02

318 19 0
                                    

Cool-off

Agad akong napabalikwas galing sa pagkakatulog sa sofa nang padabog na inilapag ni tita Krista ang bag niya.

Kinusot ko ang namumugto kong mga mata.

"Señorita, baka gusto mo yatang tumigil na sa pag-aaral?" sarkastikong bungad ni tita Krista. "Magmadali ka diyan!" pinagtutulakan niya pa ako.

"Pasalamat ka bumait ako ngayon. Kumain ka na. Handa na!"

Umalis agad si tita Krista pagkasabi niya noon. Tiningala ko ang orasan sa itaas ng TV na kaharap ko lang. 5:05AM.

Minadali kong pumunta sa kusina at kumain na. Nilalantakan ko pa ang agahan nang mapansin ang nagmamadaling si tito Ricardo papuntang sink. Sumuka siya doon at tuluyan nga akong nandiri sa pagkakarinig ng pagsuka niya. Gayunpaman, inubos ko nalang ang pagkain na nasa pinggan ko. Nagtira ako para kay tito syempre.

Tapos na akong kumain at tumayo na bitbit ang pinggan para ilagay na sana sa sink. Nagpahid narin si tito sa mukha niya pagkatapos maghilamos.

Tinignan niya ako. Sinuyod ang kabuuan ko. Mula sa mukha pababa sa paa. Nanginig ang buong sistema ko. Nilagpasan din naman niya ako kalaunan.

Ganito ang eksena palagi. Ganoon niya ako tinatanaw. Naging kampante naman ako dahil di niya naman ako ginagalaw. Pero matapos yata ang pangyayaring iyon kagabi, nawalan na ako ng tiwala sa mga lalake. Nanindig ang balahibo ko sa mga posibilidad.

"Babe..." paulit-ulit na boses ni Eion ang sumusunod sa akin. "Mag usap naman tayo oh"

Hinarap ko siya. "Pwede ba?" sinbukan kong huminahon ang boses pero naging galit ang pagkakasambit ko.

Pinadaan naman niya ang palad niya sa buhok niya. He was wearing the university uniform, and damn yes, he looks majestic! Why am I praising this man in the middle of this fight! Halatang halata pa ang mga tingin ng babaeng malandi sa paligid. Nagalit ako lalo.

"Break na tayo" tugon ko. As expected, nalaglag ang panga ng mokong. Who would believe it, right? We're okay yesterday. Umiiling iling ako.

"Damn!" napasabunot siya sa buhok niya. Tinignan ko siya. "Hindi pwede" kumunot ang noo ko. Anong di pwede? "Ano bang problema? Baka may magagawa pa ako?" pagsusumamo niya.

"Eion..." yumuko ako.

"Francisca, mahal kita. Di nga ako sumang-ayon na cool-off tayo tapos break pa? Ano ba yan babe? Wag ka naman magbiro ng ganyan" frustrated niyang sabi at pilit na tinitignan ang mukha ko kahit na nakayuko naman talaga ako.

I don't know! But I feel less of a woman after that night! I feel like it would be unfair for him na ipagpatuloy ang relasyon gayong may iba nang nakakuha sa virginity ko! Di ko masabi sa kanya kaya ginagawa ko nalang ito.

"Hindi ako nagbibiro Eion" matalim na mga mata ang ipinukol ko sa kanya. Matatag akong tignan ngayon sa harap niya pero sa kaloob-looban ko mahina talaga ako. Ayoko siyang hiwalayan. Mahal ko siya!

"Babe..." hinawakan niya ang mga palad ko. Nanlambot ako. "Alam mong di ko ka-ya" dagdag niya.

"Eion, ayoko na!" sinubukan kong pakatatagan ang boses para makumbinsi ko siya.

"Nakikipaghiwalay ka ba dahil di kita nasipot kagabi sa pag-uwi mo?" tanong niya gamit ang maamong mga mata. Hindi ko siya matignan. Is that the reason, really?

Eion, dahil sa di mo pagsipot sa akin, tuluyang nawala ang pagkababae ko. Gusto kong sabihin iyon pero nahihiya ako sa sinapit ko.

"Isang beses lang akong nagkamali..." napatingin ako sa kanya ng bigkasin niya ang mga katagang iyon. "Tapos iiwan mo na a-ko?"

Masakit na pakinggan siya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Isang beses... oo, pero malayo ang narating noon. Isang beses, kinasusuklaman kong isang beses! Nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Binitawan ko pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At tumingin sa itaas, pinipilit na pigilan ang luhang ambang tutulo.

"Bakit wala ka kung ganoon?" tanong ko pero nakatingala pa rin. "Sabi mo susunduin mo ako? Bakit walang Eion na dumating?" tuluyan na nga akong humikbi.

Tinakpan ko ang mukha ko at marahas na pinahid ang mga luha. Tinignan ko siya. Pero kahit siya ay naluha na rin. Am I doing the right thing? Ang alam ko lang mababaliw ako sa lahat ng ito!

"I'm sorry" sambit niya. Malalim ang pagbuntong-hininga ko.

"Hindi mo alam ang sinapit ko sa gabing iyon" bumilog ang mga mata niya. Kumunot ang noo at marahang tingin ang iginawad sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Sorry, so-rry Francisca" Hindi mo naman kasalan ang sinapit ko. Umagos ang luha sa aking mga mata. Pinahid niya iyon. Pinapatahan ako.

Tinignan ko ang paligid. Maraming tao ang nagbulungan. Dinaganan agad ako ng hiya. Madrama akong umalis doon. Papunta na ako sa CR nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi siya tinitignan.

"Francisca, hindi ko alam anong nangyari sayo? Sinaktan kaba nang tito at tita mo? May nagtangka ba sa'yo? Anong nangyari? Sabihin mo!" sunod sunod na sabi niya sa likod habang hawak ang kamay ko.

Sobra pa diyan, Eion. Sobra pa ang naranasan ko. Ikinahihiya ko ang sarili ko ngayon. Binitiwan ko ang kamay niya. Napaupo ako sa pag-iyak. Pumunta agad siya sa harap ko at dinaluhan ako. My shoulder blades are shaking. I feel unsecured.

"Cool-off, sige Francisca kung iyan ang gusto mo" napatingin ako sa kanya. Kahit na hiniling ko ito. Parang winawasak pa rin ang puso ko. "Maghihintay ako. Pero wag naman sanang mag break tayo. Di ko kaya yun..." napahagulgol na si Eion habang sinasabi iyon. Napaupo rin siya katapat ko.

Tumayo ako kalaunan at tinayo ko rin siya. Tinatakpan niya pa rin ang mukha niya.

"Umalis kana" sabi ko.

"Ayoko. Pagmamasdan ko ang pag-alis mo" sagot niya.

Pinipiga ang puso ko doon. "Bwisit ka!" sumigaw ako. "Bakit ang bait-bait mo?" napaiyak ulit ako at tinutulak ang dibdib niya. Niyakap niya ako.

"Mahal kita Francisca"

"Pumupunta ka pa sa bahay! Galit ako sa'yo. Mas lalo akong pinagalitan ni tita!" pagsisigaw ko.

"Tahan na" tinatapik-tapik niya ang likod ko kahit na humihikbi na rin siya habang nakasubsob naman ako sa matitigas niyang dibdib.

Sa ngayon, gusto ko lang ng taong pagdidiskitahan ng galit ko! At kamalasang si Eion ang inaaway ko ngayon!

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon