30

169 12 0
                                    

DNA Test

Hindi ako mapakali. Ang galit at pagkamuhi na noon ay kinalimutan ko laban kay Tito Ricardo ay nagbalik. Bumabalik ang alaala na pilit kong kinalimutan.

"Walang hiya ka!" gusto ko siyang sugurin sa pagkakaupo ko.

"Ang mga nakalap na ebidensya sa rape case na inaakusa laban kay Paulo Tiniente" panimula ng taga-anunsiyo. "Pinahihintulutan ng Judge na magkaroon ng witness sa kabilang panig. Bilang ang korte ay isinagawa para matimbang kung sino at alin ang katotohanan"

Tinawag si tito Ricardo at lumapit siya sa witness stand. Napatayo ako sa galit na nararamdamn. Inawat ako ng mga opisyal. Nag-aalab ang mga mata ko. Galit na galit ako! Ngayon nandito siya laban sa akin, gusto ko rin siyang idiin at isama silang dalawang hampaslupa na iyan sa kulungan.

"Do you swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth in this hearing?" tinanong na siya.

"Yes, Your Honor"

"Totoo bang nasa Quezon si Mr. Tiniente sa gabing iyon?"

"Yes, kasama niya po ako sa gabing iyon" tinignan niya ako. "Siguro naman alam mong sa gabing iyon natagalan ako ng uwi"

"Totoo po ba iyon, Ms. Arida?" ako naman ngayon ang itinanong. Tumango ako dahil totoo naman.

"Pero-" di na ako pinatapos sa pagsasalita.

"Yes or No lang" mariin na bato sa akin.

"Yes, Your Honor" nauutal kong sabi.

"Maaari mo bang isalaysay kung bakit nandoon ka rin sa Quezon kasama siya?" 

"Nag away po kami ng asawa ko" sabi ni tito sabay sulyap sa banda ni tita. Umiiling-iling si tita. "Kaibigan ko po si Mr. Paulo Tiniente at siya lang talaga ang masasandalan ko sa araw na iyon" dagdag niya.

"Imposibleng nasa Quezon siya! Dalawampong minuto lang ang pagitan naming dalawa pagkauwi sa bahay!" sumabat na ako sa usapan.

"Silence!" sigaw ng abogado sa kabilang panig.

"Si Paulo ang naghatid sa akin pauwi gamit ang sasakyan niya" napasinghap ako sa sinabi niya.

"Walang akong narinig na sasakyan na pumarada malapit sa bahay!" pagdepensa ko. Tita Krista raised her hand and stand up.

"May witness sa audience" deklara ng Judge. Nabuhayan ako ng loob doon.

"Objection, Your Honor. Irrelevant!" sabi ng abogado para tutulan si tita na magsalaysay.

"The witness is permitted. She's a wife and an auntie. And she's really the next witness, Your Honor" depensa ng Prosecutor.

"Overruled" sabi ng Judge para ipapunta si tita sa harap. Pinapunta si tita sa witness stand. Walang atubaling tumayo siya at lumapit sa nakalaan na espasyo na pagtatayuan niya.

"Naging malupit ako sa pamangkin ko. Imbes na tanungin siya sa kung anong nangyari sa gabing iyon, pinagalitan ko pa siya bumalik si Francisca sa bahay hubo't hubad, inutusan ko siyang maligo para makapagbihis" pumiyok ang boses niya.

"Pero dumating agad si Ricardo sa bahay na lasing at wala akong narinig na pumaradang sasakyan na sinasabi niyang ihatid siya" dagdag ni tita. "Kung meron man dapat nakita ko sa pintuan palang na muntikan siyang mahulog sa hagdan pero wala ni anino"

"Sa katunayan ang kapitbahay namin ang nagsabi na nakipag-away pa raw siya sa kanto" puno ng sinseridad na sabi ni tita.

"Mr. Witness" tinuon agad ang atensyon kay tito Ricardo. "Nasa bibig nang asawa mo na mismo nanggaling. Maari mo bang depensahan ang sarili mong pahayag kani-kanina lang?"

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon