"Di ba, binalaan na kita?"
Duro-duro ni No. 99 si Lady Li na ngiting-ngiti naman habang kagat-kagat ang hintuturo niya. Kahit si Joseph ay natatawa na lang din sa nangyayari. Akala pa naman nila, nagsasabunutan na ang dalawa, may iba na palang ginagawa sa waiting shed.
"Kapatid, easy ka lang!" natatawang pag-awat ni Joseph sa kaibigan at pumagitna na rito. Pilit niyang pinipigilan si No. 99 sa paglapit kay Lady Li. Tulak-tulak na niya ang balikat nito para hindi magpang-abot ang dalawa. "Ang importante, hindi sila nagsasakitan, di ba?"
"Yusaf, isa ka pa!" bulyaw ni No. 99 sa kaibigang tawa lang tawa. "Nakita mo'ng ginagawa niya kay Cassandra?!"
"They just love each other! Walang masama roon!"
"Oo nga," gatong pa ni Lady Li at naibaba ni No. 99 ang tingin niya nang katawan naman ni Joseph ang nililingkis nito. Nakasilip pa ito sa bandang kili-kili ng lalaki at doon ipinakita ang nang-aasar niyang ngisi. "Love ko kaya si Cassandra."
"Walang tangang maniniwala sa 'yo!" singhal agad ni No. 99 na halos maglabasan na ang litid sa leeg habang pinandidilatan ng mata si Lady Li.
"Hwong Yoo-Ji, kumalma ka nga!" depensa agad ni Joseph habang hawak ang kanang kamay ni Lady Li na umiikot sa dibdib niya at ang isa niyang kamay ay itinutukod sa balikat ng kaibigang mukhang handa nang pugutan ng ulo ang babaeng dinedepensahan niya. "They're just having fun!"
"They're making out, Yusaf!"
"Uh—well . . ." Napaisip pa si Joseph kung paano dedepensahan ang tungkol sa halikang naganap sa pagitan nina Cas at Lady Li. "Ang importante naman, safe silang dalawa, di ba?" Sinilip niya si Cas na nananahimik sa likuran ni No. 99. " Di ba, Cas?" Ibinalik niya ang tingin sa kausap. "Ang mahalaga, nagmamahalan tayong lahat!"
"Yusaf, ikaw, kanina ka pa, ha." Si Joseph na ang naduro ni No. 99 dahil pinipilit pang mag-abogado kay Lady Li.
"Bakit ka ba nagagalit? Hiwalay na kayo, di ba?" pang-asar pa ni Lady Li habang pababa na ang kamay sa belt ni Joseph.
"Aba, talagang—!"
Bago pa makaabante si No. 99 at itinulak na siya nang marahan ni Joseph. "Kapatid naman, babae 'yan."
"Wala akong pakialam!" nandidilat na sinabi ni No. 99 at umabante naman.
"Uhm—" Sa pagkakataong iyon ay malakas nang naitulak ni Joseph si No. 99 at seryoso nang tiningnan ang kaibigan. Kahit si Lady Li na pababa na sana ang kamay sa zipper niya ay napalayo agad dahil biglang tumaas ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. "Bakit ka ba nagagalit?" nagagalit na ring tanong ni Joseph. "Hindi naman sinaktan si Cas, a? Si Cassandra pa nga yung nasa ibabaw ni Xiao Ye, bakit si Xiao Ye ang kinagagalitan mo?"
"Kahapon pa niyan pinag-iinitan si Cassandra!"
"Wala akong ginawa kaya Cas," katwiran agad ni Lady Li na nagpapaawa na. "Di ba, Cas?"
Nag-abang naman sila ng sagot kay Cas ngunit nanatili lang itong tahimik. Kahit si No. 99 ay hindi na iyon nadepensahan pa.
"Argh!" Malakas na suntok lang ang nagawa ni No. 99 sa metal pole na nasa kanto ng waiting shed at shooting area. Doon na lang niya nailabas ang inis niya sa nangyayari dahil napagtutulungan na siya. Napatingin silang lahat sa pole na bumaon ang solidong kamao ni No. 99 at humulma na roon ang bakas ng mga daliri nito. Dinuro na naman niya si Lady Li at mababa na ang tono nang magbabala.
"This is my last warning to you, bitch. Leave Cas alone or I'll do everything to throw you out of this place. Huwag mo 'kong hahamunin."
Hinatak na naman ni No. 99 ang braso ni Cas palabas ng gun range.
BINABASA MO ANG
The Backup Plan (Book 13)
RomanceThe BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang ibang maisip na magiging ama ng anak niya kundi ang ex-husband niyang si No. 99-isang highly-classifi...