21

125 11 0
                                    

Forgiven

Nawala ako sa sarili. Nagpakalunod ako sa problema. Nagmukmok ako buong magdamag sa kwarto. Umiiyak. Tumatahan. Umiiyak ulit.

Wala akong nagawa kundi sumunod nang kinatok na nga ako ni tita Krista para kumain.

"Francisca..." she knocked the door. "Kumain ka na"

Binuksan ko ang pinto at tinungo na nga ang kusina. Wala si tito Ricardo sa paligid. Tanging kami lang ni tita Krista ang nandito. Tahimik kaming kumain na dalawa ng magsalita siya.

"Dapat ay pinag-usapan niyo ang problema niyo..." maingat niyang pagsambit. Hindi ako sigurado sa anong ibig niyang sabihin pero may palagay ako na si Eion iyon.

I remained silent. I looked at tita. She looks young for her age. Namumuti ang iilang strands ng buhok niya but she's still beautiful. Hindi manlang nangunot ang mukha kahit 50 na siya.

I can still remember how she was so happy with his first love. Hindi si tito Ricardo. It was someone more professional. He's a seaman. I also heard may anak sila. I didn't know what happened to both of them, I just found out tita Krista married tito Ricardo. Baog si tito kaya wala silang anak ngayon.

Tita Krista never got the chance to continue her studies because she was busy entertaining her seaman that later on, still managed to leave her. I will not be the one to judge, I don't know what exactly happened. The seaman left carrying the baby with him.

Nagligpit na kami ng kinainan. Naligo at nagbihis ako para sa trabaho. Malapit lang naman ang kila Mang Caloy. Lalakarin lang... tatlong bahay lang mula rito.

"Hello!" masiglang bati ni Mang Caloy. "Akala ko magpapahinga ka muna"

"Uh... di na po. Okay na naman po ako" ngumiti ako. Sa hapon na ako nakapasok sa pagtitinda.

"Pabili po nito" naputol ang aming pag-uusap dahil may batang bumili ng pagkain. Binigyan ko siya ng chichirya at kendi na gusto niya.

"Salamat" nginitian ko ang bata. Ganoon ang nangyari sa buong araw.

I sighed when I feel the baby bumps again. Umupo ako sa isang silya. At pinapakiramdaman ang sakit ng pagkakasipa niya.

"Baby... please be easy with mommy" pagmamakaawa ko. Ang hirap pala magbuntis. Akala ko gagawa lang tapos aanak. Naku!

I inhaled and exhaled harshly. Wala pa namang tao dito. I tried to be cool with it hanggang sa natapos nga. Nakahinga ako ng maluwag.

Sumapit ang gabi at ako na nga ang nagsirado ng tindahan. Dumating na rin si Mang Caloy galing sa palengke dahil may tindahan din sila doon.

"Oy, musta?" tanong niya pa.

"Pareho pa rin. Malakas 'tong bata na 'to" humalakhak ako.

Naglakad-lakad nga ako pauwi. Madilim na ang paligid at puno na ng kumikinang na bituin ang kalangitan. Napatingala ako doon habang himas ang tiyan ko.

Hanggang ngayon, gusto ko paring matapos sa pag-aaral. Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako. I wish I can turn back the time and fight for myself that night. The way they touch my arms to stop me from running away. The way they undressed me helplessly, keeps coming back in my mind.

Hindi ko namalayan ang luhang umagos sa mga mata ko. I sighed deeply, trying to regain my posture. I walked hanggang sa makarating nga ako sa bahay.

Napansin kong hindi nag-iimikan si tita Krista at tito Ricardo. Ako na ang boluntaryong nagluto ng hapunan. We ate silently.

Umabot hanggang sa ika pitong buwan nang mapagdesisyonan na magpa ultrasound ako. Ginamit ko ang tinatago kong pera galing kay Fowler.

"The baby is healthy misis" masiglang sabi ng doktor na nag ultrasound sa akin. Nilalagyan niya ng gel ang tiyan ko at nilalapit ang isang equipment para makita ang bata sa isang screen.

