27

18 3 0
                                    

A week had passed by. So far, my life was a mess...and it is still going 'messier'. With Nicole hanging around not only with Logan but also my own husband, I get moody. Hindi naman sa pagiging 'possessive' pero may karapatan naman siguro ako na malaman ang mga kilos niya. 


Ngayon na ang kaarawan ni kuya Niran pero parang gipit ako sa schedules ko. The party will start at 10 in the morning. Akala ko okay lang pero nagbago ang schedules sa event niNicole kasi. Sabi pa niya, 10 nalang daw. 


Kaya ngayon, habang namimili ng damit, iniisip ko kung paano umattend sa dalawang event. Dali-dali kong pinili ang black sheath dress na leg-of-mutton ang mga sleeves. Ang chest part ay naka push-up kaya mas lalong obvious na may laman ako. 


Sinuot ko naman ang bagong open toe heels ko at nagsimulang maglagay ng make-up. Pagkatapos kong mag-ayos ay saka ko nalang naalala na ako nalang mag-isa. 


Nakipag-usap ako kay Kenneth kanina. Aattend naman siya sa event kaya siya nalang ang pinapunta ko roon para roon nalang ako kina kuya. Susubukan kong dumalaw din para may grand entrance naman ako. 


"Hello?" tanong ko kay mommy. Yes, 'yung mommy ko na si Eva Sanchez Miller. The one and only. 


"Hurry here...and make sure to look good," napabuntong hininga ako bago ko binaba ang tawag. 


Agad akong umalis at pagdating ko roon ay nagsimula na. Narinig ko ang pangalan ko kaya naman agad akong naglakad ng maayos. Sinalubong ako ng malakas na palakpak at mga magagandang ngiti. Kumaway naman ako sa mga kilala ko. 


"Happy birthday kuya. I left the gift in my car, mamaya nalang," hinalikan ko ang pisngi niya bago umupo. Nandoon lahat ng myembro ng pamilya namin, maliban nalang sa mga Castillano. Bihira na ang makakita ng reyna at hari. 


"You look so...sexy," Arianna complimented me and my eyes fell at her. She was so pretty in her modern dress. 


"Oh please, you look good for yourself," I smiled at her before looking around. I was trying to spot my friends but I guess they're not here or I'm just helpless. 


"Beauty runs in the family," mommy suddenly spoke up which caused me to smile. Matagal na kami nag-ayos noong dinadala ko si Bentley. 


Tingnan mo naman sina kuya, Arianna at Andres, sobrang gwapo at ganda. Sali na rin ako. 


"So, when will you have a girl?" nabitawan ko ang tinidor nang dahil sa biglaang tanong niya sa'kin. Ba't halos lahat gusto namang mabuntis ako? Sa pagkakaalam ko ay hinding-hindi madali ang pagbubuntis at abala kami sa mga trabaho namin. 


"Soon, mommy...but not now,"


"Make sure of it. I want to brag her and Bentley to others. How can they say that they just look fine?" ngumisi si mommy bago ininom ang wine. 


Tinalikuran ko nalang sila dahil ayoko na makipag-away nang dahil lang sa pagbubuntis na naman. Biglang may nagmessage sa akin na napakarami kaya naman inilabas ko an cellphone na dinadala ko. 

Loving My Best Friend (KAM) (Mossland's Affairs series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon