Will you?
Nagpahinga muna ako at ninamnam ang lahat ng pangyayari. Isang sulyap sa bata ay napawi lahat ng aking pangamba. Isang sulyap sa sanggol, ay di ko naiwasang maluha. He was an angel. Lahat ng dinanas ko ay naglaho na parang bula.
Hinawakan ni Eion ang kamay ko. "Salamat..." sambit ko. Nakaupo siya ngayon sa bandang kaliwa ko habang ang bata ay nasa kanan. Eion smiled as a response.
Naiilang ako dahil ang taong pinagtabuyan ko ay siya rin palang tutulong sa akin sa mga araw na ito. Nakalimutan ko lahat ng away namin... ang konting pagseselos at pagtatampo na nararamdaman ko at dinadala sa loob ng ilang buwan ay parang wala namang katuturan. Pangamba lang iyon at di kami matatapos dahil lang doon.
We talked about a lot of things. He was trying to catch up with me. How I live those months away from his sight, he's eager to know the details.
"Okay lang Eion. Di mo naman obligasyon..." napahinto ako sa pagsasalita nang mapansing medyo nakaka offend ang sinabi ko. "I'm sorry" naiilang akong tumatawa-tawa.
Tinignan niya ako at hinaplos ang tiyan kahit wala na naman doon ang bata.
"Your tita and tito are very strict, di ako makalapit" sabi niya. "I want to get rid of Divinia but my mom always find her way to encourage Divinia to come close to me. Believe me..." he sounds pleading.
"Did you graduate?" I asked him out of the blue. It's March and narinig ko ang graduation na ginanap sa unibersidad namin.
Nayuko siya. I feel sorry for him. Did he not? Why?
"Natapos ko" he declared. Nabuhayan ako doon.
"Congrats!" masigla kong sambit. He just smiled. Napakunot ang noo ko. "Why?" napatanong ako. Hindi siya sumagot. Nabalot ng katahimikan ang paligid.
"Have you forgiven me?" he asked back after the deafening silence.
Napakurap-kurap ako. Why would he ask me that? Isn't it obvious? We're talking now.
"Patawarin mo sana ako-"
"Eion, wala na iyon. Ganoon talaga..." natatawa na ako.
"Can I still father your chi-ild?" he asked me. Nanindig ang balahibo ko roon. Tumango ako.
"I cannot get the justice..." sabi ko kahit di naman niya tinatanong.
"I'll help you. They commit a sin, they deserve to suffer" matigas ang pagkakabigkas niya. Hinagkan niya ako.
"I tried to file a case but the police wants a material evidence" dagdag ko. Nginitian niya ako. Parang gusto niyang di na muna namin pag-usapan iyon.
"Don't think about that right now" hinaplos niya ang buhok ko.
"Sleep now. It looks like you're tired" sabi niya ng wala ng nagsalita sa amin. He give me a soft kiss. I dozed off to sleep.
Isang patak ng halik sa noo ko ang gumising sa akin. Madilim ang paligid. Napabalikwas ako sa pagkakatulog. Mahimbing rin ang tulog ng bata sa tabi ko. Nandito na kami sa bahay isang araw pagkatapos ko manganak.
"Magbihis ka na. Sa labas na tayo kumain" paanyaya niya. Nagbihis nga ako.
Nagpaalam kami kila tita at tito. Tumango naman sila. May nakahilerang grocery sa lamesa. Napatingin ako kay Eion. He was persistent.
Hininto niya ang sasakyan niya sa isang mamahaling restaurant. Marahan niya akong hinila papasok doon. Sa fifth floor daw iyong naka reserve na table namin. Pagkabukas ng pinto aa isang silid doon ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang scented candle sa paligid. Mayroon ding mga rose petals sa sahig.
"What is this Eion?" tanong ko habang mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Ang isang buong silid ay kami lang ang nag ukupa. Parang nirenta ang silid na ito para lang sa amin. Mangha akong napatingin sa kanya.
Dim pa ang lights. Para akong nasa isang romantic dinner. Isinayaw ako ni Eion. Mabining musika ang bumalot sa amin. Pinikit ko ang mga mata ko ng halikan na niya ako. Saktong pagkatapos ng halik ay iginiya niya ako sa upuan tapat ng lamesa.
Nag-iba rin ang musika. Galing sa mahinahon na ritmo naging mas mabini ito parang idinuduyan ka sa rahan nito.
"Happy 5th Anniversary..." binigyan niya ako ng bulaklak.
Bumilog ang bibig ko. Muntik ko nang makalimutan!
"Happy 5th Anniversary Eion" I replied.
He handed a gift for me too. I opened it... an elegant necklace. Sinuot niya sa akin Eion. Binuksan ko iyong mas malaki pa at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ito. It's a limited edition phone. Tinignan ko siya.
"Napansin ko kasing wala kang phone na pwede kong i contact"
I hugged him. "Thank you!"
"Eion..." kinausap ko siya pagkabalik ko ng upo. "I'm sorry... I have nothing to give. Babawi ako!" pangungumbinsi ko.
"It's okay..." natatawa na siya. "I know the last years were difficult for us. But I'm still thankful..."
Nakita kong lumandas ang luha sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mesa.
"I love you Eion..." sabi ko. "I'm the one who's thankful for your patience. I'm sorry for being a brat to you" I chuckled.
"I love you more Francisca" hinalikan niya ako.
Maya-maya lang ay iginiya niya ako palabas ng mesa at lumuhod siya.
"I know this is delayed. Dapat bago ka pa nanganak tinanong ko ito. I'm sorry..." he trailed off. "I broke the promise. But I assume it's not yet too late?" he chuckled.
"Is it too much if I'll ask you, will you marry me?" he opened a small box with a ring on it!
Tuluyan nga akong napaiyak. Pinatayo ko siya. I hugged him very tight.
"It would be rude if I say no, after all these years... I know how much you love me Eion amidst everything" sabi ko. "Thank you so much... I say yes! Yes... Eion!" pagpapatuloy ko.
Napatalon-talon si Eion pagkarinig noon. Malaki ang ngisi niya habang sinisigaw ang "Yes!"
Pinasuot niya sa akin ang singsing na iyon. Isa itong makintab na singsing na napapalibutan ng maliit na diyamante. This is too expensive for an engagement ring!
Dumagsa na rin ang mga musikero palapit sa banda namin at nagpatunog ng nakakagiliw na musika.
![](https://img.wattpad.com/cover/233784193-288-k182665.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...