xxxvi. Children and Headaches

693 66 21
                                    


Karamihan ng mga nakaupong Superior ay doble ng edad nina Cas, kaya naman malaking bagay para sa mga nakatatanda na kasama nila ang mga bata sa iisang mesa. Iresponsableng anak si Joseph Zach, ayaw ni Cas sa trabaho nito bilang Superior, si No. 99 naman ay isang Guardian lang dapat. Insulto iyon sa ibang Superior, ngunit gaya ng katwiran ng Fuhrer, mas maiging huwag nilang kalabanin ang mga batang may masidhing pangarap at matalino sa pagpaplano. Dahil sa kabila ng mga dahilan kung bakit ayaw sa kanila ng mga nakatatanda ay nangingibabaw ang mga dahilan kung bakit sila nararapat para sa posisyon.

Hapunan, at ang nasa mahabang mesa sa dining hall ay inilaan na lang para sa Fuhrer at kay Cas.

Hindi tipikal na nag-uusap ang dalawa. Maliban sa ayaw talagang kausap ni Cas ang Fuhrer, masama rin ang kutob ng Fuhrer sa kanya.

Tahimik silang hinainan, tahimik silang kumain, at gaya ng normal na ritwal sa pagkain, patapos na ang pagkain nang magbuka ng bibig ang Fuhrer para magsalita.

"Mukhang sinisipag kayo ni Yusaf sa pagtatrabaho, Cassandra," nagdududang sinabi ni Fuhrer habang nakatuon sa panghimagas niya.

"Pabor iyon sa Citadel, Lord Adolf," diretsong sinabi ni Cas habang nakatungo rin sa plato niya.

"Alam mong hindi tanga ang mga tao rito sa Citadel, Cassandra." Ibinaba ng Fuhrer ang mga kubyertos niya at sinukat ng tingin si Cas. "Walang ibang bukambibig si Yusaf kundi reklamo sa mga halaman at sa mesa. Mas pinipili mo pang manatili sa Matriarca kaysa ayusin ang trabaho mo sa opisina. Paanong pagkatapos pirmahan ang kasunduan na bibigyan ka niya ng anak ay nakatanggap ang opisina ko ng napakaraming kontrata galing sa inyong dalawa?"

Ang lalim ng pagbuga ng hininga ni Cas at tumayo na rin siya sa upuan niya. Seryoso lang ang mukha niya nang tingnan ang Fuhrer. "Gusto lang ipakita ni Yusaf na responsable na siya."

"At sa tingin mo ba ay maniniwala ako?" nanghahamong tanong ng Fuhrer habang sinusukat ng tingin si Cas mula sa pagkakaupo niya. "Hindi kikilos ang anak ko dahil lang gusto niyang maging responsableng Superior. Mas mabuting umamin ka na habang maaga pa kung ano ang binabalak ninyo bago pa ako kumilos at pigilan kayong dalawa."

Nanatili ang seryosong tingin ni Cas sa Fuhrer nang sumagot. "Gusto naming makapagpasok ng malaking pera sa Citadel. Iyon ang plano namin." Inilipat ni Cas ang tingin kay Xerez na nakamasid lang sa kanilang dalawa ng Fuhrer mula sa hilera nito sa dulo ng mga tagapagsilbi. "Mauuna na ako sa opisina. May tatapusin pa akong dokumento, milord." Yumuko si Cas para magbigay-galang at umalis na agad sa dining hall pagkatapos.

Biglang tumalim ang tingin ng Fuhrer sa harapan niya haban iniisip ang mga sinabi ni Cas. Madali lang sa kanyang makabasa ng isip, at alam niya kung nagsisinungaling ang kausap niya. Iyon nga lang, walang kasinungalingan sa lahat ng sinabi ni Cas.

"Xerez," pagtawag niya sa Centurion.

"Milord," pagdulog naman nito at pumuwesto sa kaliwang gilid ng Fuhrer. "Tawagan mo si Dion. Itanong mo kung kailan babalik sa Citadel ang anak ko."

"Masusunod, milord."





Hindi tipikal na nababalisa ang Fuhrer kaya naman malaking bagay sa kanya ang nagaganap sa mga sandaling iyon. Hindi na siya nakapaghintay pa, isa na rin siya sa mga sumalubong kay No. 99 sa hangar ng Citadel.

"Lord Adolf, maaari ka namang maghintay sa opisina," sabi ni Xerez habang sabay silang naglalakad patungo sa malawak na paliparan sa malayong bahagi ng Citadel.

The Backup Plan (Book 13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon