26

122 8 0
                                    

Daplis

Humalakhak siya habang tinitignan akong naghihirap at di makagalaw sa pagkakarehas.

"Ano bang gusto mo?!" sumigaw na ako. Lahat ng maaari kong nakaraan ay hinalungkat ko na sa isipan. Pero wala talaga akong maalala na nakalaban ko siya.

Nagpalibot-libot siya sa akin. Pinadaloy niya pa ang kamay sa panga ko ng maharap niya ako. Lumiit ang mga mata niyang sinusuri ang mukha ko. Nagbuntong hininga siya.

"Paulo Tiniente..." nag-alab ang galit ko sa pagbanggit sa pangalan niya. Tumayo siya ng tuwid at lumayo sa akin pagkatapos niyang banggitin iyon. Humalakhak ulit siya.

"Sisiguraduhin kong mamamatay kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Mga walang hiya kayo! Ano pa ba ang gusto niyong mangyari?!" naiiyak na ako.

"Hindi mo pa rin pala alam?" makahulugan niyang tanong. Kumunot ko ang noo ko.

She smirked. "He's not just a rapist" she blurted out. "He's fucking in love with you" dagdag niya.

Nagtaka ako doon. "Hindi mo ako madadala sa mga haka-haka mo!" agad akong nagdepensa sa maaari niyang dugtong.

"Talaga?" tumawa siya halatang ginagalit ako lalo. "Planado iyon"

Umiiling-iling ako. Walang katuturan lahat ng sinasabi ng babaeng ito. Gusto ko siyang durugin pero di ko magawa. Sa isip ko dinurog ko na siya. Pinagsisipa ng ilang beses hanggang manghina at lumuhod, nagmamakaawa.

"Alam ni Eion 'yun" ngumisi ng malademonyo. "Kaya minadali niya ang kasal niyo. Hindi mo ba napapansin?" mapaglaro ang ngiti niyang sabi.

"Ano naman doon?" naguguluhan ako.

"Alam ni Eion pero di niya pinaalam sa'yo" she trailed off. "Bakit kaya?"

Wala akong masabi. Kahit ako ay napatanong. Tinatagan ko ang sarili na di magduda. Pero totoo, minadali niya ang pagpapakasal sa akin. But it's because he promised me that!

"Kami ni Paulo Tiniente!" umaalingawngaw ang boses niya. Namilog ang mga mata ko. Gusto ko pa sanang may maidugtong pero natigilan ako sa rebelasyon niya.

"Bawal iyon!" sigaw ko. "Sa oras na makaalis ako dito, marami kang pagbabayaran. Marami kayong pagbabayaran!" sobra na ang pagsisigaw ko.

"Bawal nga ba?" nabitin ang tanong sa ere nang lumitaw ang presensya ni Eion sa harap ko. Kinaladkad siya ng mga tauhan. Nakatali ang kamay niya gaya ko.

"Ako ang harapin mo Marie!" sumigaw si Eion. "Gagawin ko ang lahat just leave Francisca behind this!"

Lumingon naman si Marie kay Eion. "After you used Paulo's sister? Tingin mo maniniwala pa ako sa'yo?!" marahas niyang pagkakabigkas.

"You know I love Paulo" sabi niya. "Nasira ang relasyon namin! Kung pinabayaan mo nalang sana ang kaso at di na hinalungkat pa. Di sana nasira ang relasyon namin ni Paulo!"

"You're not thinking!" sumigaw pabalik si Eion. "Paulo Tiniente is the one held liable to all of these!"

"I beg for your silence, Eion!" she cried shouting. "Pero anong ginawa mo? Nag imbestiga ka pa rin"

"Marie... nasisiraan ka na ba ng bait?" marahang tanong ni Eion ngunit nanlilisik pa rin ang mga matang ipinukol kay Marie.

Hinayaan ko silang magsagutan dalawa. Dahil kahit ako di maka isip ng tuwid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari!

Lumandas ang luha sa akin. Di ko maintindihan ang pagpapalitan nila ng kwento.

"Ano bang ibig sabihin ng lahat ng ito?" tinanong ko si Marie pero kay Eion ako tumitig.

"Francisca..." nanghina si Eion.

"Obviously Francisca, pinaghihinalaan ka rin ni Eion!"  umaalingawngaw ang boses ni Marie. Kumunot ang noo ko.

"Sa ano?" di na mapirmi ang boses ko. Pataas ito ng pataas habang may ibinabato akong tanong.

"Hindi siya naniniwalang na rape ka" tugon ni Marie.

"Wag kang maniwala sa pinagsasabi niya" mariing pagkakabigkas ni Eion. Nilingon ko si Marie, hinihintay ang dugtong niya.

"Iniisip niyang may iba kang lalaki na kinakasama" dugtong ni Marie. Nanlaki ang bibig ko roon. Tinignan ko si Eion.

Wala naman akong pakealam kung may panghihinala si Eion sa akin. "Eh ano ngayon?" Nanlaki ang bibig ni Marie sa sagot ko. Totoo naman. Hindi ko madidiktahan ang isip ni Eion kung manghinala man siya. "Ang gusto kong malaman bakit kami ang pinagbubuntunan mo ng galit?!" sigaw ko.

"You're becoming irrational!" dinugtungan ni Eion ang sigaw ko para kay Marie.

Bumilog ng pagkalaki-laki ang bibig ni Marie. Her reasons are too shallow. Tingin niya talaga masisira niya sa akin si Eion? Did she really think I'll trust a mere stranger like her over my fiancé?

"Marie, change hangga't maaga pa" anyaya ko sa kanya. Nilapitan ako ni Eion nahihirapan man ay maingat niya hinahawi ang pagkakatali ko.

"No!" sumigaw siya. "I want Paulo Tiniente for me!" naghihisterya na siya.

"Paulo Tiniente cheated on you!" sinigawan ko siya.

"It's because of you!" sinugod ako ni Marie. Si Eion na nasa paanan ko ay agad tumayo pero muntikan ring bumagsak sa sahig para pigilan kami. Hindi nakatakas ang marka ng pagkakadaplis niya sa braso at isa malapit sa mukha ko.

"Calm down Marie. Hindi mo kami kalaban" mahinang sambit ko.

"I love him" napaluhod si Marie.

Eion used the chance to walk and find a knife. Nasisiraan na talaga ng bait si Marie. Nasa iba na ang mundo niya. Kagat niya sa bibig ang kutsilyo at paika-ikang lumapit sa akin dahil nakatali rin ang binti niya.

"Paulo did not cheat on me!" naghihisterya na si Marie at sinasabunutan pa ang sarili.

Gamit ang isa kong kamay na medyo lumuwag na rin. I cut the rope that intertwined my hands. I successfully made it! Sinunod ko nag kay Eion na hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang pagkakatali. Nahirapan ako pero nagawa ko pa rin. Binigay ko sa kanya ang kutsilyo dahil namamanhid ang kamay ko.

Siya na ang nagputol ng tali sa binti ko. Nakadapa siya ngayon sa sahig dahil natumba. Sunod naman niyang pinutol ang tali sa kanya.

Mabilis ang pangyayari.  Tumayo kaming dalawa ni Eion at hinawakan ko ang kamay niya. May nagpaputok ng baril sa banda namin. Di ko namalayan ang paglingon ni Marie. Siya ang may hawak ng baril na iyon. Ganunpaman, sinubukan ko paring itayo si Eion para makaalis na.

Tuluyang nanghina si Eion sa harap ko. Doon ko lang napagtantong may dugo siya sa balikat. Akala ko nalampasan namin ang balang iyon. Nadaplisan pala si Eion. Gulat naman ang reaksyon ni Marie. Binaba niya ang baril.

"Call the ambulance!" umiiyak akong inutusan si Marie. Nakapirmi lang siyang nakatayo doon. Dumalo ang nga tauhan. Nanginginig na tinuro ni Marie ang bag ko at phone doon. Tinawagan ko ang ambulansya.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon