29

17 3 0
                                    

Napahinto ako sa sinabi niya. Naramdaman kong umiikot ang paligid ko at ako ang point of origin. Hindi ko maiintindihan kung anong na nangyayari. Bigla nalang nahinto noong hinawakan ako ni Krys. Pareho kaming nagulat sa nangyari. 


"Hey, what's happening to you?" he worriedly asked. He looked at me from head down to my heels before taking the clearbook with him. 


"What did you just say?" pilit kong ulit-ulitin ang mga sinabi niya kanina pero natigilan din naman ako nang wala akong matanggap na sagot sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang isang nakababagot na mukha bago tumayo. 


"We should go," tumango nalang ako at naglakad papaalis habang bitbit ang bag ko. Pagdating namin sa campus, pinilit niyang lakarin ako papunta sa lounge ko. Saka nalang siya umalis noong nakita na niya na mapayapa sa silid. 


Mabilis tumakbo ang oras. Nahanap ko ang sarili kong naglalakad papunta sa parking lot. Wala akong gustong maggala kaya naman nasa bahay nalang ako. Deretso akong nag-shower at pagkatapos nagsimula na magluto ng hapunan. 


Habang nakahiga sa couch, nag-ring ang cellphone ko. It was a message from Kenneth. Napabuntong hininga ako habang binabasa ang maikling mensahe niya. "Love, I have to cover my worker's shift for tonight. I'll be back at dawn. I want you to not worry about me. I will eat dinner and drink the tea, I promise. I'm really sorry that I'm not informing you this, personally. Babawi ako, I promise. I love you, Kana."


Anong hindi dapat ako mag-alala? Minsan, naisipan ko na rin na medyo may katangahan ang asawa ko. Dapat lang mag-alala ako sa kaniya dahil nga asawa at pamilya ko siya. Lintek na asawa 'to, mas lalo akong mag-alala sa sitwasyon kong 'to. 


Nang tumama ang oras ng alas singko ng hapon, nagsimula na akong mag-alala. Halos mabangga ko ang upuan dahil sa kabaliwan kong paglalakad. I began calling Logan's teachers pero wala na daw siya sa school. Halos gumuho ang mundo ko noong marinig ko 'yon. Jusko 'tong bata na'to. Asaan na siya? Ba't di niya inaacept ang tawag ko?


Halos maiyak-iyak ako sa sala habang pinapawisan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naman nanatili nalang ako sa bahay. Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto. There he was, standing in front of me with a shameful face. 


I immediately engulfed him and rubbed his back. Doon nalang ako umiyak pagkatapos ko siyang hinawakan sa pisngi. "Where have you been? I was dead worried. May nangyari ba sa'yo?"


"Ma, wala. I couldn't tell you why I went home late but trust me, Mommy. I know what I'm doing," he said with determination but I wasn't convinced. 


"Logan, Mommy trusts you, okay? But I don't like you keeping secrets from Mommy," I saw how his smile turned to frown and I instantly regret saying those. Nag-flashback lahat ng mga scenes ng mga drama na natanaw ko pag sa ganitong sitwasyon kaya naman iniba ko ang sinabi ko. "Mommy will try to understand. I'm just so worried for you. Now, hurry up and change, dinner's almost done," 


Pagkatapos naming mag-dinner at mag-ayos, pinatulog ko na siya bago dumeretso sa office ko. Binuksan ko ang laptop ko at gumamit ng skype para tawagan si Alia. Kinumsta ko naman ang anak ko na nandoon pa rin. Umabot ng isang oras ang usapan namin bago ko pinatay ang laptop ko. 

Loving My Best Friend (KAM) (Mossland's Affairs series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon