05

220 16 0
                                    

Pinagseselos

Sabi nila lahat ng nangyayari mayroong kaakibat na rason. Ang buhay na meron ako may rason daw. Pero di ako naniniwala. Masyadong madugo ang buhay ko... napapatanong pa ako kung bakit ako? Iniwan ng ina. Nakulong ang ama.

Naninirahan na nga lang sa tiyahin, naging sakit pa ng ulo. Walang rason ito pero pinanghahawakan ko ang isang prinsipyo. Isa lang ang masasabi ko... gaano man ka pait ang buhay alam kong hindi dito nagtatapos ang aking paglalakbay. Hindi ko man maintindihan lahat ng pangyayari ang pag-iisip na mayroon pang bukas ay ang siyang pumupukaw sa akin para bumangon pa sa umaga.

Di ko malimot ang pangyayari sa gabing iyon. Sa gabing tumakbo akong luhaan at duguan. Mga sandaling kinailangan ko ng tulong ngunit walang nangahas na maglahad ng kamay.

Ang dukhang katulad ko walang boses sa korte. Ang pangyayari sa madilim na kalsadang iyon. Ang gabi na umuwi ako galing sa eskwelahan matapos mag overtime sa requirements, ay ang gabing sumampal sa akin na walang ibang makakatulong sa'yo kundi ikaw lamang.

Imbes na sumugal at magpataw ng kaso, sasanayin ko nalang kung paano protektahan ang sarili. Sarili ko ngang  pamilya di ako mapakinggan paano nalang kung ibang tao pa at lalong di ko naman talaga kilala kung sino iyon. Ito ang masalimuot na katotohanan sa aking buhay.

Dalawang linggo na ang lumipas at pinairal pa rin namin ang cool-off namin ni Eion. Marami akong ginagawa sa classroom na mga requirements na paniguradong di ko naman magagawa pag nasa bahay.

Mas maiging dumistansya ako sa kanya. Lalo na't sumasali ako sa Frat.

Sinamahan naman ako ni Edward palabas ng campus. Nakita ko pa si Eion na papalabas rin kasama ang barkada niya.

"Uy Eion si Fran-" tinakpan agad ni Eion ang bibig ng kaibigan niya.

"Francisca!" sumigaw naman ang isa pa, di na naawat ni Eion. Tumingin ako sa banda nila at nginitian ang lalaking tumawag sa akin.

Pinagsasapak naman siya ng isang pang lalaking kaibigan. Nagtalo pa ang dalawa.

"Cool-off nga ulol" rinig kong sabi ng isa. I cringed at that thought! Para kaming nga high school sweetheart na wala pang muwang. Bakit kailangan pang malaman ng kaibigan ni Eion ang nangyari sa amin? Dinaganan ako ng kahihiyan.

"May ganoon ba?" natawa naman si Eion nang inosenteng nagtanong ang lalaking tumawag sa akin.

Nahagip namin ang tingin ng isa't isa at biglang nag-iba ang mood niya nang makita ang kasama ko. I acted cool. Like I wasn't guilty. Inilayo ko ang sarili ko kay Edward sa mga sandaling iyon.

"Dito na ako" kaway ko kay Edward nang mapansing nasa labas na kami ng gate ng unibersidad.

"Hatid na kita" yaya niya, agad akong umiling. Ramdam ko ang pag-aalburoto ni Eion sa gilid.

"Sige ah" sabi niya naman habang pasakay sa  multicab.

Napalinga-linga naman ako sa paligid at nahagip ng paningin ko si Eion. Ilang metro lang ang distansya namin sa isa't isa. Pumasok siya sa kotse niya. Ako naman ay naglakad.

Ganoon ang eksena palagi. Parati kong iniiwasan si Eion pero nagkakaroon pa rin siya ng pagkakataong abangan ako. Habang naghihintay sa photocopy ko ay dumating si Eion sa tabi.

"Para saan 'yan?" kaswal niyang tanong.

"Science" cold kong sabi di siya tinitignan. Inabala ko ang sarili ko sa pag stapler ng mga papel.

Marami-rami iyon kaya nabigatan ako sa pagdala.

"Ako na" nag volunteer siya.

