Bisita
Hindi ako mapakali at hindi rin ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang text ni Divinia sa kanya. Kung ganoon mag text si Divinia, paano nalang kaya kung tawag?
Pinagmasdan ko ang mukha ng tulog na tulog na si Eion. I opened his phone. Pinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng text messages niya. Paulit-ulit akong nag iiscroll pero bumubungad lang talaga ang mga malalanding texts ni Divinia sa akin.
Divinia: I missed you... :(
Hindi iyon nireplyan ni Eion. Ito ang pinaka recent na text ni Divinia kagabi. 10pm ito na receive. In-off ko na ang phone ni Eion. Si Divinia lang naman ang may gusto sa kanya. Wala naman sigurong interes si Eion.
Bago ako lumabas sa kwarto ay tinignan ko muna ang sarili sa salamin. These past few days, I feel ugly! Bumibilog na rin ang tiyan ko. Maliit pa naman ito pero mapapansin na talaga pag tititigan. Nanliit ako sa sarili ko. Divinia is way more sophisticated and hot than me!
Paulit-ulit na nagre replay sa isip ko ang mukha ni Divinia. Maganda siya, matangkad at kilala ko siya simula palang. Higit sa lahat, gusto siya ng mama at papa ni Eion. Minsan na rin kaming nag away ni Eion dahil sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto ng hindi mapakali hanggang sa sumikat na ang araw. Naisipan ko nalang na magluto. Sabado ngayon kaya walang pasok. Wala din namang sinabi si Chrysler na ganap sa Frat kaya wala akong gagawin sa araw na ito. Babawi nalang siguro ako ng tulog mamayang hapon.
"Good morning babe" hinalikan ako ni Eion sa pisngi habang abala ako sa pag-on ng stove. Ambang hahalikan niya ulit ako pero hiniwalay ko ang mukha sa kanya.
Tinignan ko siya. Nadismaya siya sa reaksyon ko. Hindi ko rin alam. Maski ako ay naguguluhan sa kung ano ba 'tong ginagawa ko. Nagiging irasyonal na ako at mainitin ang ulo.
"Nakatulog ka ba babe?" tanong niya. Halatang di pinapakiramdaman ang galit ko.
Hindi ko siya kinausap hanggang sa natapos ko na ang pagluto. Naglilinis na ako sa counter at hinanda na ang pagkain. Hindi na din naman nagtanong pa si Eion. Nabalot ng katahimikan ang paligid habang kumakain kami. Nasa gitna kami ng agahan ng tumunog ang cellphone ni Eion.
Kita ko kung sino ang tumawag. Si Divinia! Napairap ako. Napansin iyon ni Eion at pinatay ang tawag.
"Bakit ayaw mong sagutin?" tinignan ko siya. "Dahil nandito ako?" Nataranta siya sa sinabi ko nang nag ring ulit ang phone niya. "Sagutin mo!" hamon ko.
Nagdadalawang isip man ay sinagot nga niya. Napasinghap ako.
"Hi! Good morning Eion!" masiglang bungad ng babae sa kabilang linya. Kahit di naka loud speaker ang tawag ay rinig ko iyon sa lakas.
"Hello Divi-nia" nauutal pang sagot ni Eion. Matalim ang tingin na ipinukol ko kay Eion. Hininto ko ang pagkain ko para pakinggan ang tawag nila.
"I-loud speaker mo" matigas na sambit ko ng di ko na marinig ang pinag-uusapan nila.
"I can't wait to see you around. We might visit in your condo today. I'm not sure what time pero tita request me to do so kasama ko rin si mommy. Wala ka naman sigurong lakad ngayon..." humahagikhik si Divinia sa pagkakabigkas non.
Napaubo ako sa sinabi niya. Hinihintay ko ang sagot ni Eion.
"Eh kasi..." utal na sambit ni Eion. Shit! Bakit di niya diretsohin?
"Miss ko na rin diyan sa condo mo" rinig ko ang kalandian ng boses sa kabilang linya.
"Kasi... Divinia. May lakad kasi ako" napakamot si Eion sa batok niya. Hinilamos ko na ang mukha ko sa frustration. Bakit di niya direstsuhin? Bwisit!
"Hintayin nalang kita sa condo mo. Alam ko naman iyong password mo" sunod-sunod na sabi ni Divinia.
Tumayo na ako sa pagkakaupo. Patikhim tikhim akong nanggalaiti sa galit. Hinihintay na matapos ang tawag. Pabalik-balik akong naglalakad malapit sa mesa.
"Okay bye. I love you" nanlaki ang mga mata ko sa pamamaalam ng babae sa kabilang linya. Hindi na nakaapila pa si Eion. Tinignan ko siya, nadidismaya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa maaaring maisigaw sa kanya.
Lumapit si Eion sa akin. "Bakit di ka makahindi?!" di ko na napigilan ang sarili ko.
"Babe..."
"Sagutin mo sa ako Eion! May namamagitan ba sa inyo?" muntik ko nang sabunutan ang sarili.
"Walang namagitan sa amin Francisca" sagot niya. "Magkaibigan lang kami"
"Talaga?" sarkastiko kong tanong. "Alam niya password ng condo mo? Kaibigan, wow! Tapos may pa i-love-you? Ang sweet niyo naman!"
"Childhood friend kami Francisca! Alam mo 'yon!"
"Wow! Di ako makapaniwala. Alam ko iyon eh. Pero di ko alam na malalim na pala pinagsamahan niyo" sumigaw na ako. "Akala ko ba nilayoan mo na siya?"
"Hindi ganoon kadali iyon. Si mama..." sinubukan niyang mag rason.
"Oo, nirereto siya ng mama mo diba? So ano, kailan mo sasabihin ha? Ano ako dito? Sino ako?" malabo na ang mga mata kong hinarap siya.
"Mahal kita Francisca..."
"Lintek! Ngayon... pupunta siya diba? Aalis ba ako? Itatago mo ba ako? Baka kasi nakakaintriga pa ako?" puno ng sarkasmo sa tono ko.
"Francisca..." di na natapos ni Eion ang sasabihin niya ng marinig ang doorbell. Nandito na sila!
"Oh ayan na ang bisita mo! Magpakasaya ka!" sarkastiko kong sabi.
Umalis ako. Sinundan niya ako sa kwarto. Lahat ng damit ko ay kinuha ko at nilagay sa maleta. Saan ako lulugar ngayon? Pag nakita ako ng mama ni Eion lalo na't nandito ang mommy ni Divinia, pagsasalitaan ako ng masama non!
Tinulak ko palabas si Eion. "Kausapin mo muna bisita mo" at nil lock ko ang pinto.
Gusto kong mag eskandalo pero wala ako sa posisyon para gawin iyon! Pasanin lang ako ni Eion na pwede niyang bitawan kung gugustuhin niya. Divinia is better than me! Everybody else is better than me! I chose to be patient instead... atleast for now.
"Hi Eion!" galing sa kwarto ay dinig ko ang bungad ni Divinia doon. Siya na siguro ang kusang nagbukas sa condo ni Eion.
"Uh..." rinig kong panimula ni Eion.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
Lãng mạnHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...