Nahihilo
Madaling araw nang nagising ako dahil sa morning sickness kong ito. Hindi ko alam pero nanghihina na rin ang sistema. Lumabas ako at sa sofa na muna umupo.
Nagising ako ng marinig ang mantikang tumatalon sa init ng kawali. Nagluluto pala si Tita Krista.
"Aalis ako ngayon" bungad niya. Napangiti naman ako pero di ko nagawang tumayo. Pinikit ko ang mga mata ko para akong nahihilo.
"Tita Krista..." tinawag ko ang pangalan niya ng di ko na kaya. Dinaluhan naman agad ako ni Tita. Hinawakan niya ang noo ko.
"May lagnat ka, Francisca" nag-aalalang puna niya.
Nanghihina ako. Sinubukan kong ibuka ang mga mata ko pero pagkabukas ko nito ay tumatalon ang paligid sa paningin ko. Agad na nagdilim ang aking paningin.
Nagising ako nakasalubong ang puting kisame at puting pader. Sa pagkakaalam ko hindi ito ang langit. Hospital ito!
"Mrs. Arida, normal naman po ang lagay niya. Siguro sa pagod lang... I suggest patigilin niyo nalang po muna siya gawin ang mga bagay na makakapagpapagod sa kanya"
Rinig ko ang pag-uusap di kalayuan sa akin.
"Doc, may kinalaman po ba ang pagiging buntis ng pamangkin ko sa nararamdaman niya?" may halong pag-alalang tanong ni Tita sa doktor.
"Uh... Oo. Mostly, sa mga nagbubuntis... ganyan ang nangyayari lalo na't una palang niya ito" sagot naman ng doktora.
Sinubukan kong umupo galing sa pagkakahiga. Tinignan ako ni Tita at lumapit na rin siya sa akin.
"Kailangan mo ng pahinga ngayon Ma'am" mahinahong paalala ng doktora.
Lumabas na din ang doktora pagkatapos tignan ang nakakabit sa aking dextrose.
"Dito ka nalang muna sa hospital Francisca... the doctor run some tests for you nang tuluyang manumbalik ang lakas mo"
Tumango-tango lang ako. Binigyan niya ako ng prutas na binili pala niya habang tulog ako. Nahihiya man ay nilantakan ko iyon dahil narin sa gutom maging ang pagkain na dala niya pang-agahan pero dahil natagalan ako sa paggising naging tanghalian na. Sabay na kaming nananghalian.
"Okay ka na ba?" tanong ni tita pagkatapos naming magligpit ng kinainan.
"Oo naman" ngumiti ako para makumbinsi siyang okay lang talaga ako. "Uh... tita, diba may lakad ka?"
"Hindi maganda ang pakiramdam mo. Hindi pa nakakatulong ang pagiging buntis mo" matigas niyang bigkas. "Kaya magpagaling ka na" hinawakan niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya.
Sa unang pagkakataon, naging malapit ang loob ko kay tita. I know her care for me is short-lived but I want to cherish it. I'm extremely happy.
"Uy hindi na masyadong mainit" sambit niya.
Gumaan ang pakiramdam ko doon. Kahit papaano di narin naman ako nakaramdam ng pagkahilo.
"Anong sabi ng doktor, tita?"
"Okay lang... normal lang daw naman. Iiwas lang sa pagod" sabi niya. " Siguro, tigilan mo na muna ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay" suhesyon niya habang inaayos ang tulugan ko.
Hindi na ako umapila pa at sumang-ayon nalang. Hihinto rin muna ako sa pag-aaral. Para kasing di ko narin kaya. Tatapusin ko lang itong semestre para kahit papaano kung gusto ko nang bumalik, second sem nalang sa first year ang diretso ko.
Umuwi ako nang bumuti na ang pakiramdam. Namalagi pa ako sa hospital ng isang buong umaga. Naghanap si tita ng mauutangan para pambayad sa hospital.
"Tita, si Mang Kaloy baka maka cash advance ako" suhesyon ko na agad naman niyang tinanguan.
Pagbalik niya ay may pera na nga siyang dala. The bills are quite expensive so I have to do my work unpaid now sa pagtitinda sa tindahan ni Mang Kaloy.
Nakarating kami sa bahay sakay ang traysikel. Hindi pa man nakakapasok sa bahay ay narinig ko ang busina sa malapit at nilingon iyon. Kilalang-kilala ko ang sasakyan ni Eion. Lumabas siya sa sasakyan at lumapit. Nagmadali akong pumasok sa loob bago pa man niya ako maabutan.
"Francisca! Francisca!" paulit-ulit ang sigaw ni Eion sa labas. Naririndi na rin si tita Krista.
Si tita na mainit na ang ulo dahil sa pag-aasikaso sa akin sa hospital ay napigtas ang pasensya. Kumuha siya ng timba na may tubig at lumabas.
Sinubukan kong pigilan si tita dahil may palagay ako sa gagawin niya. Huli na, dahil sinabuyan na nga niya si Eion ng tubig galing sa bintana. Napaawang ang bibig ko.
Pagkatapos ay sinarado niya ang pintuan paalis. Binabagabag ako ng konsensya ko. Sumilip ako sa bintana ilang minuto ang nakalipas at mas lalong naawa dahil di ko na siya mahagilap. Inabala ko na lamang ang sarili sa pag-aayos ng bagay-bagay. Siniguro ko namang di ako mapapagod.
Nang natapos ay binuksan ko ang TV at nanood na rin ng palabas. Pinatay ko ang TV ng maramdamang bumigat ang talukap ng mata ko. Tuluyan na akong natulog sa kama.
Nagising ako sa isang kalabog ng pintuan sa katabing kwarto.
"Ricardo!" rinig na rinig ko ang sigaw ni tita. "Magtigil ka nga!"
"Bwisit ka, Krista!" sinubukan kong takpan ang tainga ko sa pag-aaway nila tita at tito. "Anong pakialam mo kung uuwi akong lasing?!"
"Talaga? Eh pera ko 'yang pinang inom mo!" umaalingawngaw na rin ang tinig ni tita.
"Ay babae ka!" nataranta ako sa maaaring gawin ni tito kay tita kaya lumabas na ako. Ambang papaluin ni tito ng walis ang ulo ni tita. Si tita naman ay panay ang pikit sa paparating na palo.
"Tito!" napasigaw ako at dinaluhan si tita.
"Sa kwarto ka na Francisca! Wag kanang makialam dito" sambit ni tita. Pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatayo roon, nanlilisik na mga mata ang ipinukol sa akin ni tito.
Tinignan ko si tita na nanghihina ngayon dahil umiiyak ng maramdaman ko ang papalapit na si tito.
"Krista" huminahon si Tito Ricardo. Tumayo na rin si Tita. "Hindi ko sinasadya..." sabi niya.
Ganito parati ang eksena tuwing umuuwing lasing si tito. Hindi naman parating umuuwi si tito ng lasing at mabait naman ang pakikitungo niya kay tita pero sa tuwing nahahaluan ng alcohol ang sistema ni tito nagiging bayolente siya.
"Okay lang po ba kayo, tita?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya si tito papunta sa kwarto nila na padabog ring sinarado ang pinto.
Hinawi ni tita ang pagkakahawak ko sa braso niya. Tinalikuran niya ako at pumunta sa baba.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomantizmHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...