Investigate
Nagdaan ang mga araw hanggang sa malapit na nga ang final exam week. Una akong nag take ng final examination. Minabuti ko talagang mag review para doon. Isang week lang naman ang pagitan namin sa regular students. Minadali ang akin dahil nasa pang-limang buwan na kasi ako ng pagbubuntis at medyo maselan pa. Sinabay ko ang pagre-review at pagtat-trabaho sa isang mini sari-sari store.
Malaki ang ginhawa ko ng matapos ko nga ang pag take ng test. Ang sabi ipapasa lang daw nila sa email add ko ang results at sa website ng university nalang titignan ang grades ko.
Napapangiti akong pinagmasdan ang building namin. I wish I can continue. Tumawa ako ng maramdaman ang sipa ng baby ko. My tears started to flow. Pinunasan ko ang mukha ko. Hinihimas ko ang tiyan nang sumipa na naman ito.
"Hi Francisca!" kaway ng kaklase kong si Fowler. Nginitian ko siya. May dala-dalang papel si Fowler sa kamay niya. Di ko alam para saan iyon pero nararamdaman ko ang pagkakailang niya sa pagbigay noon. Fowler is half American and very, very handsome.
"Will you receive this for me?" naiilang siyang ibigay iyon kaya nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
He put the paper on the palm of my hand. Doon ko lang napagtanto ang binigay niya. It's paper bills. Parang isang buwan ko itong sweldo sa pagbabantay ng tindahan. This is too much!
"What's this? This is too much..." ako naman ngayon ay nahihiyang tanggapin iyon.
"Balita ko namroblema ka raw. Malapit na rin kapanganakan mo diba? Accept that as a friendly offering?" tinaas pa niya ang kilay niya. I hugged him tight.
"Thank you" sagot ko. Umalis rin si Fowler kalaunan. Lumabas na ako ng unibersidad. Hindi nilubayan ng ngiti ang mukha ko.
Pumara ako ng traysikel dahil di ko na kayang maglakad pa. Papasok na ako sa bahay ng marinig ang busina ng isang sasakyan.
As usual, di ko siya nilingon. Pagkatapos ng pangyayaring iyon sa condo ni Eion ay parati nang pumaparada ang sasakyan niya sa labas ng bahay. Araw-araw siya doon. Mahigit tatlong buwan ko na rin siyang iniignora. Sinubukan niyang pumasok pero nakaabang si Tito sa labas.
"Usap lang Francisca..." pagmamakaawa niya. Ito ang pangalawang pagkakataon na pumasok nga siya sa bakuran ng bahay. Unang pasok niya dito, tinapunan siya ng tubig ni Tita Krista.
Nilingon ko siya. Naka maong shorts at white t-shirt siya. Nakita ko ang pagmamakaawa sa mata niya. Ambang ilalayo ni Tito si Eion pero pinigilan ko siya.
"Mag-uusap lang kami tito" nagpaalam ako kay tito at dumiretso na sa sasakyan niya para doon na mag-usap. Umupo siya sa driver's seat matapos niya akong pagbuksan sa front seat.
"Francisca... alam kong malabo na maniwala ka sa akin pero sana pakinggan mo ako" panimula niya.
Hindi ko siya nilingon. Diresto lang ang tingin ko sa harap. "Di ka na daw pumapasok sa eskwela" sabi ko.
Nakausap ko kasi isang araw si Leo at sinabi nga niyang di na pumapasok si Eion sa klase at nagwa-warning na rin ang mga propesor niya.
"I'm slightly distracted..."
"From what?" marahas akong napalingon sa kanya. Yumuko siya. "Don't use me as an excuse Eion!" depensa ko.
"Francisca, you misunderstood me" dagdag niya. "I sent those messages to Divinia because..." he trailed off. Mariin ang titig ko sa kanya.
"Because of what?" huminto ako para ikalma ang sarili. "Ako ang pinangakuan mo pero bakit iba naman yata ang dadalhin mo sa altar?"
"I'm sorry... yes, I courted her" pagkumpirma niya. Nababadya ang luha sa aking mga mata. Tumingala ako para di ito tuluyang umagos. "But I did that to help you"
I scoffed in disbelief. To help me?
"She's a cousin of a Tiniente" mahinahon niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Doon na ako napalingon ng tuluyan sa kanya.
"What do you mean?" Alam ba niya? How? Sa pagkakaalam ko walang nangahas na magbigay ng testimonya sa araw na iyon. Pagkatapos ng gabing iyon ay kahit mangilan-ngilan ang nakakita, hindi iyon napag-usapan kailanman. And there were no CCTVs there! Kung meron man, madilim ang paligid. Di din kita!
"I investigated about your case..." tinaasan ko ang kilay ko. Hinihintay ko ang dagdag niya. "I'm sorry... but I badly want justice for you!"
"Is courting her necessary to do that?" I stand firm with my belief! "You're making excuses to divert the real issue!" panunumbat ko.
"Maybe... I did it wrong" pagsang-ayon niya sa akusasyon ko.
"Paulo Tiniente is a powerful person" paglalahad ko ng katotohanan. Siya naman ngayon ang nanlaki ang mga mata.
"You know him?!" naaalarma niyang tanong. "It doesn't matter if he's powerful or not!" muntik na niyang sabunutan ang sarili. Hinampas niya ang manibela at paulit-ulit na nagmura.
This is my first time to see him this violent. Tinablan ako ng takot doon. I thought he's going to punch me or something but he remained seated. "Fuck! Damn it!" malutong niyang pagmura.
"How did you know him?" tanong niya. Napakurap-kurap ako. "Did you join the Frat?"
Napaawang ang labi ko. How far did he investigated the case? Alam ba niya ang tungkol sa Frat?
"This is not the issue here Eion" pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang nawawala na kami sa totoong away.
"What's the issue? Fuck!" naghihisterya na siya. Pinikit ko ang mga mata ko sa takot. "Didn't I made myself clear?"
"Hindi ako naniniwala sa'yo" sa pagkakataranta ko iyon ang nasabi ko. It sound stupid!
"Divinia's mother is a Tiniente! Magkapatid ang mommy ni Divinia at papa ni Paulo. I don't know if you'll feel comfortable hearing this... but you can say that I just used her!" he fired up.
Hindi ako umimik. I touched my belly... Bumalik ang galit ko na isinantabi ko lang pala.
"I needed to restore our friendship so I can get closer to Paulo Tiniente. They were close cousins... they talk a lot" sunod-sunod na sabi niya.
"But you flirted with... her" namamaos kong sabi.
"I'm sorry... I badly want to investigate" he convinced me.
"And I told you never to investigate about that case!" I blurted out.
"I can't just sit around knowing you've been suffering with your past" saad niya. Yumuko ako. "Forgive me, Francis-ca. I only did thaf for yo-u" pumiyok ang boses niya. Nanlambot ako dahil doon. Tumango-tango ako.
"Eion..." sabi ko at pinatakan siya ng halik. Lumayo ako pagkatapos ng malalambot ng pagdampi ng labi namin. I sighed calmly.
"Now let's go back to your secrets" tinignan niya ako. He clenched his jaw as if trying to regain his cool. Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...