Special Chapter

1.5K 102 93
                                    


Alam kong nabasa na ito ng mga nakaabot sa lumang version nito sa Wattpad. Enjoy reading po ulit. Dito ko na lang ito ilalagay. ^_^


------


NASA LOOB SIYA ng isang kuwartong kulay pula ang ilaw at madilim na sa kabuuan. Mataas ang temperatura sa loob at ang tanging ventilation lang ay ang ceiling fan na gawa sa magandang klase ng kahoy. Nakapalibot sa lugar na iyon ang mga babaeng nakahubad at sumasayaw sa saliw ng isang nakapang-aakit na musika. Nakaupo lang siya sa isang dining chair habang kumakain ng tanghalian. Kalmado lang siya roon habang nilalasap ang masarap na steak na nalulunod sa masarap na sauce. Nakakadena ang mga paa niya at nasa gitna ng electric fan ang susi ng kandado upang makatakas. Samantalang nasa labas ng kuwartong iyon ang ilang Guardian na binabantayan ang silid kung sakali mang makalalabas siya.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya natapos sa kinakain. Matapos punasan ang bibig gamit ang malinis na table napkin ay tumayo na rin siya upang umalis. Ngunit pagtayo ay biglang gumalaw ang kadena at hinatak siya patiwarik. Halos bumalik sa bibig niya ang kinain dahil sa nangyari.

Subalit walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya. Kalmado pa rin at walang ibang nasa isip ay makatakas doon. Itinuon niya ang tingin sa umaandar na ceiling fan. Kailangan niyang kunin ang susi na nasa gitna niyon. Ngunit isang metro ang layo niya sa electric fan kaya paano siya makakaalis?

Kinapa niya ang bulsa ng suot na black trouser. Nakakuha siya ng maliit na tela at ang pocketwatch niya na may gintong kadena na nakakabit sa sukbitan ng belt sa suot na pantalon.

Sumasayaw pa rin ang mga babaeng kasama sa silid ngunit pinanonood siya habang iniisip kung paano siya makakaalis sa posisyon niyang iyon.

Tinanggal niya ang pocket watch sa pantalon at iniladlad para makuha ang tinidor na nasa mesa. Ibinagsak niya ang relo sa dulo ng tinidor dahilan para tumilamsik ito pataas. Iniikot pa uli niya ang relo at umipit sa kadena nito ang isang pantusok ng tinidor. Hinila niya uli paitaas ang pocket watch na may nakadikit nang kubyertos. Ngayon, ang gagawin na lang niya ay kunin ang susi sa ceiling fan.

Inugoy niya ang sarili para makaabot sa umaandar na ceiling fan. Pagkalipas ng ilang pag-ugoy ay nakalapit na rin siya sa fan at pinatama ang pocket watch na may tinidor sa switch nito na nasabit lang sa gitna ng mismong fan. Sa switch kung saan nakasabit din ang susing kailangan niya.

Sumabit ang katawan ng susi sa tinidor dahilan para mahila ito. Mabilisan niyang kinuha ang susi dahil kung hindi, matatamaan siya ng elesi.

Napataas naman ng kilay ang mga babaeng pinanonood siya dahil magaling ang ginawa niya.

Iniangat niya ang pang-itaas na bahagi ng katawan para usisain ang kadenang nasa paa niya. Sinusian niya agad ang lock. Pagtanggal ng kadena sa paa ay agad siyang nalaglag. Ngunit animo'y magaang bagay lang siyang napatapak sa magarang marble floor ng silid at walang kapawis-pawis na nakawala sa kanina'y pahirap sa kanya.. Para siyang pusa kung kumilos dahil wala man lang siyang nagawang ingay.

Pinagpag niya ang parteng balikat ng suot niyang itim at sleeveles na turtle neck shirt. Pinagpag din niya ang itim na pantalon. Ibinalik niya sa pagkakasabit doon ang poketwatch at ipinasok ulit sa bulsa.

Tiningnan niya ang pinto. Naka-lock. Tiningnan niya ang isang babaeng nakaupo sa isang sulok ng kuwarto. Ito lang ang kahit paano'y may suot kahit na black lingerie lang. Naka-de-kuwatro ito habang nakakrus ang mga braso at nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

Lumapit siya rito at hinagod niya ito ng tingin. Tinatantya niya kung lalaban ba o naroon lang para hamunin siya.

"Kung iniisip mong makakalabas ka ng kuwartong ito, puwes tigil-tigilan mo na ang kakaisip dahil hindi mo mahahanap kung saan nakatago ang passcard ng pinto," walang emosyong sinabi ng babae.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon