Sampa
"I'm sorry. Did I wake you up?" tanong niya. Nabuhayan ako ng loob. Tears rolled down my cheeks. I am very happy. I hugged him tight immediately.
"Thank God!" maligayang salubong ko sa kanya. He kissed me. "I love you" sabi ko.
"Sabi ko sa'yo. Okay lang ako" he snapped his finger to convince me.
Nag-usap pa kami ni Eion. Nagtatawanan kami. "Si baby Ezekiel?" tanong niya bigla.
"Si Manang na ang nagpresintang mag-alaga. Hinihintay ko ang paggising mo" sabi ko at pinatakan siya ng halik.
"Hindi ko in-expect na mabubuhay ako" pagbibiro niya pero di ako makatawa doon. Tinampal ko ang braso niya at nagalit sa biro niya.
"Joke lang 'yun" paghingi niya ng tawad ng mapansing di ako umimik. Umusog siya ng konti sa pagkakahiga sa hospital bed at tinapik ang bakanteng space para tulugan ko katabi niya. Hindi ko ginawa iyon. Baka mabigatan ang bed at mahulog pa kami no? Naku!
"Iho!" dumating agad si Donya para salubungin si Eion. Kinalas ko naman ang pagkakahawak kay Eion. Napawi ang ngiti ni Eion ng makita ang mama. "I'm so sorry son" tuluyan niya na ring niyakap ang anak.
Napatingin naman ako sa banda ni Don na ngayon ay nakatayo at pinagmasdan ang mag-ina.
"Ah... labas lang" pamamaalam ko para makapag-usap na sila. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Eion. Pinihit ko ang pintuan at umalis na sa silid.
Kumain na muna ako sa malapit na kainan dahil ramdam ko ang kumakalam na sikmura. Nilakad ko ang distansya para pumunta sa sikat na bulaloan. Umupo ako sa bakanteng upuan pagkatapos mamili ng pagkain. Nakakatakam ang dinisplay na pagkain. Mas lalo akong ginanahang pumili doon.
Nasa gitna ako ng pagnguya ng maalarma sa presensya ng isang lalaki. Ngumiti ito sa akin at tumindig ang balahibo ko doon.
Naghahanap siya ng mauupuan. Sinuyod ko ang buong karinderya at nakita ang kasamahan niya.
"Uy Francisca!" bati ni Chrysler ng namataan ako. "Dito nalang tayo!" anyaya niya sa grupo.
"Uy malapit na ang kasal diba?" bati ni Jaz.
Minadali ko ang pagkain at umalis na. Baka ano pa ang magawa ko sa demonyong kasama nila! Nagtaka pa si Chrysler sa inasal ko kaya hinawakan niya ang braso ko para pigilan sa pag-alis. Nag-alab ang galit sa'kin. At walang ano-ano'y sinugod ang lalaki sa likod niya.
"What the-" nagulat maging si Jaz sa inasal ko.
Pumutok ang labi ni Paulo. "Litsi ka!" sinuntok ko pa siya ng ilang beses. Di ako nagpaawat. Umiyak na rin ako. "Walang hiya ka!"
Susuntukin ko pa sana si Paulo Tiniente ng harangan na ako ni Jaz. Walang imik ang rapist na yumuko lang.
"Stop it!" pagharang ni Chrysler naman at hinawakan ang kamao ko.
Tinuon ko ang atensyon sa rapist na iyon! Wala siyang puso. Ngingiti pa siya sa akin. "Rapist!" sumigaw ako.
Namilog ang mga mata ni Chrysler at Jaz maging ang dalawa pa nitong kasamahan. Kitang-kita sa mga mata nila ang gulat. Di ako mapakali hangga't di ko nadudurog ang pagmumukha ng rapist na 'yan!
"Shhh..." pagpapatigil ni Chrysler sa akin. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. Gusto niya akong kumalma. Hindi ako makakalma hangga't may demonyo pa ang hindi namamatay!
Lumapit na rin ang may-ari ng karinderya maging ang tagaluto para ipaalis na ako.
"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" umaalingawngaw ang boses ko habang hinahatak na ako palabas.
Dalawang araw nanatili si Eion sa hospital. Pagkatapos ay umuwi na kami sa condo niya. Kung walang nangyaring ganito, ngayon sana ang kasal namin.
"I'm sorry. Hindi na naman nangyari ang pangako ko" malungkot na sambit ni Eion habang yakap ako isang gabi.
"Okay lang..."
We postponed the wedding at tinawagan namin ang lahat para ipaalam sa kanila ang nangyari. Hindi naman karamihan ang naimbita sa kasal namin. Si tita, tito at papa na alalang-alala sa nangyari maging ang ka Fraternity ko ay tinext ko para malaman nila. May numero ako kay Chrysler kaya di na ako nahirapang isa-isahin pa sila, siya na daw ang bahala. Tinatanong ni Chrysler ang rason pero di ko na siya sinagot. Si Eion naman ay ang kaibigan ang sinabihan.
Natutulog kami ngayon sa kama at nakatalikod ako sa kanya. Mahimbing na rin ang tulog ni Ezekiel. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Hindi 'yon okay..." sabi niya habang nakatuko ang panga sa balikat ko.
I faced him to assure na okay lang at makakapaghintay iyon! We have bigger problems now and we need to solve it first!
He chuckled nang maramdaman ang lapit namin. Malalambot na labi ang dumampi sa labi ko. I tried to open my mouth to give him access to deepen the kiss at mas lumalim nga iyon. I moaned a bit nang maramdaman ang sensasyon sa halik na iyon.
Hindi ko sinabi kay Eion ang interaksyon namin ni Paulo sa araw na iyon. Hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos ng araw na iyon kaya hindi na ako nag-atubili pang sabihin sa kanya.
Pagkatapos ng pagkakabaril ni Eion ay agad na dinakip si Marie. Mariin ang pagtanggi ni Marie sa pagbaril kay Eion hindi nakatulong na nakatakas ang kasamahan niya pero kinumpirma ito ni Eion pagkagising. Ngayon ay nasa kulungan si Marie at kasalukuyang nira-run ang test dahil umano nawawalan lang ng bait.
"Magsasampa tayo ng kaso Eion..." determinado akong sabihin sa kanya isang umaga.
Bumabalik sa akin ang alaala ng ngisi ng lalaking iyon. Hindi pwedeng ganoon nalang. Namumuhay siya ng payapa sa gitna ng kanyang pagkakasala? Hindi ko hahayaan 'yon! Sa tuwing nakikita ko si Paulo Tiniente na palaboy-laboy lang sa kalsada at namumuhay ng normal, nag-aalab ang galit ko! Dapat noon ko pa ito ginawa, eh!
Nangalap kami ng impormasyon mula sa pagkaka rape ko at pagkakabaril niya. Nag hire ng private lawyer si Eion para doon. May nakalap na din naman si Eion sa sariling pag-iimbestiga sa kay Divinia.
"Speaking of Divinia, asa'n na kaya siya?" tinanong ko si Eion sa gitna ng pag-iimbestiga. Eion shook his head parang ayaw siyang pag-usapan.
"Magtatanong ka tapos magseselos ka na naman" seryoso niyang sagot na mariin ang tingin sa laptop.
Tumawa ako doon. Hindi ko siya pagseselosan no! Sobra naman ang pag-aakusa ng lalaking ito!
"Totoong curious lang ako" may patuya sa tono ko kaya natikom ko ang bibig ko. Umiiling-iling siyang napapangisi sa akin.
"Ang kuha ng CCTVs ay medyo madilim. Hindi masyadong nakikita nag pumasok at lumabas sa banda dito" sabi ng isang imbestigador at tinuro ang madilim na parte ng lugar.
Nagulat ako na mayroon palang CCTV doon. Kaya lang ay di rin maliwanag. I tried to memorize the shirts of the rapist at ang kasama niya.
Walang CCTV sa pinangyarihan pero ang magkabilang kanto ng kalsada ay mayroon. Iyon ang pinagkakaabalahan naming tingnan.
Sumeryoso kami sa imbestigasyon at pinakatitigan ang video na iyon. Kailangan naming itawid ang kaso at ipanalo dahil iyon ang hustisya. Magbabayad ang kailangang magbayad!
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...