Nakikita at naririnig ko ang bata gamit ang screen na iyon. Hot tears streaming to my face. Ganito pala talaga. Hindi mabayaran ang kagalakan ko pagkakita sa nakatalukbong na sanggol. Hinawakan naman ni tita Krista ang kamay ko. She was happy too pati si tito Ricardo ay napaiyak na rin.

Alam na rin ni tita at tito ang nangyari sa akin. Kung paano at bakit ako nabuntis. Gaya ng reaksyon ni Eion, gusto nilang magsampa ng kaso. Pero kahit anong gawin nila- wala talagang matibay na ebidensya. And the case is still pending even up to this date... I told them na nakita ko ang rapist pero wala kaming sapat na ebidensya at makapangyarihan ang nasa kabila.

Ganoon talaga. Kahit nakita mo na. Kahit nakahain na ang totoong may sala, nakakatakas pa rin kasi nga di naman ang emosyon lang ang pinagbabasehan. Hindi pa nakatulong na mayroon akong boyfriend na siyang maaring gumalaw sa akin. Di ko na pinagpatuloy ang pagsampa.

"Tita..." tinawag ko si tita galing sa kwarto ko nagba bakasaling magising siya sa kabilang kwarto.

Medyo lumalalim pa ang gabi pero masakit na talaga ang tiyan ko. Kabuwanan ko na ngayon. I knocked on the woods para magising ang sa kabila. Kahit paglakad ay di ko kaya.

"Francisca!" nagising nga si tita. Mukhang gusto pang matulog ni tito pero inutusan siyang magpara ng traysikel sa kanto. Imposibleng may sasakyan ngayon kaya panigurado akong may magigising na naman na kapitbahay para ipag drive kami patungong ospital.

Sabi ni tito meron na daw sa baba kaya pumunta na nga kami sa labas. Nakaparada ang isang kotse. Hindi na ako nag-atubili pa at sumakay na nga.

Nasa likod sila tito at tita at nagmamadali namang nag drive si Eion. Kung bakit nandito siya dis-oras ng gabi ay wala akong ideya basta manganganak na talaga ako!

I'm almost shouting when I went to the delivery room. Nasa labas si tito at tita habang si Eion ang sumunod sa akin sa loob.

"It's okay, it's okay..." hinawakan ni Eion ang kamay ko para pakalmahin. Naluluha na ako. I feel like I'm losing my mind. Marahang hinahalikan ni Eion anv kamay ko.

"Di ko kaya..." sabi ko sa kanya.

"Kaya mo 'yan" he assured me.

The doctor and nurses went to my room. They busied themselves putting everything to the right places.

"Sigaw kayo ma'am" sumigaw nga ako.

"Push! Push!" sabi pa niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko kay Eion.

"Aaaah..." I screamed.

"Very good... do it again ma'am" sabi ng doktora. "1...2...3..."

"Oh my gosh!" napapasigaw na talaga ako. Nararamdaman ko na rin ang ulo ng bata. "Aaaaaah!" I screamed with all my might hanggang sa natapos. Umaagos ang luha sa aking mga mata.

"Congrats ma'am! Good job!" the doctor told me. Eion held me tight and kissed my forehead.

"You did great!" he told me.

Narinig ko ang iyak ng bata. Tuluyan akong umiyak. The baby is so cute. Tinakpan ko ang mukha ko, hindi mabayaran ang kaligayan ko habang nakahiga ang sanggol malapit sa akin.

I look at Eion who watched closely at the baby. Happiness is evident in his eyes. He tried to touch the baby's cute fingers. The baby wrapped his fingers to Eion's pointing finger. Natutuwa si Eion doon.

Pumasok na rin sila tito at tita at tinignan ang bata. They were happy too.

"Ako magpapangalan ng bata!" presenta ni tita Krista, humahalakhak pa. Si tito naman ay tinignan ako, nagsusumamo na mga mata ang iginawad niya sa akin.

Tito Ricardo didn't vocally apologized to me pero ramdam ko iyon. He regretted what he has done way back and I had forgiven him even before he asked me to.

Your Misery Is My Agony [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon