Wedding Gown
"Eion?" hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Eion habang papasok kami sa mansion.
Malaki ang mansion, napapaligiran din ng magagandang muwebles kahit ang labas. Lalo na sa loob. Naglalakihang chandelier ang pinagmasdan ko.
Maingat akong hinawakan sa bewang ni Eion. May papalapit na katulong para igiya kami na maupo sa malalambot na couch.
"Pakitawag si mama" utos ni Eion. Pinaghandaan kami ng merienda ng ibang katulong. Hindi naman ako gutom kaya isinantabi ko iyon.
Nagmadali namang lumakad ang katulong na inutusan pero bago pa man siya makahakbang ng isa pa ay napahinto siya.
Nakasuot ng magarang white dress at may dala pang purse na ginintoan. She looks dazzling with her natural makeup and a messy bun. The great Carmencita gracefully walked in. Nag-iba ang awra niya ng makita kung sino ang kasama ni Eion.
"Ma" tumayo si Eion. He immediately kissed his mom's cheeks.
"Oh son, I'm glad you visited..." maarte niyang sambit. "...but not with that woman" mataray na pinadausdos ni Donya Carmencita ang tingin niya sa akin. Dumating na rin ang papa niya.
"Jasper Eion!" the masculinity of this man screams like a king. Strong, warm, bold and extra handsome. Nagmano si Eion.
Niyaya si Eion na kumain kasama ang pamilya. Niyaya din ako ni Eion. May tensyon habang nasa hapag kainan kami. Nakita ko rin ang dalawang kapatid ni Eion. They didn't show any emotion and never dared to even smile but I appreciate how they never made me feel unwelcome unlike their mom.
"Have a scoop, baby" nanindig ang balahibo ko sa pagkakabigkas sa tawag ni Eion sa akin. Napalingon ako sa kanya. Bakit kailangan niya pa akong tawagin ng ganyan? Sa harap pa talaga ng pamilya niya! Nilagyan ni Eion ang plato ko ng pagkain. Hindi nakatakas sa akin ang pagtingin ng mama ni Eion.
"Konti lang" I stopped his hand from getting another piece of chicken. Paminsan-minsan niya akong tinatanong sa kung ano ang gusto ko pero naiilang ako. Sa huli, siya na ang kumuha.
We ate silently. Tanging ang kubyertos lang ang maingay. Naunang magsalita ang nakababatang kapatid niya.
"I'll be home late" pamamaalam nito pagkatapos kumain. Umalis na siya kasama ang bunsong kapatid dahil aniya tapos na rin siya.
Doon na ako binalikan ng kaba. Kaharap namin ang mama ni Eion habang nasa gitna ang Don katabi si Eion at ang Donya sa magkabilang parte ng lamesa. Tapos na rin si Donya Carmencita kumain pero di siya tumayo man lang. Nilapag niya ang mga kubyertos sa mesa at mariin na tinitigan ang kamay ko sa mesa.
"We're getting married" kaswal na sabi ni Eion sa mga magulang niya. Natapos na rin siyang kumain.
"What?!" napasigaw sa pagkakabigla si Donya Carmencita. Hinawakan ni Eion ang kanang kamay ko at ipinakita ito ni Eion sa kanila. Walang imik ang ama niya. "Don't talk shit in front of the food!" the Donya hysterically added. Napayuko ako.
Alam ko na ganito ang magiging reaksyon ng Donya pero nasasaktan pa rin ako. I dream to belong. Why is it too much to ask?
"I'm just informing you. It's either you come or not" kalmado tugon naman ni Eion. Napatayo si Don at hinintay namin ang sasabihin niya.
"Sorry for the sudden visit" pinal na dagdag ni Eion.
Hilaw na tumawa si Donya Carmencita at hinihintay rin ang pag-alma ni Don. Pero walang nangyari. Tumayo si Donya Carmencita at lumapit kay Eion.
"Son, is she pressuring you?" Donya asked Eion. Sinubukan niyang pakatitigan si Eion.
