29

137 10 0
                                    

September 15, 2019

"The court is now in session. Honorable Judge Teodoro Alcazar is presiding" anunsyo ng kinauukulan.

Ngayon sinisimulan ang pagkilatis sa rape case ko noong September 15, 2019. Kita sa harapan ko ang dagsa ng mga tao. Marami ang hindi ko kilala na nasa banda malapit kay Paulo Tiniente. Siguro mga kapamilya niya! Sa kabilang parte naman ng taganood ay si Eion, Tita Krista at iba pang tao na pumapanig sa akin.

Ginawa namin ang lahat ng maaaring imbestigasyon at pinagsanay ang lahat ng sasabihin sa maaaring ibato na mga tanong.

"Call the case" sabi ng judge na nasa gitna namin. Dinaganan ako ng kaba doon.

"People of the Philippines vs Paulo Tiniente Criminal Case No. 1234 for: Rape" ani ng clerk of court.

"City Prosecutor Analiza Cabral for the prosecution, Your Honor" mahinahon na sabi ng prosecutor. Matangkad, medyo nasa katandaan na siya at halatang marami nang kaso ang napagtagumpayan at nalutas.

Nagpatuloy pang nagsalita ang iba pang opisyal. I tried hard to calm myself. This is my chance to speak for my right! I should not waste it!

"Ika-15 ng Setyembre 2019, nasa alas nuwebe ng gabi sa Munisipyo ng Paz Fierro, Province of Bukidnon, Philippines, kasali sa jurisdiction na ito of this Honorable Court, the above name accused,  by means of force, violence and intimidation attacked and raped against her will and consent, one Francisca Arida which resulted in physical injuries while the victim is in such defenseless situation" panimula ng court interpreter. "Contrary to law" dagdag niya pa.

"Naintidihan mo po ba ang akusasyon laban sa iyo?" tanong niya kay Paulo.

"Yes, Your Honor" tugon niya.

"What is your plea?"

"Not guilty, your Honor" sagot niya diretso. Napatayo ako galing sa pagkakaupo. How dare him!

Nagbatuhan pa ng salita ang court interpreter at ang Judge hanggang sa nagtawag na ng witness.

"Proceed with the trial. Prosecution, who is your witness?" anang Judge.

"The victim herself, Your Honor"

"Is she ready?"

"Yes, your Honor"

"Call your witness"

Tumayo nga ako at pumunta sa witness stand. "I am Francisca Arida, 20 years old, single, jobless and a resident of Paz Fierro"

"Ms. Witness, kilala mo ba si Paulo Tiniente, ang suspek sa kasong ito?"

"Noon po hindi" Nagkaroon ng komosyon sa paligid. Napalunok ako at kinalma ulit ang sarili.

"Ngayon?" tanong ng prosecutor.

"Nakilala ko na po siya dahil sa pag-iimbestiga sa nangyari"

Tinanong ako kung kailan nangyari ang pangagahasa, ang oras ng pinangyarihan at lugar. Tinanong rin kung bakit ako nandoon sa araw at oras na iyon. Sinagot ko lahat ng buong katotohanan.

"What then happened afterwards?" anang Prosecutor.

I closed my eyes trying to regain my strength of sharing that painful event. Malalim ang hininga ko at marahang binuka ang mga mata.

"Apat silang nag-abang sa akin sa pinangyarihan..."

"Maari mo bang isa isahin ang pangalan ng kasama niya?"

"Hindi ko po sila kilala"

"Dapat ay kilala mo dahil mayroon rin silang parte sa kasong ito"

"Hindi ko na po sila nakita pagkatapos noon, your Honor!" halos pasigaw na ako sa pagsagot.

"Anong ginawa ng akusado kung ganoon?"

"Hinubaran po nila ako. Malakas po sila. Hinihimas din po nila ang hita ko pababa, wala po akong nagawa!" umiiyak na ako. Di ko naipagpatuloy ang sasabihin.

"Did he succeed in putting his penis into your vagina?"

"Yes, your Honor" humikbi na ako.

"Ano ang naramdaman mo doon?"

"Masakit po... gusto kong manlaban pero mahigpit rin ang pagkakahawak sa akin"

Pinagpatuloy ko ang pagsasalaysay sa nangyari. Sa paghubad sa aking uniporme ng mga kasamahan niya. At lahat ng pinaggagawa nila sa akin.

"Paano mo nakilala si Paulo kung ganoon?"

"Palihim siyang iniimbestigahan ni Eion. At nakita ko rin siya isang event ng kapatiran" buong loob kong sabi.

"Ang sabi mo single ka? Kaano-ano mo si Eion kung ganoon?" tanong ng kabilang panig.

"Boyfriend ko po siya..." nagsinghapan ang tagakinig. Kinailangan pa silang awatin ng Judge para tumahimik.

"Irrelevant, Your Honor. So maaaring boyfriend mo lang talaga ang nakabuntis sa'yo?" ani ng ibang panig.

Sumilay ang ngiti ng ina ni Paulo. Si Eion naman ay nanatiling nakayuko. Nag-alab ang galit ko. Tinignan ko si Eion sa dagat ng mga tao. Malungkot ang mga mata niya ngunit pinipilit na ngumiti para tatagan ang loob ko.

Naging mahina ang stand ko dahil sa sinabi. Iniisip nilang baka si Eion lang naman ang kumuha ng virginity ko at gawa-gawa ko lang ang pag re-rape. Sabing maaring ang bata ay anak talaga namin at hindi bunga ng pangre-rape sa akin. Umiyak ako to prove a point.

Dumepensa rin si Eion sa mga akusasyon. Lumabas sa medical certificate ang pagkawal ng aking pagka birhen at sinasabi rin dito ang mga daplis na unti ring naghilom sa gitna ng pagkakababae ko.

Tinawag ang doctor para i-explain ang resulta ng test. Inaprubahan ito ng Judge.

Pinaulanan naman ngayon ng tanong si Paulo Tiniente. Tipid lang ang mga sagot niya at lahat ng iyon walang katuturan.

"Wala po ako doon. Sa Quezon po ako naninirahan, malayo sa pamilya ko"

"Totoo po ba ito?" nagtawag ng isang witness para kumpirmahin na totoo nga.

"Opo. Sa katunayan magkasama po kami sa gabing sinabi ng biktima"

"Sinungaling!" nagsisigaw ako. Puno na ng luha ang mga mata ko.

Inawat ako ng mga guards para pakalmahin. Kumalma lang ako nang magkabuhol-buhol na ang sinabi ng witness. Ngayon kang bruha ka! Ang babaw ng stand sa kabilang panig at kaduda-duda pa ang testimonya.

Nagtawag sila ng isa pang witness. Namilog ang mata ko pagkakita sa pumasok. Si tito Ricardo at... Marie!

"Bakit nandyan si Marie?" napatayo maging si Eion. "She's insane!" dagdag niya pa.

"Hiniling ang kanyang testimonya" panimula ng kabila.

"Hindi si Marie ang magwi-witness. Bilang girlfriend ni Paulo, pinahintulutan siyang pumasok sa hearing under certain conditions" ani ng tauhan sa gilid.

So kung hindi si Marie? Si Tito Ricardo! Anong kahibangan ito?

Tinignan ko so tita sa dagat ng mga tao. Maging si Tita Krista ay di na mapakali ngayon. Tumayo siya at kita sa kanyang mga mata ang pagkalito.

Nagkaroon ng komosyon ulit. Naguguluhan na ako sa kabobohan ng lahat ng ito! Bakit nasa kabilang panig si tito Ricardo?

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon