Sako
"Francisca!" bati ni Eion at pinarada ang sasakyan niya, binabaan ang bintana ng kotse. Hindi ko siya nilingon. Pauwi ako isang hapon nang makasalubong ko naman si Eion palabas.
"Umalis kana Eion"
"Delikado sa daan. Hatid na kita" yaya niya.
Dire-diretso pa rin ang lakad ko. Bumaba siya sa kotse niya.
"Halika na sabi" hinablot niya ang kamay ko.
"Iwan mo nga ako mag-isa!" sumigaw na ako. Natahimik naman siya. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para umalis na. "Hindi ko first time, okay?"
Nakarating din naman ako kahit na sinusundan ako ng kotse ni Eion.
Pumasok ako sa bahay.
"Buti naman naisipan mong maagang umuwi ngayon?" sarkastikong bungad ni tita sa akin na di ko na pinansin.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Pupunta na sana ako sa taas ng pigilan ako ni tita Krista.
"Lasing ang tito mo" banta niya. "Hintayin mo munang matulog bago ka magpakita"
Alam ko ang ibig ipahiwatig ni tita. Totoong may pagnanasa si tito Ricardo sa akin at mas lalo itong napapakita tuwing lasing siya. Hindi lang ako sigurado kung ganoon din ba ang iniisip ni tita. Sinunod ko naman ang sabi niya.
"At 'yang palda mo, ano ba naman?!" puna niya naman nang mapansin ang suot ko.
"Anong bang problema dito?"
"Malandi ka talagang bata ka. Nagmana ka talaga..." may pag-iling pang sabi ni tita. Di ko siya maintindihan. Lahat nalang problema sa kanya.
Lumabas sa kwarto si tito at bumaba sa hagdanan. Agad naman akong sinabihan ni tita na kumain na sa kusina.
"Bwisit, asa'n ba si Francisca?" halatang lasing na pagkakabigkas niya.
"Di pa nga nakakarating" pagsisinungaling ni tita. Nilapit ko ang tenga sa manipis na pader na humahati sa kusina at sala para mas marinig sila.
"Alam mo si Francisca, maganda" panimula ni tito. Wala akong ideya kung saan papunta ang usaping ito.
"Oo, pamangkin natin iyon eh" halatang napilitang sang-ayunan iyon ni tita Krista.
"Si Francisca sexy, parang masarap" dagdag pa ni tito. Nagulat ako sa idinugtong niya. Kawalang-hiya! Napahikbi ako. Manyak ngang talaga. Dinig na dinig ko ang salita niya. Wala pa siyang hiya na sa harap pa ng asawa niya sinasabi iyon.
"Gusto ko si Francisca sa kama" lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Shhh... Ricardo matulog ka na. Lasing ka" may halong pait ang pagkakabigkas ni tita doon.
"Hindi... hindi" pagtanggi ni tito. "Gusto kong hawakan ang sariwang pagkababae niya"
Narinig ko agad ang malakas na pagkakasampal sa pisngi ni tito. Natahimik si tito. Hindi na ako nakapagpigil.
Lumabas ako. Nagpakita sa kanila. Iniisip na baka mapano si tita ngayong lasing si tito at mainit ang ulo.
"Putangina, sa kusina nga lang sabi eh!" pinagbuntunan naman ako ni tita sa galit niya. Nakita ko kung paaano umaliwalas ang mukha ni tito Ricardo sa presensya ko. Maging si tita ay naalarma.
Kumuha si tita ng hanger sa upuan at pinaghahampas niya iyon sa akin. Nang mabali ang hanger ay di pa siya nakuntento.
"Bwisit kang babae ka! Malandi ka!" sinugod agad ako ni tita Krista sabay sabunot sa buhok ko. Masakit ang pagkakahila niya sa buhok na halos mapunit na ang anit ko.
"Tita masakit" pagmamakaawa ko.
"Masakit? Leche ka!" sabi niya pa mas lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko.
Si tito naman na paliko-liko ang lakad ay lumapit.
"Krista!" pagsisita niya.
"Ricardo, wag kang makialam dito. Ito yung peste sa buhay natin eh!" sabi pa niya. Nagmartsa siya papuntang taas kaya napahawak ako sa buhok ko. Hila-hila niya parin ako, napapaiyak na ako.
"Aray! Aray! Tita, please..." sabi ko.
Nang napunta sa kwarto ay agad niya akong binitawan at sumalampak ako sa sahig. Her eyes were bloodshot. I saw pain and anger disastrously mixed.
"Lumayas ka!" sigaw niya. "Dalhin mo lahat ng gamit mo at wag ka nang bumalik pa!"
Paulit-ulit ko naman itonv narinig sa kanya. Sabi palalayasin ako pero hananapinlang din kalaunan. Ngunit ngayong nakita ko kung gaano siya nawalan na pag-asa sa mga mata niya. Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa. She was serious!
Umiyak ako ng husto. "Tita please..." nakaluhod akong hinahawakan ang palda niyang suot. Sinipa niya ako.
"Lumayas ka!" hindi manlang niya akong magawang tignan. I can feel it. She still loves me but... he loves tito Ricardo more.
Siya na mismo ang kumuha sa mga damit ko at dali-daling itinapon sa bintana. Nanghina man ay nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya, asking for a change of mind from her. But she was firm. Her words are final!
"Alis na! Baka mapatay pa kita!" sigaw niya pa. Sinubukan ko siyang pigilan ng muli na naman niyang tinapon ang gamit ko.
"Wala akong mapuntahan tita" napapaluhod na ako at halos halikan na ang sahig sa pagmamakaawa.
Tinulak niya ako. Muntik akong mapasubsob sa sahig buti nalang ay naituko ko ang braso ko na ngayon ay nadagdagan na naman ang sugat.
"Alis na" sa mahinahong boses at umiiyak na pagkabigkas ni tita.
Marahan akong pumikit. Saan ako pupunta? I want to know the reason behind this suffering? Asa'n na 'yong sinasabi nila na lahat ng nangyayari ay may rason? Bakit anong rason na namanba ngayon? Wala akong nagawa kundi umalis nga.
"Francisca..." puno ng pagsusumamo ang mata ni tito habang tinitignan ako sa labas malapit sa bintana na nagkandaugaga sa pagkuha ng gamit ko.
"Bwisit ka!" sigaw ko sa lasing. I wipe my tears away but they keep on flowing like a faucet.
Nahirapan akong dalhin lahat ng gamit ko lalo na't wala akong supot na paglalagyan. Nakita ko naman sa labas ang pagdagsaan ng tao. Mga chismosa!
Lumapit ako kay Aling Kuring at humingi ng sako man lang na agad niya namang binigay.
"Salamat po"
"Iha, saan ka ba tutuloy ngayon?" may pag-aalala sa salita niya.
Nginitian ko siya. "Bahala na po basta malayo di-to" pumiyok ang boses ko.
Nakauniporme akong nagpalaboy-laboy sa kalsada. Na walang ibang pera kundi ang bente sa bulsa. Dala ko pa ang bag ko.
"Lecheng buhay!" pagsisigaw ko sa harap ng nakikiusyosong kapitbahay. Nawawalanna ng hiya sa sarili. Nagsialisan naman sila. "Tapos na ang palabas! Bwisit!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...