Halatang nauumay na sa mukha ni No. 99 ang doktor sa medical facility ng Fuhrer dahil naroon na naman sila ni Cas, at kung makakrus ito ng braso habang kaharap niya ay bakas na inabala sila nito sa maling oras.
"Yoo-Ji, hindi naman kailangang dalhin mo nang dalhin si Cassandra dito tuwing magkakaganito siya," sermon sa kanya ng may-edad na babaeng doktor.
"I'm preventing a possible self-harm, Geneva," katwiran ni No. 99. Sinulyapan niya si Cas sa kabila ng salaming bintana. Kinakausap ng nurse habang binibigyan ito ng inhaler.
"Iniinom naman niya ang maintenance niya. Kahit paano, nabawasan na ang mga breakdown at self-harm niya ngayon. Hindi mo kailangang mag-alala nang mag-alala."
Ang lalim ng buntonghininga ni No. 99 habang nakatingin lang kay Cas na pinakakalma ang sarili. Matapang naman si Cas, pero ilang beses na nga itong napaiyak ng Fuhrer sa walang kakuwenta-kuwentang mga bagay.
"Bakit naman hindi ako mag-aalala kung bigla-bigla na lang, sasaksakin niya ang sarili niya dahil lang naiinis siya. Tama ba 'yon? Hihintayin ko pa ba 'yon?"
Napakamot tuloy ng ulo ang doktor. Tumango-tango na lang ito para sabihing naiintindihan na niya ang lalaki. Hindi rin naman maiiwasan iyon ngunit hindi naman nila alam kung dahil ba sa tungkulin nito ang dahilan ng pag-aalala, o may higit pang dahilan na labas sa trabaho nitong protektahan si Cas.
"Intindihin mo na lang, Yoo-Ji. That was her way of coping up from emotional pain, or intense anger, or frustration either," paliwanag ng doktora. "Alam mo kung saan siya galing, at inalis mo siya sa environment niya. Ngayon pa lang siya nag-a-adjust sa bagong sorroundings. When she's upset, she do her missions—"
"She do her missions at umuuwi siyang bugbog-sarado at duguan. Kaya ko nga pinagagamot, di ba? Hindi puwedeng mabubuhay siyang puro gano'n. Wala ritong misyon na kailangan niyang masugatan, bakit ginagawa niya 'yon sa sarili niya? Hindi pa nga gumagaling yung naunang sugat niya, padadagdagan ko pa?"
Pilit na pilit ang ngiti ng doktora at napailing na lang. Kalaunan ay sumuko na rin ito sa usapan nila dahil alam naman ni No. 99 ang dahilan ng gamutan ni Cas. Nagkataon lang na masyado na itong paranoid tuwing dinadalaw ng matinding emosyon ang dating asawa.
Walang ibinigay na iinuming gamot kay Cas at binigyan lang ng kaunting inhaler na hinaluan ng mababang dosage ng stabilizer kaya lumabas itong kalmado na at bahagyang lutang gawa ng naamoy.
Tahimik lang si No. 99 habang nakaalalay sa balikat ni Cas papalabas ng medical facility. Magagaling naman ang mga doktor ng Fuhrer at nagpapasalamat siya dahil naiintindihan ng mga ito ang dahilan ng parating ipinupunta roon. Alam din niya na nire-record sa opisina ng Fuhrer kung sino-sino ang mga nagpapagamot sa sarili nitong pagamutan sa loob ng Citadel, kaya alam na niyang ayos lang sa Fuhrer na doon sila parating pumupunta.
Malawak sa hardin ng Matriarca, at sapat na ang mga bulaklak doon para pagaanin ang pakiramdam ni Cas. Doon ang madalas na tambayan nito tuwing nalulungkot o kapag malalim ang iniisip. At mas mabuti na iyon para kay No. 99 dahil ayaw niyang nagkukulong si Cas sa kuwarto nito at doon naglalaslas ng sarili.
Matapang si Cas tuwing nilalaban nito ang sariling buhay, ngunit may mga pagkakataong traydor ang araw, lalo na ang gabi. Sa mga ganoong oras ito dinadalaw ng mga sariling demonyo sa isipan at gumagawa ng mga bagay na makakasakit dito. Kung hindi iinom ng kung ano-anong droga, maghahanap ng paraan para makaramdam ng pisikal na sakit.
Iyon ang mga bagay na hindi kahit kailan matatanggap ni No. 99 sa isipan bilang isang taong mas gugustuhin na lang patayin ang taong ayaw na palang mabuhay. Mas naging pahirap pa dahil siya ang tipo ng taong sanay na sanay magbigay ng dahilan para mamatay ang isang tao. Naging malaking dagok sa kanya na bigyan ng dahilang mabuhay ang taong dahilan kung bakit ayaw pa niyang mamatay.
BINABASA MO ANG
The Backup Plan (Book 13)
RomanceThe BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang ibang maisip na magiging ama ng anak niya kundi ang ex-husband niyang si No. 99-isang highly-classifi...