa't isa—bagay na ikinataka ng Fuhrer at ni Xerez dahil ang tanging napag-usapan lang nila sa mesa nang malapit na silang matapos sa pagkain ay tungkol sa hindi naman mabigat na bagay.

"Daddy, gusto ni Cas ng mesa sa gazeebo ni Mamá," sabi ni Joseph, parang batang humihingi ng laruan sa ama niya.

Ang lalim ng buntonghininga ng Fuhrer at tiningnan ang anak na tila ba gusto niya itong batuhin ng upuan sa mga sandaling iyon. "Kung maglalatag kayo ng mesa, bakit ipinagpapaalam pa sa akin? Ako pa ba ang paglalatagin ninyo?" naiinis na singhal ng Fuhrer at itinapon sa hapag ang table napkin na ipinunas sa bibig.

"Nagpapaalam lang kami, baka kasi ipaalis mo," sarkastiko ring tugon ni Joseph sabay paikot ng mata. "Mahilig ka pa namang manguha ng kasiyahan ng iba."

"Ikaw na bata ka, nasa talampakan ba napunta 'yang utak mo at nakikipagtalo ka lagi sa akin tungkol sa walang kakuwenta-kuwentang mga bagay?"

"I'm just asking if we can put a garden table in Mamá's gazeebo, Dad! We're sitting on a freaking marble floor every time! Kontrabida ka talaga kahit kailan, nagpapaalam lang e!" Mabilis na inubos ni Joseph ang kinakain niya saka itinuon ang paningin kay Cas. "Magpapahanda ako ng mesa sa gazeebo bukas. Gagawin kong sampu."

Palipat-lipat ang tingin ni Cas sa mag-ama. Gusto na niyang matawa dahil kung tingnan ng Fuhrer si Joseph Zach ay parang gusto na nitong ibato ang lahat ng plato sa anak.

"Umalis ka na nga sa harapan ko, Joseph Maximillian. Baka makalimutan ko pang anak ka ni Velari sa akin," naiinis na sinabi ng Fuhrer. "Xerez, palagyan mo na ng mesa sa gazeebo para matahimik na 'to."

Yumuko lang nang bahagya si Xerez at umalis na sa posisyon niyang pagbabantay para lang gawin ang inutos ng Fuhrer.

Lumipas ang maghapon na ang tanging lumalabas sa bibig ni Joseph Zach at naririnig ng mga Guardian ay tungkol sa mga reklamo nito tungkol sa mesa sa gazeebo, tungkol sa natutuyot na halaman sa hardin, tungkol sa pagdaragdag ng tanim na chamomile sa hardin ni Velari Vereh dahil iyon ang kadalasang tsaa nila sa Citadel, tungkol sa pagiging maganda ang mga babaeng Guardian na nakakasalubong nila, at ang pakikipagtalo nito kay Ara sa isa na namang walang kakuwenta-kuwentang bagay.

At walang umalingawngaw na kahit anong mahalagang detalye ukol sa kontrata o kahit sa kasunduan na kailangan niyang bigyan ng anak si Cas.

"Hindi ko talaga alam kung anong umiikot sa ulo ng batang 'yon," naiiritang sinabi ng Fuhrer habang panay ang tuktok ng dulo ng fountain pen niya sa sinusulatang papel. Lumipas ang hapunan at nakabalik na sila sa kanya-kanyang gawain ngunit ni isa sa inaasahan nila ay hindi pa nila nararamdaman ukol sa dalawa.

Napangiti na lang si Xerez habang nakatingin sa kaibigan. "Madali lang sa iyong bumasa ng isipan ng tao, Adolf. Nahihirapan ka ba sa anak mo?"

"Walang laman ang utak ng batang 'yon. Paano mo ako pababasahin ng wala?"

"Masama ba ang loob mo dahil hindi sineseryoso ng anak mo ang mga pangyayari?" nang-uusisang tanong ng Guardian

Napahinto sa pagtuktok ng dulo ng panulat ang Fuhrer saka inilipat ang tingin kay Xerez. Biglang dumilim ang timpla ng mukha niya at kababakasan na hindi niya gusto ang nangyayari. "Kilala ko ang batang 'yon. Mas delikadong mag-isip si Yusaf kapag hindi siya nababasa. Bantayan mong maigi. Ayokong biglang magkagulo rito dahil sa kanila ni Cassandra."



*****



Alas-diyes ng gabi, kadalasan ay naghahanda na ang lahat para sa pagpapahinga at ganoon nga ang ginagawa nina Cas at Joseph.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon