Sa silid dapat ni Cas matutulog si Joseph Zach ngunit pagkatapos ng hapunan nila ay nagpaalam agad itong aalis na naman. Bumalik lang naman kasi ito sa Citadel para mag-alay ng dasal sa ina, at ang kinabukasan nito ay nakalaan na naman sa trabaho.
"Sana nagpahinga ka muna rito," sabi ni Cas nang ihatid nila si Joseph sa parking area ng Citadel sa Vorotta III.
"Naka-fix na ang schedule ko hanggang sa second week ng January, Cassandra. Magkikita pa kami ni Dion sa train station sa South bukas ng alas-otso. Pinauwi ko muna siya sa kanila para sa day off niya." Naglahad siya ng braso para humingi ng yakap kay Cas.
"Minsan ka lang magsipag. Huwag mong abusuhin," paalala ni Cas at ibinalot agad ang mga braso niya sa katawan ng lalaki at hinigpitan ang yakap doon. Ayaw niyang niyayakap siya ni Joseph, pero may ibang yakap talagang kusa niyang ibinibigay, iyong kayang lumikha ng ginhawa para sa kanya dahil puro iyon sa pakiramdam.
"Happy New Year, Cas." Hinalikan niya sa sentido ang babae at inugoy-ugoy ito habang yakap-yakap. "Sabihin mo agad sa 'kin kapag pinagtulungan ka na naman nina Daddy. Aawayin natin sila agad."
Nahampas nang mahina ni Cas sa likod niya si Joseph at natawa nang kaunti. "Baliw." Bumitiw na rin ang dalawa sa isa't isa at umatras na si Cas para lumayo.
"You gave me a favor of guarding my family back there in Downtown," sabi ni Joseph sa kaibigan. "I'll return that favor now." Niyakap niya nang mahigpit si No. 99 at tinapik-tapik ang likuran nito. "Happy New Year, brother."
"Leave trouble alone, Saf. You have a handful right now."
"I know." Natawa na lang si Joseph at lumayo na rin pagkatapos. "We need a baby by next meeting. Just make sure na may laman na 'yan by that time," pagtuturo niya sa tiyan ni Cas.
"Kung makahingi ka, parang mabilis gawin, a?" reklamo ng babae.
"Mabilis lang 'yan. Alam ni Yoo-Ji ang ginagawa niya."
Hindi na nakasagot pa ang dalawa nang makasakay sa kotse si Joseph at mabilis na nagpatakbo palabas ng Citadel.
"What the hell . . ." di-makapaniwalang sinabi ni Cas at napasulyap kay No. 99 na seryoso lang ang tanaw sa palayong sasakyan ni Joseph. Maiilang sana siya ngunit nawala agad iyon dahil hindi man lang siya nito tiningnan.
"Tara na sa loob," aya ng lalaki.
Nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng Fuhrer at nina Joseph, ngunit limitado lang iyon sa hindi nito pangingialam kung paano ba magkakaroon ng anak si Cas. Iyon nga lang, ang desisyon ng Fuhrer ay hindi desisyon ng lahat ng Superior, at mas lalong hindi desisyon ng ama ng dalawang nasasangkot. Wala rin naman sa kasunduan na si No. 99 ang magbibigay ng anak kay Cas. Ang naroon lang ay tungkol sa pagkanti sa tatlo na ang kapalit ay pagsuplong nang naaayon sa Credo.
Pagbalik sa kastilyo, hindi alam ni Cas kung saan na pumunta si No. 99. Alas-diyes na at umaasa na siya ng sermon dito ngunit wala pa itong paramdam kaya iniisip niyang nasa opisina ito at baka doon matutulog. Buong maghapon itong walang pahinga. Gusto sana niyang mang-abala kaso naalala niya ang buong gabi nitong hindi pagtulog dahil doon siya nanatili sa bahay nito. Inalok naman niya ang kuwarto niya, ang kaso mukhang walang balak pumunta sa kanya ang dating asawa.
Hindi naman siya inaatake ng lungkot ngunit gusto niyang magbabad sa bathtub. Nakalubog ang puting pinaglalagyan niya sa makinis na kulay kremang marmol na hanggang ibabaw rin ng tuhod niya ang taas kung tatayo siya sa sahig ng banyo. Nagreklamo sila ni Joseph kay Xerez dahil ipinaalala pa ng dala nitong kandila si Lady Velari. Nanumbalik tuloy ang lahat ng alaala nito kahit isa't kalahating dekada na itong pumanaw.
BINABASA MO ANG
The Backup Plan (Book 13)
RomanceThe BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang ibang maisip na magiging ama ng anak niya kundi ang ex-husband niyang si No. 99-isang highly-classifi...