20

131 12 0
                                    

Peklat

"Now let's go back to your secrets" he faced me.

"Secrets?" medyo na offend ako sa sinabi ni Eion. Pero totoo din naman kasi. Madrama ko pang hinawakan ang dibdib ko. Napatingin siya doon at marahang tumitig sa kanang kamay ko.

"What's this?" marahas niyang hinablot ang kamay ko na may peklat. Bumilog ang bibig ko nang mapagtanto kung ano ang napansin niya sa kamay ko.

Hindi ako nagsalita. Kinabahan ako. Huli na ako sa akto! Made-deny ko pa ba? Paulit-ulit niyang tinitignan ang galos ko sa braso. Sa kaliwa at kanan. Marahan niyang hinaplos ito. Akmang babawiin ko na nang magsalita siya.

"Kailan mo ba sasabihin lahat ng pinaggagawa mo?" marahan ang pagkakabigkas niya noon pero natakot pa rin ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili sa pagtingin sa harap ng salamin ng kotse.

"Francisca!"  Medyo tumalon ako sa pagkakasigaw niya. Napalingon ako sa kanya. Umiigting ang panga niya at halatang may palagay na siya sa anong ginagawa ko. "Sumali ka sa Frat?"

"Yes, you're right Eion! Sumali ako sa Frat!" hindi ako makatingin sa kanya. Walang saysay kung magsisinungaling pa ako.

"For what?!" mariin ang titig ni Eion sa akin. Galit na galit talaga siya. Hawak niya pa rin ang braso ko na may peklat dahil sa sandugo. Hinahaplos niya ito ng marahan.

"I needed support for my studies, Eion!" pagdepensa ko. Marahas kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I can do that for you!" halos pasigaw niyang sabi.

"Saan ka kukuha?" Mariin ko siyang tinitigan.

"Pwede naman akong humingi kay mama pansamatala!" agad niyang sagot. Oh great!

"At anong sasabihin ng pamilya mo? Binibigyan mo lang sila ng rason para maging katotohanan ang opinyon nila sa akin!" pumiyok ang boses ko.

"Ang ano Francisca?!" puno ng tanong ang mga mata niya pero pinipigilan niya.

"Na ginagamit lang kita... na isa akong gold digger!" there I said it! It's my pride talking to be his wife without negative comments is all I ever dream to live for.

"Hanggang ngayon pa rin ba Francisca, iniisip mo parin 'yan? Bakit totoo ba?" umiling ako. " 'Yon naman pala eh. Wala akong pakealam sa sinasabi ng iba!"

"Ayaw ko nga ng tulong mo!" I faced him. I want to prove a point. I want to tell him that his mother's opinion matters most to me!

"So iniisip mong ang lecheng Fraternity na 'yan ang sasalba sa'yo?" tanong niya. Hindi ko na siya magawang tignan.

Am I really thinking that way? Pumasok ba ako sa Fraternity para doon? No, I wanted revenge! I wanted to get even! Bonus nalang ang pag-aaral. I want the training so bad!

"May ideya ka ba kung gaano ka peligroso ang pinasukan mo?" dagdag niya. Lumandas ang luha sa mga mata ko.

Natameme ako. Di alam ang isasagot. Noon, di ko inisip ang posibleng mangyari pag pinasok ko ito. Pero wala na akong magagawa, nandito na! At hindi ko pinagsisihan 'yun! May naitulong ang Frat sa pag-aaral ko kahit isang semestre lang iyon.

"Francisca..." humina ang boses ni Eion. Gusto niyang harapin ko siya.

"Hindi ko gusto ang pagsigaw-sigaw mo sa akin ha" ginamit ko ang pagkakataon para pagsabihan siya. Sa bawat sigaw niya, napapatalon ako ng wala sa oras. Maging ang bata sa sinapupunan ko  ay ramdam iyon.

Hinimas ko ang tiyan ko ng maramdaman na naman ang pagkalikot ng bata.  Napatingin siya sa pagkakahimas ko doon.

"Baby bumps?" namumungay ang mga mata niyang tinitigan ako. Nag-iba ang timpla ng mukha niya parang namamangha siya sa paglikot ng bata sa tiyan ko. Ako naman ay namimilipit na sa sakit.

"Kung di naman tayo mag-uusap ng mahinahon, wag nalang" nanghihina kong sabi.

"I'm sorry... nadala lang ako" saad niya. Umirap ako sa kanya. Pinahid ko ang luhang lumandas sa kaunting pagtatalo namin ni Eion.

Nitong mga nakaraang araw, nagiging sobrang emosyonal ako. Nagse self-pity at may mga pagkakataon na gusto ko nalang magwala.

"Sinusumbatan mo ako? Bakit kaano-ano ba kita?" mahinahon ang boses sa pagkakabigkas ko ng mga katagang iyon.

Natameme si Eion sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala na sinabi ko iyon. Namilog ang mga mata niya.

"Boyfriend lang kita Eion na maaring sa pagdating ng panahon... iiwan mo ako o iiwan kita" iyon ang sinabi ko bago pinihit ang pinto para umalis. "Pamilya ko nga iniwan ako. Ikaw pa kaya?" may halong pait doon.

Sinubukan niya akong habulin. Lumabas siya sa kotse at hinila ang kamay ko. Hindi ako umiyak. Nanatali akong nakatayo. Nanigas ako at namamanhid na rin.

"May karapatan akong mag desisyon para sa sarili ko. Kung ayaw mo ang gusto ko... edi ayawan mo nalang din ang pagiging ako" dagdag ko.

Natatalo na ako ng buhay. Lahat ng desisyon ko puro palpak. Kahit maging okay kami ni Eion, balakid parin sa amin ang mama niya. Sa katunayan maraming balakid... buntis ako sa isang rapist. May Divinia siyang nirereto ng mama niya. I don't know why the hell I'm still holding on to him. When everything else go against us!

"Francisca, ayaw ko lang mapahamak ka" pagpapaumanhin niya.

Makikipagtalo pa sana ako ng biglang may tumawag sa kanya. Base sa boses niya, may palagay na ako sa kung sino iyon.

"Jasper Eion!" napatingin ako sa nagsalita. Malaking ngiti ang nakaguhit sa mukha ng papalapit ang babaeng matangkad patungo sa amin. Base sa ayos niya, pagtsi-tsismisan naman ito panigurado sa karangyaan.

Hindi inalis ni Eion ang tingin sa akin. May mga tsismosang nag-aabang sa gilid. Napairap ako sa kawalan.

"Oh ayan na pala siya" puno ng sarkasmo kong sambit.

Nanghina siya sa pagkakahawak sa braso ko. I sighed in frustration. Ginamit ko ang pagkakataon para iwan siya at pumasok na sa bahay.

Napasapo muna sa noo si Eion bago humarap sa tumawag sa kanya. "Divinia, hindi mo kailangang pumunta dito" pinagalitan pa niya ang malanding iyon.

"I've been looking for you! Nandito kalang pala!" tumatawa-tawa pa ang bruhilda.

"Divinia, I have something to fix please..." sinusubukan niyang patigilin ang bruha.

Tumingin ulit si Eion sa banda ko nang napansin na palayo na ako. Agad namang humarang si tito para hindi na ako masundan pa ni Eion. Umakyat ako sa taas subalit sa pinto palang ng kwarto ko, napahagulgol na ako.

So the days went by, and yet no progress happened? Almost three months? He went to me without settling with her mother and that woman! Bakit di niya kayang direstsuhin ang babae? Halata sa ngiti noon na umaasa siya kay Eion! Hindi naman siguro magiging ganoon si Divinia kung hindi siya pinapaasa ni Eion!

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon