Epilogue

1.2K 101 60
                                    

"Isa lang ang kaya kong protektahan sa lugar na 'to."

Napakahirap pumili kung higit pa sa isa ang mahalaga. Para kay No. 99, hindi niya pinagsisisihang pinili niya ang anak kahit pa mawala sa kanya ang lahat ng taon na pinaghirapan niyang makuha.

Kung gaano kabagal ang bawat araw ay siya namang simbilis ng kanilang mga taon.

“Evari, magkikita ulit kayo mamaya ng mama mo," paalala ni No. 99 sa anak na binibihisan niya ng pulang bestidang suot din nito noong nakaraang kaarawan. Mahilig ang Fuhrer sa asul at ginto. Tanda ng karangyaan sa pamilya. Iyon nga lang, pula kasi sa kanila ang simbolo ng karangyaan. Kaya kahit pulos asul at puti ang nasa damitan ng anak niya, bilang kaarawan nito, pinili pa rin niya ang namumukod-tanging pulang damit na mayroon sa tokador ng bata.

"Evari, say Mama." Lumapit siya sa mukha ng bata at tinuruan itong sabihin ang lalabas sa bibig niya. "Ma . . . ma."

"Ma . . . ma!" masaya namang paggaya ng bata sa salita ng ama.

"Good," ani No. 99.

"Gud!"

Natawa siya sa paggaya nito at mabilis na hinalikan sa noo ang anak.

Isang magandang umaga na naman ang bumungad sa mag-ama. Ikalawang taon sa dulo ng Eastern Wales, at parating na naman ang mahalagang araw para sa kanilang pamilya.

May dadalaw na Superior sa Wales, at napagsabihan na siyang magsuot ng uniporme ng mga Guardian. At dahil kailangan niyang sumunod, napilitan siyang magpagupit ng buhok sa malinis na ayos. Mas maikli sa nakasanayan, malinis ang mga gilid, pantay ang ilalim ng batok, at nakasuklay palikod ang buhok na nilagyan ng wax para manatiling nakaganoon hanggang matapos ang pagbisita.

Inayos niya sa harap ng body mirror ang itim na necktie sa suot na black suit bago isinuot ang salamin niya sa mata.

"Come here, young lady," sabi niya sa anak nang buhatin ito at titigan nang mabuti. Napapangiti na lang talaga siya kapag nakikita ang mukha ng anak. "Hmmm!" Kinagat niya ang matambok na pisngi nito para panggigilan.

Pinakamasarap talagang tunog na narinig niya sa mundo ang bawat hagikhik nito. Handa siyang ipagpalit ang kahit anong posisyon niya sa trono para lang sa ngiti at tawa ng babaeng anak niya.

"Appa!" pagtawag ng bata habang pumapalakpak. "Appa!"

May paparating agad na Guardian sa direksiyon nila paglabas ng bahay.

Yumukod ito at yumukod din siya. Kahit ang bata ay nakiyukod din para gumaya.

"Ipinabibigay ito ng Fuhrer mula sa opisina niya." Inilapag na naman nito sa harapan ng bahay ang malaking kahon. Alam na ni No. 99 na damit ang mga laman niyon.

"Salamat," simpleng tugon ni No. 99 at pinanood na lang na umalis ang Guardian.

Ikalawang taon na ngunit ang tanging nagpapadala lang ng regalo sa mga nakatatanda ay ang Fuhrer. Walang regalo mula sa mga Hwong o mga Zordick.

"Evari, don't," saway niya sa anak dahil hinihila ang necktie niyang paulit-ulit niyang ibinabalik sa ayos.

"No. 99," pagtawag ng panibagong Guardian at yumukod para bumati. Yumukod din siya at kahit ang anak ay nakiyuko rin.

Sumulyap si No. 99 sa likuran nito kung may kasunod ba o wala.

"Mula sa opisina ni Lady Li Xiao Ye," sabi nito na nagpawala sa pag-asa niya. Akala niya ay Guardian na ni Cas.

Iniabot nito sa kanya ang isang pabilog na lalagyan na sinlaki lang ng isang plato.

"Salamat," tipid na tugon ni No. 99 at pinanood na namang umalis ang Guardian.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon