Nakatakas
"Shit ang putangina!" galing sa pagkakaupo ay napatayo talaga ako. Naalarma ang mga katabi ko kasama na doon si Chrysler at Marie.
Hindi ako nagkakamali! Siya iyon! Ang bwisit na 'yon! Hinawakan ni Chrysler ang kamay ko para pakalmahin. Hinila niya rin ako paupo.
"Ano bang ginagawa mo?" sa mahinang boses na tanong ni Chrysler. Nanlilisik ang mga mata ko, hindi ko inihihiwalay ang tingin sa lalaking iyon. Kumaway pa siya sa madla at sinundan ko talaga hanggang sa paglabas niya.
Tumayo ulit ako. "Francisca!" sita sa akin ni Jaz.
"Sandali lang..." sabi ko. Matalim man ang tingin na ipinukol sa akin ni Jaz ay di ako nagpatinag doon. Supalpal ang demonyong iyon. Mabilis ang mga yapak ko palabas.
Napalinga-linga ako sa paligid pero ni ano niya ay di ko mahagilap. Nagpalibot-libot ako doon. Inaabangan talaga ang presensya niya. Gusto ko siyang durugin ng pinong-pino!
Kung noon, isa akong mahinang babae ngayon di ko na siya uurongan para saan pa ang training ko kundi alang-alang lang sa lintik na katulad niya.
"Damn it!" napasapo ako sa noo ko ng di ko talaga siya makita. Alam kong lumabas siya. Asa'n na ba?
"Francisca!" sigaw ni Marie sa akin. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko siya sinagot. Nagpabalik-balik lang ang lakad ko sa hallway. Naramdaman ko ring umalis siya pero hindi papuntang loob kundi palabas parang may kikitain.
Mahigit isang oras akong nakatunganga sa bunganga ng gym na ito nang mapansin ang dagsa ng mga tao palabas. Tapos na ang meeting! At hindi ko pa nakita ang lintik na iyon!
"Mauna na kayo sa sasakyan. Hihintayin ko lang si Marie" sabi ni Jaz habang hawak-hawak ang cellphone sa tainga may tinatawagan.
Naglahad naman ng kamay si Chrysler.
Sinundan ko nalang siya papunta sa sasakyan namin pauwi.
"Nakatakas!" I sighed in frustration. Napatingin naman sa akin si Chrysler. Bulong-bulong lang ako sa sarili, hindi din naman nagtanong si Chrysler.
"Let's go" sabi ni Jaz nang makarating kasama si Marie. Ramdam siguro ni Chrysler ang galit sa sistema ko kaya buong byahe ay di niya ako inimikan.
"'Till next time, bro" kinamayan ako ni Jaz, Chrysler at Marie. Ngumiti ako habang nakikipagkamayan sa kanila.
Nakarating na kami sa Maynila at pinahinto ko ang sasakyan sa cafeteria sa malapit para diresto na ang uwi. Huminga ako ng malalim. Alas siyete na ng gabi pagtingin ko sa relo ko.
Dali-dali akong sumakay ng traysikel pauwi sa condo unit ni Eion. Binuksan ko ang condo, naturo na rin kasi ni Eion sa akin ang code na nakalimutan ko. Hinay-hinay akong pumasok para di mahalatang nagabihan ako.
Ngunit hindi nakatakas iyon kay Eion. Nakahalukipkip at nakatayong tinignan niya ako.
"Sorry... natagalan..." pagpapaumanhin ko. "Masyadong marami..." hilaw akong ngumiti mahigpit na hinahawakan ang bag kong dala.
"Talaga?" maotoridad niyang tanong pabalik. Kinabahan ako doon. "Kasi tinawagan ko si Peter hindi pa naman daw kayo binigyan ng requirements this sem" tinaliman niya ang tingin sa akin. Lintik na!
"Huh? Uh..." Napakamot ako sa batok ko.
"Bakit ka nagsisinungaling sa akin? Ano ba talagang ginagawa mo?" napatalon ako sa mariin niyang pagtatanong.
"Eion... pwede ba?" pag iinarte ko para makatakas. "Hindi ko naman obligasyong sabihin lahat ng ganap sa buhay ko!"
Namilog ang mga mata niya. He laughed sarcastically.
"Not to mention that we are in a relationship huh?" sarkastiko niyang sagot.
"Kung iniisip mo na may iba akong lalaki? Wala Eion!"
"Bakit defensive ka?" singhal niya. Napipigtas na talaga ang pasensya ko. Padabog akong nagmartsa papuntang kwarto. Bago ko paman mapihit ang doorknob ay marahas niyang hinablot ang kamay ko.
"Ano 'to?" tinuturo niya ang sugat sa braso ko noong training palang sa taekwondo. Buti nalang hindi niya napansin ang duguan kong wrist na nasa likuran ko.
"Wala 'to!" pagtanggi ko sa kung ano man ang naiisip niya.
"Kailangan kong magpahinga Eion. Please..." sabi ko. Pinatakan ko siya ng halik sa labi na ikinahinto niya at diretso nang pumasok sa loob para magbihis.
Muntik na! Walang bandage ang kamay ko. Pero pinatakan na ito ng alcohol. Hindi na siya dumudugo masyado lang talagang malalim at malaki ang daplis doon. Buti ang kaliwang kamay ko lang ang napansin niya at nakaligtaan ang kanang kamay ko na ginamit sa sandugo.
I wear my pegnoir ready to sleep. Ngunit agad na kumalam ang sikmura ko, nagugutom ako. Tutol man ang aking sarili, pumunta ako ng kusina at sinubukang buksan ang maaring buksan. Naramdaman ko ang pagsarado ng pintuan ng banyo at iniluwa nito si Eion na nakatapis lang ng tuwalya.
Napansin niya ang pagbubukas ko ng kung ano-ano kaya lumapit na siya sa microwave at nilabas doon ang pagkain na pinainit niya pala. Napaatras ako ng ilagay niya ito sa lamesa. Wala siyang imik habang ginagawa iyon. Maging ang kanin ay nilabas niya na.
"Sala-mat" pautal-utal ko pang sabi. Malakas ang buntong-hininga pinaparinig niyang galit pa rin siya sa akin. Hinaplos ko ang braso niya.
"Sorry na..." nag puppy eyes pa ako. Hindi pa rin siya nagpatinag at pumunta sa kwarto para mag bihis na.
Nilantakan ko agad ang pagkain hanggang sa mabusog. Naghugas ako ng pinggan at sumunod na rin sa kwarto para matulog.
Hawak ang tuwalya pinapatuyo ni Eion ang buhok niya harap sa salamin. Nakaupo siya doon at nakapagbihis na rin. I hugged him from the back. Napatalon pa siya sa gulat. Tinignan niya ang posisyon namin sa salamin. Ngumiti ako sa kanya pero inabala niya lang ang sarili sa pag-aayos.
Napanguso ako. Galit nga talaga siya. Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya at humiga na sa kama.
Hindi ako makatulog kaya panay lang ang hawak ko sa comforter. Umuga ang kama. Tinignan ko si Eion na humiga na rin, tumalikod siya sa akin.
"Hindi ako makatulog dahil alam kong galit ka sa akin" mahinahong boses kong sabi. Tumikhim lang siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya galing sa likod. "I'm sorry..." malambing na boses kong sabi.
Hindi siya umimik. Inihiwalay ko ang sarili ko sa kanya. Galit talaga siya.
"Kung ayaw mo akong kausapin Eion, okay lang" bulong-bulong ko kahit iba naman talaga ang sinasabi sa kaloob-looban ko.
Tiningala ko ang kisame. Di talaga siya nagpatinag. Tinadyakan ko iyong kama para magpapansin sa kanya. Napatingin nga siya.
"Anong pinagdadabog mo diyan?" tanong niya.
"Wala!" ako pa iyong nagalit. Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya.
"Kung iniisip mong susuyuin kita, nagkakamali ka" matigas niyang bigkas.
"Ano ba kasing ikinagalit mo?" napalingon na ako sa kanya.
Tumayo siya iniiwan ako sa kama.
"Bakit ka ba nagsisinungaling?!" napasigaw na siya. Natutop ko ang bibig ko. "Sagutin mo!" nanlilisik ang mga mata niya. Di ko siya matignan.
"I'm sorry" pumiyok ako.
"Di ko kailangan ng sorry! I need an explanation!" sigaw niya at nilapit ang mukha sa akin. Hindi ako nakasagot. Lumayo siya sa akin. Umupo ako galing sa pagkakatulog para harapin siya.
"Eion..." buo ang loob kong sabihin na ang totoo. Pero di man lang siya lumingon sa akin o pinakinggan man lang ako. Nag ring ang phone niya. Lumabas siya ng kwarto. Sinagot ang tawag.
Huminga ako ng malalim. Edi wag! Pinilit ko ang sarili na matulog na lang.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomantizmHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...