Kung ikokompara sa ibang subastahan na sa isang magarang lugar ginaganap ang bidding, bukas sa madla ang auditorium at hile-hilerang metal na bakuran lang ang nagsisilbing harang mula sa labas. Pumatak na ang alas-sais ng gabi at nagsisimula nang ilatag ang mga ipasusubasta. Ang inaasahan ng mga taga-Citadel ay laman lang ng cargo ang ibebenta roon ngunit nagkamali sila.
Inaanunsiyo sa gitna ng stage sa lengguwahe ng mga taga-bayan ang mga item na pag-aagaw-agawan ng mga dumalo. Tatlo ang naroon, marunong ng Ingles ang dalawa na nakikipag-usap at nagpapaliwanag sa mga bisita ng Ricktown Cape para sa bidding.
"I can't see any Castillano here," sabi ni Cas habang pasimpleng nagmamasid sa paligid. Maraming mga taga-pier ang nanonood sa mga sandaling iyon. Nakatutok sa gitna hanggang stage ang mga ilaw kaya madilim sa mga sulok kung saan katabi nina Cas ang mga trabahador at mga usisero sa nagaganap na subastahan. Nakababa na siya sa inuupuang bakal na bakod at nakailang pabalik-balik sa puwesto nila at sa pintuan ng auditorium.
"Malakas ang kutob kong ibinenta na agad ng mga Castillano sa gobyerno ang cargo. Hindi 'yon magagawan agad ng papeles kung pinatagal nila," sagot ni No. 99 habang nakakrus ng mga braso at nanonood sa gitna. "Nagbebenta sila ngayon ng isla sa Cape. Mukhang mali tayo ng akala sa bidding na 'to."
Nakailang buntonghininga si Cas habang himas-himas ang noo. Hindi nga ginalaw ang laman ng cargo at mukhang ang dokumentong gusto niyang makuha ay isa sa mga nakalatag doon sa mesa sa stage.
"I'll take to Joseph—"
"You're not gonna go elsewhere, milady," banta ni No. 99 nang sungkitin ang baywang ni Cas at hinatak niya hanggang sa tumama ang likuran nito sa kalahating bahagi ng katawan niya. Bahagya siyang yumuko para bulungan si Cas. "We got company, and I'm sure, they're after you."
Gumapang ang kilabot kay Cas sa magkahalong kilos ni No. 99 at ang sinabi nito. Mainit sa lugar nila ngunit dumoble iyon sa mga sandaling iyon. Bahagya siyang lumingon sa lalaki. "How did you know?"
"Kanina pa sila nakapalibot dito. Nakabantay sila sa puwesto natin. Kung hindi sila nagtatrabaho para sa mga Castillano, malamang na sa mga Devide."
"Malamang na yung dokumento ang habol nila, hindi ako. Kakausapin ko lang si Joseph."
"Cassandra, isang tao lang ang ililigtas ko sa lugar na 'to. Huwag mo 'kong papiliin kung sino 'yon." Lalong humigpit ang pagkakapalibot ng braso ni No. 99 sa baywang ni Cas at nagbabadya ang higpit niyon na hindi siya nagbibiro sa pagpigil sa babae.
Tinitigang maigi ni Cas ang brasong nakayakap sa kanya. Naiilang na siyang huminga dahil napakahigpit niyon at halatang ayaw siyang patakasin.
Tatlo grupo silang representante ng Citadel. Sila ni No. 99, ang Fuhrer at ang Guardian Centurion, ang ama niya at si No. 25, at si Joseph Zach lang ang nag-iisang walang kasama.
"Isang tao lang ang ililigtas ko sa lugar na 'to. Huwag mo 'kong papiliin kung sino 'yon."
Matalik na magkaibigan sina Hwong Yoo-Ji at Joseph Zach. Alam niyang hindi magdadalawang-isip si No. 99 na iligtas ang kaibigan nito. Pero alam din niyang kahit hindi na pag-isipan pa ni No. 99, ililigtas talaga siya nito bago pa niya suungin ang problema—na ginagawa nito ilang taon na.
Patuloy ang subastahan, puro deed of sales ang pinasusubasta. Karamihan ay maliliit na islang ginawang pribado para sa pribado ring pagmamay-ari ng mga mayayamang makabibili.
Naiilang na si Cas sa ayos nila ni No. 99. Pakiramdam niya, pinagtitinginan sila ng lahat ng nasa likuran at gilid nila. Tumatama sa pisngi niya ang mainit na hininga nito. Ipinatong na lang niya ang mga brasong nakakrus sa braso nitong nasa baywang niya.
BINABASA MO ANG
The Backup Plan (Book 13)
RomanceThe BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang ibang maisip na magiging ama ng anak niya kundi ang ex-husband niyang si No. 99-isang highly-classifi...