"Ma, my decision is final please..." ulit ni Eion at hinawi ang pagkakahawak ng Donya sa panga niya.
"Why?" his father finally asked as well. "Jasper Eion, you're not gonna marry her!"
Napasapo si Eion sa noo niya at napatayo na rin kasama ako. Padabog na lumabas si Eion habang mariin ang pagkakahawak sa akin.
"Son, you're disrespecting us!" bulyaw ni Donya Carmencita pero diretso lang ang lakad namin. "I can't believe this!" naghihisterya na siya.
Lumabas kami. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng kotse at marahan akong pinaunang umupo. Sumunod din siya sa driver seat katabi ko.
"Guards, close the gates!" utos ng Don na nagmamadali pala kaming sundan pero huli na dahil pinaharurot na ni Eion ang Hillux na dala.
Napahinto kami dahil sa stop signal. Nilingon ko si Eion na ngayon ay walang tigil ang pagkunot ng noo.
"Eion..." hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa manibela. Nilingon niya ako.
"When we came back home... you'll be chosing your wedding gown" sunod-sunod niyang sabi.
What? That fast? When will be the wedding?
"I sent the invitation cards to your papa isusunod ko na kay tita at tito"
"This is too fast... Eion" sabi ko. "Kailan ba tayo ikakasal?"
"Four days from now" he calmly answered. Napaawang ang bibig ko.
"Why too early?" buong atensyon kong nilingon siya.
"If you want to invite your friends, do it" sabi niya di manlang sinagot ang tanong ko.
"You're being stubborn Eion" sabi ko. May palagay kasi ako na kaya napaaga ay dahil galit siya sa mama at papa niya.
"This is long overdue... we'll do it anyway, it's better early" natapos na ang stop signal kaya pinaharurot niya na ang kotse.
Iyon nga ang nangyari. Sa gabi ding iyon, dumating ang wedding dressmaker. I never expected this wedding to happen this fast!
Sinuri ng designer ang katawan ko. Mula sa tangkad at waist ko. The gay designer is very meticulous in doing it. Eion also had another designer for his polo.
Nahirapan akong pumili ng gown, di pa nakakatulong ang tumataginting na dolyar na presyo nito. The designer suggested a magnificent combination of white and gold gown for me with white pearls on the borders of the v-neck line collar. It was sprinkled with glitters and it surely would catch attention. May mahaba pang burda sa likod nito with crisscross design. It was tubeless but long gown.
By the looks of it, it really would cost a fortune. Nahiya ako. Mas mahal pa ito kaysa sa tinitirhan namin ni tita! I was hesitant to try it. Mahal talaga kasi.
"We can chose something cheap Eion" sabi ko.
"Just try it" he told me habang bumabalik siya sa isa pang designer para siya naman ang pumili. Hindi na ako nakipagtalo pa at sinukat na nga iyon. This is too bold. Kita ang cleavage ko rito at mas nadedepina ang perky boobs ko. Actually, I feel like a queen wearing it. Lumabas ako sa banyo.
Pinaulanan naman ako ng palakpak ng designer. "It suits you perfectly" he even made a flying kiss with saranghae fingers. Napalingon maging ang designer ni Eion sa banda namin.
"I think it's too bold" naiilang na sabi ni Eion.
"Ano ka ba?" pagsita sa kanya ng designer. " The one you are marrying is" at humalakhak. Pumula ang pisngi ko doon.
"Insulto ba 'yon?" pabiro kong tanong.
"The westernized take that as a compliment" sagot naman niya. Umiiling man si Eion ay wala siyang nagawa. The designer likes it for me. And I love it for myself.
BINABASA MO ANG
Your Misery Is My Agony [COMPLETED]
RomanceHow would you feel if you lost everything in just a simple encounter? Francisca is a typical woman with a dream of a peaceful life. A normal student who is eager to play fair in this cruel world. Unfortunately, an event may crushed her spirit. All t...