Rehas
Dalawang araw bago ang kasal ay pumunta ako sa Fraternity base para imbitahin sila. Pinuntahan ko na rin ang mga kaibigan ko sa unibersidad noon maging si Fowler.
"That's good to hear!" masiglang sabi ni Chrysler.
We talked about a lot of things. We exchanged numbers to call each other. May meeting kasi ngayon sa Fraternity kaya ginawa ko rin itong pagkakataon para mag imbita. Naging okay naman si Eion sa aking pagpunta dito pero mariin niyang tugon na di dapat ako magtagal.
I look at Marie who's busy with her phone right now. I was waiting for her response with my invitation.
"Bro" tinapik ang balikat niya sa katabing si Greg.
"Uh..." napabaling naman ang atensyon niya sa amin. "I'm not sure kung makakapunta ako" simple niyang tugon. Tumango naman ako.
Pagkatapos ng meeting ay naglakad lakad ako palabas. Nasa dapit hapon na at medyo makulimlim ang kalangitan. Sinubukan kong huminto muna sa cafeteria para mamalagi. Patawid palang ako ay narinig ko ang hagikhikan sa gilid. Hindi ko na nilingon iyon.
Pinagpatuloy ko lang ang lakad ko. Hanggang sa may sumitsit sa akin. Tumingin ako sa likod para tignan kung sino iyon. Pero wala akong nakita. Diretso lang ang lakad ko. Tinawagan ko si Eion para sunduin niya na ako.
"Hello!" masiglang bati sa kabilang linya.
"Pauwi na ako" sabi ko.
"Asa'n ba kita kikitain?" tanong niya. Naririnig kong pinapaandar na niya ang makina ng kotse. "Nandito lang ako sa malapit. Doon sa binabaan mo"
"Sa cafeteria lang doon malapit sa Italian Restaurant" sabi ko.
"Okay.... I'm coming" binaba ko na rin ang cellphone.
Lumiko ako sa isang kanto dahil doon malapit ang cafeteria. Ngunit isang hakbang palang ay hinablot ng di ko kilalang kasamahan ng mga lalaki ang braso ko.
Tumili ako pero agad din nilang tinakpan ang bibig ko. Ipinasok nila ako sa isang SUV at doon na ako dinaganan ng kaba.
Malikot ako sa kotse. Lahat ng enerhiya ko ay ibinuhos ko sa pagwawala. Tinakpan ang bibig ko ng itim na panyo maging ang mata ko ay naka blindfold. Ang binti ko ay marahas ding hinawakan.
"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ko ng naubusan na ako ng lakas para pumiglas.
Walang nagsalita. Hanggang sa naramdaman kong hininto ang sasakyan at kinaladkad ako paalis doon. Masyado silang marami. Sinubukan kong manglaban pero mahigpit ang pagkakahawak ng isa. Inalis ang blind fold ko. Doon ko na nakita nag abandonadong silid. May mga rehas sa paligid na iisipin mong ito ay isang kulungan noon.
Tatlong mga lalaki ang ngingisi ngisi sa harap ko. Di sila pamilyar sa akin. Ano bang kailangan nila?
"Sino kayo?" pero di nila marinig iyon ng maayos dahil sa takip na panyo sa bibig ko. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko at itinali patalikod gamit ang handcuffs. Pinaupo rin nila ako sa isang silya. Nagpupumiglas ako. Sinipa ko ang isa sa mga lalaki. Napaaray sa sakit ito pero agad akong dinaluhan ng dalawa. Ngayong nakatali ang kamay ko ang binti ko lang ang tangi kong sandigan.
Akmang sisipain ko rin ang isa gamit ang roundhouse buttkick ay napigilan ang isang binti ko ng isa pa. Tumayo na rin iyong unang kong nasipa.
Hindi pa rin ako nagpatalo. Umatras ako. Tatlo sila at isa lang ako. Kailangan kong makatakas!
Sinugod nila ako isa-isa at walang atubili akong pinagsisipa sila. Ang unang lalaki na medyo may katabaan ay dumiretso papunta sa akin. Di na ako nag-isip at malakas kong nasipa ang gitna niya. Napaluhod itong dinamdam ang sakit.
"Putangina!" sigaw niya.
Sa ganitong paraan mas madali ko silang matatakasan. Di na sumugod pa ang isa. Habang nanggagalaiti sa galit ang isa pa. Buong lakas ko silang sinugod. Ngunit agad silang nakailag.
Nasa gitna kami ng laban ng pumasok ang isa. Doon rin huminto ang tatlo at na distract ako kaya ginamit iyong pagkakataon ng tatlong lalaki para itali ang binti ko sa upuan pagkatapos ay lumabas na sa rehas na ito.
Naka cap ang isang 'to at di ko masyadong maaninag ang mukha. Humahalakhak siya. Napahinto ako sa pagkakarinig ng pamilyar niyang boses.
"Siguro may palagay kana kung sino ako?" sabi ng isang babae.
"Anong gagawin mo sa akin?" natataranta kong tanong.
She removed her cap. Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga!
"A little bit of your silence" humalakhak siya. "Putulin ko na kaya 'yang dila mo"
Nandilim ang paningin ko. "Ano bang atraso ko sa'yo?!"
Wala akong ideya kung bakit niya ako kinukulong dito. Sa pagkakaalam ko, wala kami masyadong interaksyon at di ako kailanman naging malupit sa kanya.
"Bakit ka magpapakasal? Naging okay ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong. Naguguluhan ako.
"I know your history and I know you plan it out!" binalot ng tinig niya ang buong silid.
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Anong history ba? At anong pakialam niya doon?
May mga pictures siyang itinapon sa paanan ko. Sinuyod ko ang tingin doon. I gasped when I saw Eion's pictures sa iba't ibang anggulo kasama ako. Naaalala ko pa ito. Ito ang mga araw na di kami nagkakaintindihan. Hawak ni Eion ang braso ko para patigilin ako sa pag-alis.
"Bakit ka magpapakasal kung nabuntis ka sa iba?" mariing titig ang ipinukol niya. Nanlaki ang mga mata ko. Gaano ba kalalim ang alam niya sa nakaraan ko?
"Sino ka ba?" tanong ko. Alam ko ang pangalan niya pero hindi ang buo niyang pagkatao. Ano bang pakay niya?
Humahalakhak siya. "Bulaga!" nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Rinig na rinig ko ang katagang iyon. Hindi ako makapirmi sa inuupuan ko. Kung sino man siya, alam kong isa siya sa nagpasimuno sa gabing iyon?!
"Walang hiya ka!" sigaw ako ng sigaw. Nagliliyab ang galit ko. Paulit-ulit kong gustong ialis ang binti ko sa pagkakarehas pero di ko magawa. I want to shout at her face and ripped her entire body!
Nakangisi siyang tinitignan ako na nagwawala. Gusto ko siyang sugurin! Tumalikod siya sa akin at lumabas. Nagkaroon na nang sugat ang binti maging ang kamay ko sa agresibo kong pag-alis ng rehas pero wala pa ring nangyari.
Nawala na rin sa akin ang cellphone at bag ko kaya malabo akong makuha dito. I need to do something!
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomansaHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...