"Kaya ko naman" inako ko pa talaga ang alam kong di ko kaya. Ang plano ko unti-untiin ko ang pagdala nito pero hindi na rin masamang manghingi ng tulong sa lalaking nag photocopy nito.

"Ako na babe" pursigido pa rin si Eion.

"Okay lang naman babe-" naputol ko ang sasabihin ko at pinagtatampal ang kamay niya. Napangisi naman siya sa sinabi ko. Babe talaga? It sound horny!

Kakargahin ko na sana ang 500 pages na papel na iyon nang kunin ito ni Eion sa akin. Sumimangot ako .

"Dito na" sabi ko pagka punta sa third floor ng building.

"Bakit naman kasi ikaw ang inutusan niyan?" sabi niya habang nilalapag ang papel sa upuan na nasa labas ng classroom.

"Treasurer kasi ako po" sabi ko.

"Sunduin kita mamaya?" yaya niya.

"Cool off nga diba?" naiinis na sabi ko.

"Ay oo sorry" natatawa niyang sabi. Di naman niya sineseryoso ang cool-off namin.

Ganoon parati ang eksena hanggang sa ikalawa, tatlo, apat, limang araw na di pa rin kami nanumbalik sa relasyon namin ni Eion. Sa tuwing lumalapit siya ay tinatakwil ko siya.

Nagbabasa ako sa library nang mapansin ang pagsulyap ni Eion sa akin galing sa kalapit na table. Kinamot ko ang batok ko sa inis.

Kasama ko ang lalaki kong kaklase sa isang subject at naisipan naming mag partner sa pag study.

Di siya nakapagtimpi at nilapitan na nga ako ni Eion.

"Kailan ba tayo babalik?" di pa nga siya umupo ay sinabi na niya iyon sabay sulyap sa katabi ko.

Di ko siya kinausap. Nagkunwari akong busy sa pagbabasa kaya kinuha niya ang librong hawak ko.

"Ano ba?" tahimik ang library kaya napatingin ang iba sa banda namin. Natutop ko ang bibig ko at hininaan ang boses. "Akin na nga 'yan" sabay hablot ko pero tinaas niya lang iyon. I pouted.

"Please Francisca di ko na kaya" sabi niya. "Magbalik na tayo" di ko siya pinansin. Niligpit ko ang gamit ko at nang magkaroon ng lusot ay kinuha ang libro sa pagkakahawak niya. Umalis na rin ako.

"Edward sa ibang floor nalang tayo" kinumbinsi ko ang kaklase, sumang-ayon naman siya. Lumabas ako sa library at pupunta na sana sa second floor. Akma kong hahawakan ang kamay ni Edward nang hinablot ni Eion ang kamay ko.

Nasa labas na kami ngayon sa study area kaya okay nang mag-ingay dahil sa hallway at may glass door naman sa gitna.

"Leche Francisca, pinagseselos mo ba ako?" gamit ang nanlilisik na mga mata niya akong hinarap. Bumilog ang bibig ko.

"Di ko kaya Francisca" sabi niya. "I think I've given you enough time" sinenyasan ko si Edward na umalis na muna.

Hindi ako umimik. Nami-miss ko din naman siya.

"Ano ba talagang problema? Kailan mo ba ako balak patawarin" tanong niya. Napatingala ako sa kanya dahil sa katagang iyon. "Dalawang linggo na rin"

"Pinatawad na naman kita" agad kong sabi.

"Pero bakit cool-off pa rin? Francisca, di ko kaya. Nagseselos na ako sa mga kasama mo!"

Napakagat ako sa labi ko. "I'm sorry" sambit ko. Hinalikan niya ako sa harap ng dumadagsang estudyante na papunta sa library. Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong sorry?" tanong niya pagkatapos.

"Kasi makasarili ako?" patanong pang sagot ko.

"Kaya magbalik na tayo" sabi niya. Nagpatianod na nga lang ako sa kanya. Nakalimutan na ang test mamaya. Napagtanto kong wala naman palang saysay ang ganito. Nagmumukha pa akong hard-to-get.

"Di pa tayo bati Eion"

"Wala akong pakealam" sabi niya.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon