14

128 11 1
                                    

Tawag

Nakapamulsang nakatayo si Eion sa counter. Hindi ko alam anong sadya ng tawag nila ni Divinia. Isa lang ang nasisiguro ko, masaya siya habang kausap siya.

Nagbihis ako sa kwarto at pagkabalik ko nandoon pa rin si Eion tumatawag. Lumapit ako para magluto na, mukhang wala naman siyang planong gawin iyon.

Inilagay ko ang mga kakailanganing sangkap para makapagluto na.

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Eion. He just raised his hand at tinuro ang phone niya, ayaw pa disturbo. Umirap ako.

Nagluto nalang ako ng palabok. Natatakam ako sa bango nito hanggang sa naluto na nga. Inihain ko ito sa counter, hinihintay na matapos na rin ang sinaing. Sinulyapan ko si Eion na ngayon ay nasa sofa na at may katawagan pa rin. Ang tagal naman niyan!

Natapos na rin ang sinaing ko at nilagay ang pagkain sa lamesa sa sala.

"Yes! I... tried to ask mom kung meron ba" tumatawa pa siya. " Siyempre, I will. Bye" natapos rin ang tawag at takam siyang tikman na ang luto ko. Nag pray kami at kumain na pagkatapos.

"Sarap" puna niya sa luto ko. Takam na takam siya habang kumakain sa niluto habang ako ay walang imik at nakasimangot lang.

"Oy parang ako lang isa dito ah" pagbibiro niya. Napangiwi ako. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko, patapos na rin siya sa kanya nang may tumawag ulit. Napasinghap ako.

"Uy hello!" lumakad siya palayo at uma-approve pa sakin, nagustuhan niya raw ang luto. Ako na ang nagligpit ng kinainan namin, ako na rin ang nagluto. Busy sa ibang babae ang isang señorito.

Pinahid ko sa hand towel ang basa kong kamay at umupo na sa sofa. I tried to change the channel that may suit my taste pero sa gitna ng panonood binabagabag ako sa katawagan ni Eion na mukhang lalong tumatagal.

Tinignan ko ang relo ko. It's almost 8PM at hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw at TV, sinigurado ko ring lock na ang pinto. Pumasok ako sa kwarto.

Mula sa pintuan, kitang kita ko siyang nakaupo sa kama habang charge ang phone na tumatawag pa rin. Di man lang maibaba! Lumapit ako sa kama at patikhim-tikhim na humiga. Napansin niya iyon at pinatay na sa wakas ang tawag. Humiga siya malapit sa akin.

"Sorry... si Divinia kasi may tinatanong" pagpapaumanhin niya. Nanatili ang tingin ko sa kisame.

"Yeah... pansin ko rin" hindi ko man sinadya pero may pait doon.

"Galit ka ba?" nilingon ko na siya.

"Bakit naman?" nginitian ko siya para makumbinsing okay lang ako.

"Ah shower lang ako" sambit niya.

"Uh..." panimula ko. Tumaas ang kilay niya. "Anong password ng phone mo?" tanong ko.

"Huh?"

"Baka may games... bored kasi" pagpapalusot ko.

Kinuha niya ang phone at may tinipa doon.

"Francisca!" napasigaw ako. Iyon ang pagkakabasa ko sa password niya. Ngumisi siya sabay pinatakan ako ng halik sa noo at dumiretso na sa banyo.

Hindi naman talaga games ang sadya ko. I scroll his call history at nakita doon ang kay Divine, recently. May 12 missed calls sa araw na ito at 5 calls na sinagot. Bakit ang dami? Nakita ko rin ang pangalan ni Leo, Kian, at Ash may iba ring babae pero madalang lang Sancha, Amethyst and the list go on. I scanned the messages, I scroll.

Ash: Okay bro, ako nalang siguro gagawa sa Theoretical Framework.

Leo: Bro, asa'n ka na? We're having fun here. Divinia's drunk hahaha

Hinanap ko ang messages nila ni Divinia. I clicked her name. Unang bumungad sa akin.

Divinia: Hi =D

Hindi naman nag reply si Eion. Nag scroll pa ako. Divinia's obviously hitting on my boyfriend!

I saw Divinia's nude pics. She was wearing a two piece bikini at kitang kita ang dibdib niya sa suot. She was wearing red. Mga apat pa ang pinasa niya, iba-iba ang pose. Napatitig ako sa isang picture niya sa halatang nang-aakit. She sit on a chair at ang camera tinutok pa talaga sa dibdib niya, she was also licking her lips. Fuck!

Divinia: Maganda ba?

Eion: Yeah.

Divinia: I thought you're coming. Where are you na ba?

Divinia: Can't wait to see you with your boxers hahaha jk

Eion: Parating na ako hehe

Sinubukan ko pang mag scroll nang mapansing bumukas na ang pinto ng shower room. Dali-dali kong ni-click ang home at dinelete ang recent apps. Tumaas baba ang dibdib ko sa kaba. He was topless at ang saplot niya lang sa ibaba ay ang towel. Nakatalikod siya sa akin at hinay-hinay na binaba ang towel niya. Doon ko lang napagtanto na dito siya magbibihis. Napatakip ako sa comforter ko pero palihim pa rin naa-attempt na tignan ang likod niya.

Mala adonis ang katawan niya. Napalunok ako. How could he be so damn handsome and hot at the same time?

Natapos rin siya sa pagbihis at nataranta akong tinago ang mukha sa comforter nang lumingon na siya. He chuckled. Binaba ko na rin ang comforter ko. I acted like nothing happened habang papalapit siya.

"Enjoying?" tanong niya.

"Huh?" tumaas ang kilay ko.

"Anong games ang nilaro mo?" tinuro niya ang phone na hawak ko.

Shit! Akala ko kung ano na ang ibig sabihin niya. I give him back the phone. Inabot niya naman ito.

"Is Divinia interested in you?" diretsahan kong tanong.

"Huh? Why do you say so?"

"Pansin kong parati siyang tumatawag" malumanay kong sabi. "And your mom probably wants her for you" dagdag ko.

"Are you jealous?" tanong niya.

Am I jealous? Fuck! I've never been jealous. Agad akong umiling.

"Let's just sleep" sabi niya at hinalikan ako. Nilagay niya rin ang phone malapit sa lampshade niya.

"I just hope you're not having an affair with her when you promised to marry me" mapait ang pagkakabigkas ko.

"I will never do that" pangungumbinsi niya. "You're cute when you're jealous" pagbibiro pa niya.

"It's not funny" pagsusungit-sungitan ko.

"I love you, Francisca... Good night" at pinikit na nga niya ang mga mata niya.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon