Ikalimang araw na wala si No. 99 at gibang-giba na ang harang ng kumpiyansa nina Cas at Joseph laban sa mga magulang nila. Nasa Matriarca na naman ang dalawa at nakatanaw sa langit habang naghihintay ng tanghalian. Araw ng Kapaskuhan at sa dating tirahan ni Cas, sa ganoong araw ay dinig na niya ang ingay sa uptown dahil sa kaliwa't kanang selebrasyon. Kapag ganoong araw din, binubulabog siya ni Joseph Zach at nireregaluhan siya ng kung ano-anong hindi naman niya kailangan, dahil sabi nga nito, nagdiriwang ito ng Pasko.
"Miss mo na si Yoo-Ji?" pang-iintriga ni Joseph habang nakatukod ang magkabilang palad sa marmol na sahig ng gazeebo at nakaliyad nang bahagya patingin sa langit.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?" naiiritang tugon ni Cas. "Kagabi pa kita napapansin. Sabi mo, babalitaan mo 'ko. Nasaan na yung balita mo?"
Matunog ang buntonghininga ni Joseph at walang ano-ano'y nahiga sa kandungan ni Cas.
"Hoy—Yusaf!" Hahampasin na sana ni Cas ang lalaki ngunit sinalo lang nito ang kamay niya.
"Nakikita ba tayo ni Madame Yula?" mahina nitong sinabi kaya natigilan si Cas at napasulyap kay Ara na nagtitingin-tingin ng mga bulaklak sa dulo ng hardin.
"Bakit?" mahinang tanong ni Cas at bahagyang yumuko para magkaintindihan sila ng kausap. "Ano na namang narinig mo?"
"Itutuloy nila yung kontrata sa pagitan namin ng daddy mo." Hinawakan niya ng magkabilang kamay ang kamay ni Cas at parang batang pinaglaruan ang mga daliri nito.
"Ikakasal tayo?" takang tanong ni Cas.
"Nag-revise si Daddy," may lungkot na sagot ni Joseph. "Bibigyan lang daw kita ng anak. Para lang hindi pag-initan ng guild ang mga Hwong." Nagbuntonghininga na naman si Joseph saka pinitik-pitik ang dulo ng bawat mahahabang daliri ni Cas.
"Anong sinabi mo?"
"Pumayag ako—aray!" Nabitiwan niya ang kamay ni Cas para hawakan ang noo niyang pinitik nito.
"Pumayag ka nang hindi ako kinokonsulta?!"
"Ssshh!" Tinakpan agad ni Joseph ang bibig ni Cas sabay lingon kay Ara na nakatingin na sa kanila. "Madame Yula, maaari mo ba kaming ikuha ng tsaa!" sigaw niya sa Guardian Decurion. Yumuko lang ito mula sa malayo saka umalis. Binalikan agad ni Joseph si Cas.
"Ayaw sa 'kin ni Daddy para sa 'yo. Alam nating lahat 'yon. But come to think of it. Kung hindi malala ang problema, hindi niya ako pipiliin para dito," katwiran ni Joseph.
"Nag-usap na kami ni Yoo-Ji tungkol dito," paliwanag ni Cas habang pinupunasan ang bibig niyang hinawakan ng lalaki. "At ayaw niya sa 'yo gaya ng pagkaayaw niya kay Arthur."
"But let's admit it. Arthur is a fine man."
"He is," pagsang-ayon ni Cas. "And if Yoo-Ji is here, I'm sure he'll change his mind. Arthur's getting married before this year ends, and he used my threat yesterday to avoid my father's stupid bethrotal between us."
"Ooohh . . ." Napanguso si Joseph at tinitigan ang mukha ni Cas mula sa puwesto niya sa kandungan nito. "Di ka raw niya type."
"Pakialam ko naman diyan." Biglang irap si Cas at itinukod ang mga palad niya sa sahig sa magkabilang gilid.
Napangisi agad si Joseph. "Sa kuwarto mo na ako matutulog mamayang gabi. Wala akong choice."
Umirap na naman si Cas, walang isinagot.
"Ayaw mo 'kong katabi?" parang batang tanong ni Joseph, naglalambing.
"Ayoko sa 'yo mula pa noon."
"Pero nagalit ka noong nagpakasal ako sa iba."
"Dahil paasa ka. Kung puwede ka lang patayin, ginawa ko na."
BINABASA MO ANG
The Backup Plan (Book 13)
RomanceThe BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang ibang maisip na magiging ama ng anak niya kundi ang ex-husband niyang si No. 99-isang highly-classifi...