WAKAS

229 12 0
                                    

Jasper Eion Fontejas' Point of View

     ...

"Hoy sinong tinitignan mo diyan?" tinapik ako ni Leo galing sa pagtitig ko sa isang napakagandang babae. Napatalon ako sa gulat. Panira talaga ang isang 'to!

Isang inosenteng babae ang aking pinagmasdan. Francisca is the only woman I promise to love in my entire life. She's the only woman who made me determine enough to be a man.

"Bakit wala ka kung ganoon?" tanong niya na nakatingala pa rin. "Sabi mo susunduin mo ako? Bakit walang Eion na dumating?" tuluyan na nga siyang napaiyak.

Pinipiga ang puso habang pinapakinggan siya at pinipilit ko na hindi maiyak habang sinasabi niya iyon. I wish I could turn back the time para di na kami humantong pa sa cool-off na ito.

Gabi noon, may plano akong sunduin si Francisca gaya ng nakasanayan pero...

"Jasper Eion, magbihis ka na..."

Naguguluhan ako sa sinabi ni mama. "It's okay son" tinapik ako ni papa. "Divinia's family is nice, wag kang kabahan"

"Bakit ano po ba ngayon?" tanong ko sa dalawang magulang ko na ayos na ayos na ngayon.

"We'll meet their family, have you forgotten?" sabi ni mama. Hindi ko inaasahan ito.

"Son, please..." pinakiusapan ako ni papa para dumalo. Sabi ni Francisca, matatagalan daw siya sa school works maaga pa naman ngayon kaya dadalo lang ako tapos aalis para sunduin siya. Iyon ang plano. Kaya lang...

"Oh my God!" naghihisteryang sigaw ni mama sa harap ng hapag. Papa was unconscious. I don't know what happened. Umalis lang naman ako para kumuha ng drinks gaya ng utos ni mama.

Sinugod si papa sa ospital. Tingin ako ng tingin sa relo ko. Nahahati ang atensyon ko. Mama was tired the whole night. And my two younger siblings were busy with their own lives. Gusto ko silang murahin sa pagkakataong ito. I have plans but I cannot leave my parents behind.

"Ma, aalis lang muna ako saglit" sinubukan kong magpaalam. Lumabas ang doktor.

"Ano pong nangyari doc?" tumayo si mama para lapitan ang doktor.

"Nagka high blood pressure lang po ma'am. I suggest iwasan niya na po muna ang fats and oil" anang doktor.

"Why is he unconscious then?" nag-aalala na si mama.

"We'll run test for that reason. Normally, pag high blood nawawalan lang ng balanse hindi naman talaga ganyan" marami pang sinabi ang doktor at pinakinggan iyon ni mama.

I checked my watch again. 9:00PM. Kahit anong mangyari, susunduin ko parin talaga siya. Pinigilan ako ni mama pero hindi ako nagpapigil, dala ang sasakyan ko pumunta ako ng unibersidad nagtanong ako sa guard kung may estudyante pa ba sa loob. I went inside para masiguradong wala nga.

I tried to trace the path kung saan nga ba siya. Maybe she's home! I went straight to her house. Unang bumungad sa akin ang tita niya.

"Anong kailangan mo dito?"

"Magandang gabi po. Nakauwi na po ba si Francisca?" tanong ko agad ng pagbuksan ako ng pintuan.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon