xliv. Sparring

654 72 51
                                    

Tatlong linggo na ang nagdaan sa bagong taon sa buwan ng Enero at hindi na alam ng Fuhrer kung matutuwa ba siya o kakabahan dahil sa trabaho nina Joseph, Cas, at No. 99. Noong sinabi ng anak niya at ni Cas na magpapasok sila ng pera sa Citadel, inisip niyang sa una lang iyon at katatamaran na rin kalaunan. Hindi lang niya inaasahan na makalipas ang tatlong linggo matapos ang kontrata ay hawak na ng tatlo ang malaking bahagi ng perang pumapasok sa Citadel.

Si Joseph Zach ang bahala sa external affairs. Si Cas ang sa finance and accounting. Si No. 99 ang sa procurement. Opisina ng Fuhrer ang sa final approval at si Xerez ang taga-implement sa
panig ng Citadel.

"Lord Adolf, bukas na ang balik dito ni Yusaf ayon kay Dion," balita ni Xerez pagkalapag niya ng patong-patong na folder sa mesa ng Fuhrer.

"Sa darating na linggo na ang meeting. May masasabi ka?" tanong ng Fuhrer sa Centurion. Hindi man lang inangat ang tingin o nilubayan muna ang sinusulat.

"Mag-aabang na lang ako ng susunod na magaganap. Ayokong pangunahan ang iba."

Nagbuntonghininga na lang ang Fuhrer dahil sa lagay na iyon ay nakadepende na sa tatlo ang buhay ng mga ito. At sa lagay na iyon ay wala na siyang magagawa pa.


Samantala, sa opisina ni Cas . . .

"You need to come with me, Cassandra."

"Ayoko nga, tinatamad ako," naiiritang sinabi ni Cas habang patuloy lang sa paglipat-lipat ng pahina sa binabasa niyang mga papeles.

"Doon lang tayo pupunta sa West. Hindi ka naman maglalakad."

"Ikaw na lang. Isama mo si Ivan."

Napakrus ng mga braso si No. 99 dahil kanina pa niya pinipilit si Cas na sumama sa kanya sa West gym ng Citadel pero panay naman ang tanggi nito.

"Lumabas ka na, baka ma-late ka pa sa training." Nagmuwestra pa si Cas na tinataboy ang lalaki paalis.

Walang gana si Cas na magtrabaho sa araw na iyon. Araw-araw kung tutuusin. Hindi na niya pinabalik si No. 99 sa kuwarto niya sa Citadel, at hindi rin naman ito bumalik o pinilit na bumalik. Iyon nga lang, siya pa rin ang dumadalaw sa bahay nito gaya ng lagi niyang ginagawa. At gaya rin ng laging nangyayari, tulog siya habang gising ito at nagbabantay.

"Sasabihin ko kay Ara na tawagan ako kapag kailangan mo ng tulong," huling paalala sa kanya ng dating asawa bago lumabas ng opisina niya.

"Oo na, lumayas ka na."

Eksakto namang pagpasok ni Ara nang makalabas ang lalaki. Yumuko ito at lumapit sa office table niya para maglapag doon ng mga folder na bagong dating.

"Milady, sinabi ni Mr. Hwong na tawagan siya kapag kailangan ninyo ng tulong," paalala ni Ara na ikinaikot ng mata ni Cas dahil iyan din ang huling sinabi nito bago lumabas.

"Oo na nga sabi." Tinuktok ni Cas ang dulo ng fountain pen niya sa mesa habang nangangalumbaba.

"Doon lang daw sila pupunta ni Lady Li Xiao Ye sa West para mag-ensayo."

Biglang napahinto sa pagtuktok ng pen si Cas at gulat na napatingin kay Ara.

"Sino?!" galit na sigaw ni Cas.

Isang buwan na ring nasa Citadel si Lady Li, at talagang kitang-kita ni Cas kung paano ito katuwaan ng halos lahat ng taga-Citadel. Palangiti na tila ba napakagandang mabuhay sa mundo. Hindi niya ito nakitang walang makeup. Pero kahit walang makeup ay panigurado siyang maganda pa rin ito. Lagi lang itong nakasuot ng dress-iyong klaseng hapit na bakat ang lahat ng babakat sa katawan nito at minsan ay maikli pa. Etiketa ng mga Guardian ang ipinagpapasalamat niya dahil walang Guardian ang nagtangkang mamboso rito tuwing yuyuko ito at halos ipakita na ang hindi naman dapat ipakita.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon