04

228 16 0
                                    

Fraternity

Sa kaguluhan ng pag-iisip ko. Di ko na alam ang dapat na gawin. Alam ko lang na kung gusto kong di na maulit ang nangyari sa akin, kailangan kong matuto! Wala akong pera kaya napilitan akong sa Frat na sumali.

Hapon ng lunes ng isinama ako ni Chrysler papunta sa sinasabi niyang pinuno ng Frat.

"Uy bro" tinapik ang braso ni Chrysler pagkarating palang namin sa basement ng isang may malaking katawan na lalaki.

Ang basement na ito ay matatagpuan sa isang prestihiyosong kompanya.

Nagtaka pa nga ako na dito nila idinadaos ang pagpupulong. Sinabihan naman ako ni Chrysler na isa sa miyembro ng Phi lota Alpha ang nagmamay-ari nito.

"Bro, eto na ba?" sumali naman sa usapan ang isang matipunong lalaki. Kung pagbabatayan sa tikas at tangkad ay nasa 20 ang edad niya.

"Eto yung pinuno namin, si Jaz"

"Naku baka spy 'yan ha?" matigas na sambit ng pinuno.

"Oy hindi Master. Wala tong sinalihang iba" tumatawa-tawa pa si Chrysler.

Nginitian ko si Jaz. Walang kaemo-emosyon na napatitig lang siya sa akin.

Pinapasok niya ako sa isang silid. Habang nag-uusap naman ang iba pang samahan.

Malaking 'Phi lota Alpha' ang nakasulat sa pader harap ng pintuan na may nakasulat sa baba naman na 'Always ready, always joined' Pininturahan ito doon at may kumikinang pang parang dyamante sa paligid. Kulay blue ang silid na may halong puti.

"Di ako kumbinsido sa application mo ha" padabog niyang nilapag ang papel sa kabinet papunta sa lamesa inayos niya ang mga dokumento.

Napatingin naman ako sa gawi niya.

"Master-"

"Tsaka mo na akong tawaging master pag sigurado ka na, may pagsasanay pa tayong gagawin" malamig na sabi niya na nagpatigil sa akin.

Una, walang ka relasyon sa miyembro.

Pangalawa, walang iiwanan, dapat sama-sama ano man ang mangyari.

Pangatlo, walang magsisiwalat ng usapan ng grupo.

Tumango-tango ako sa pagdi diskusyon niya ng mga palatuntunin.

"Ang sino mang lumabag ay papatawan ng parusa sa kahit anong paraan. Maari kang ma expel sa grupo at di na makakabalik pa!" lumakas ang tono ng boses niya na mula sa pagkakaupo ay napatayo ako at napaatras.

"Ano sasali ka pa ba?" tanong niya.

"Opo Master" sabi ko. Matatag ang loob na pasukin ito.

Ang bilin magkikita kami tuwing sabado para sa pagsasanay. Hanggang sa makuha ko na nga ang black belt sa taekwondo. Libre daw lahat kaya ginanahan ako. Hindi ako makakapasok pag di ko pagbubutihin ang pagsasanay.

"Saka ko na ipapaalam ang iba pa pag nakapasok ka na. Malinaw ba?" parang istriktong guro siyang makapagsalita. Tumango naman ako.

Sabik akong mag sabado na para sa pagsasanay. Doon pa rin daw ang tagpuan.

Pagkapasok ko sa sabado ng umaga ay bumungad agad sa akin ang nag-iisang babae ng Frat.

Ngumiti siya sa akin. "Bro, galingan mo" sabi niya.

Nasa field kami. Pinasakay niya ako sa kotse papunta sa training ground. Kami lang dalawa kaya mas lalo akong kinabahan.

"Stretch your legs!" sita ng pinuno dahil parati nalang akong palpak sa pagsipa. Hinawakan niya ang balakang ko. Nanindig ang balahibo ko doon. Gayunpaman ginawa ko ang aking makakaya.

Marami na siyang itinuro sa akin pero itong part na ito na training level 3 ay nahirapan talaga ako.

"Wider!" sigaw niya. Buong lakas ko ngang ginawa iyon.

Nakailang tries pa ako para lang sa pagsipa ng mataas. Hinihingal ako. I wear shorts and a fitted  blouse kaya bakat na bakat ang bra ko sa pawis. Napaupo ako.

Sinisipa sipa naman ni Jaz ang kung anong bagay sa paligid.

"Shit!" sumigaw siya sa frustration. "Sabi na nga bang pihirap ka lang eh"

Napatayo agad ako at agresibong sumagot. "Master, I will try again!" ginawa ko nga ang lahat.

Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito lalo na't may paparating na bayarin sa matrikula. Sabi kasi may pa scholarship sa Frat na ito.

"STOP IT!" umaalingawngaw ang boses niya sa paligid. Walang katao-tao dito at tapat na tapat na ang araw sa banda namin.

Napahinto ako. He demonstrated again. Ginaya ko ulit. Di ko alam pero parati nalang mali ang pinaggagawa ko daw. Sinusubukan ko naman.

With all my might, sumipa ako paitaas sa gusto niyang posisyon ng binti ko. Sa wakas naabot ko rin ang bakal na gusto niyang abutin ko.

Pumalakpak siya. "Good" sabi niya. "See you next Saturday"

Kinuha niya ang hydroflask at uminom doon. Uhaw man ay wala akong mabilhan, walang malapit na tindahan.

Hinatid niya ako patungo sa basement na pagpupulungan. Kinawayan pa ako ng babae na ang pangalan pala ay Marie.

Iyon na nga ang training namin at pinauwi na muna ako.

"Magpahinga ka muna. Whole day tayo sa susunod" bilin ni Jaz sa akin.

"Musta naman?" interview naman ni Chrysler ang bumungad sa akin sa elevator palang. Inakbayan niya ako. Umusog ako ng konti.

"Okay lang naman. Hirap..." bumuga ako ng malalim na hininga at hinihingal pa.

"Ganyan talaga sa training lang naman mahirap. Pagpasok okay na" kindat niya. Nanindig ang balahibo ko.

Pagkauwi ko galing sa training agad na tumambad sa akin ang hubo't hubad na katawan ni tito Ricardo. Alam kong wala si tita Krista ngayon at namamalengke.

Sinubukan kong umiba ng direksyon. Papunta sana ako ng kwarto ng nakasunod pala siya sa akin. Wala mang lock ang pinto ay sinarado niya ito. Di ko siya tinignan.

"TANGINAA!" sumigaw siya kaya marahan akong napatingin sa kanya. Kinamot-kamot niya ang titi niya halatang gustong makaisa.

Dali-dali akong nagbihis. Nanalangin na sana makarating na si tita. Papunta palang ako sa pintuan ng marahas siyang lumapit sa likod ko at ramdam ko ang matusok niyang pagkalalaki.

Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Sinubukan kong buksan ang pinto pero hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko.

"Tito..." pagmamakaawa ko.

"Matagal na akong nagtitimpi sayo" dinig na dinig ko ang kamanyakan niya sa sinabi.

Pilit kong hiniwalay ang kamay niya sa bewang ko. Ayoko siyang harapin. Lumandas ang luha sa pisngi ko.

Tumaas ang pagkakahawak niya papunta sa mauumbok kong dibdib. Humikbi ako.

Hindi pa naman nakakarating ang kamay niya sa dibdib ko. Sa pagkakataong iyon ginawa ko ang training ko laban sa kanya. Agad akong nakadistansya pagkatapos kong sumipa sa kamay niyang nakadikit.

"Aray!" hawak ang kamay niya naghihikahos siya sa  sakit ng pagkakasipa ko.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon na lumabas sa kwarto. Minuto lang ang nakalipas nakarating na rin si tita Krista. Yumuko ako. Nagi-guilty. Pawisan si tita Krista na nilapag ang pinamili. She glanced at me pero umakyat din siya sa taas.

Napahilamos ako sa mukha ko. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong sumali sa Frat. Maraming tao ang maaring magtangka sa'yo. Kailangan mong matutong dumepensa man lang.

Gusto ko ring umalis na sa pamamahay na ito nang di naagrabyado ang pag-aaral ko. Wala akong pera kaya buo ang desisyon kong sumali sa Phi lota Alpha lalo na't tumutulong din sila sa ka miyembro nila at para na rin tuluyan ng makatakas sa impyernong ito.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon